Saktong pag dating ko sa table nandon na ang mga inorder namin kaya nilantakan ko rin iyon.
Habang lumalamon kita ko sa mga mata ng dalawang marites sa mapang- asar na tingin nila.
"Ano?" Tanong ko habang umiinom. "Oo sa kanyang kanta yon" Mabilis na amin ko at nag iwas ng tingin.
Matatapos na ako sa kinakain ko sila hindi pa dahil pang aasar nila mga letchugas.
Habang pinupunasan ko ang labi ko gamit ang tissue pasimple akong lumingon sa paligid lam niyo na baka nandyan pa rin si Kingkong.
Pag kalingon ko nandon nga siya at kumakain rin. Mabilis siyang napatigil sa kinakain niya ng maramdaman niya ang titig ko kaya mabilis din akong umiwas.
Napatingin ako sa maliit na stage nung merong isang guy na umakyat doon.
Lalaki siya pero sa kilos niya palang parang ghourly.
"Hi mga bakla" Sabi nito habang inaayos ang kanyang damit.
Oh teh tama ako ng hinala, ghourly nga ang boily niyo.
"Broken ako ngayon kaya broken ang itatanong ko sa inyo" May arte pa ang bawat sabi niya.
Napatawa naman ang mga tao at sinabing go lang daw. Aba hindi pa ako nasangayon shuta.
"Naranasan niyo na bang mag kagusto sa isang tao... pero naguguluhan ka pa sa nararamdaman mo?..." Tanong ng kuya ghourl sa stage. "Ay hindi, totoo na yung nararamdaman mo pero naguguluhan ka lang don sa nararamdaman ng nagugustuhan mo" Sabi ni kuya ghourl na nag patigil sa akin.
Ano to lahat na lang ba parinig sa akin? shutangina.
Tumahimik ang ilan at nanatiling nakikinig.
"Kahit ba naguguluhan kayo sa nararamdaman ng nagugustuhan niyo pipiliin niyo pa ring umamin?" Tanong ni Kuya ghourl.
Di naman siguro siya mag tatawag no? Parang-
Di ko na nakausap ang sarili ko ng ituro ako ni kuya ghourl.
"Ikaw? Kanina ka pa nakatulala anong masasabi mo sa tanong ko" nakangiting tanong ni kuya ghourl sa akin.
Letche paanu i2...
Wala akong nagawa kung di ang kuwain ang mic at sagutin ang tanong niya.
"Siguro?.... kasi malay mo pwede pala yon mag pabago sa naguguluhan niyang damdamin" Pilit kong ngiti nag hiyawan ang mga tao para bang nakakuha sila ng sagot sa matagal na tanong sa mga utak nila. "Pero depende pa rin... kasi baka ganon lang talaga siya mag care sayo as a friend...what if kaibigan lang pala talaga pero nilalagyan mo ng meaning? edi mas lalo kang nasaktan... lalo na pag may nakita kang may kasama siyang iba" Ngiti ko pa. Mabilis ding natahimik ang mga tao. Ewan ko nasingit ko na tuloy yung sama ng loob ko. BrOCcANe ako tapos ako tatanungin niyo.. yan tuloy nasama ko sama ng loob ko.
Yan mag overthink kayo damay damay to!
Gulat akong napalingon ng may sumagot.
"What if gusto ka niya... at di lang kaibigan ang tingin niya sayo pero di mo siya hinahayaang mag paliwanag sa nakita mo?" Sagot ni Kleo kaya napa hiyaw ang mga tao.
Umirap naman ako ng patago.
"Pano mo hahayaang mag paliwanag kung nakita mo naman" Matigas na sagot ko.
"Pano kung nakita mo nga pero hindi lahat? kasi dahil takot kang masaktan mabilis kang umalis... kaya hindi mo nakita ang kabuohan... at katotohanan" Matigas na sabi niya.
"Nasaktan na ako... at oo takot akong masaktan pero anong magagawa ko mapipigilan ko ba?" Inis na sabi ko.
Lahat sila humiyaw ng 'ohh'
Mga kurimaw.
"Ahm ehem...oo okay na yon dami kong nakuhang sagot haha parang may laman at totoo" Pilit na tawa niya at ngumiti.
Ngumiti ako kay kuya ghourl at sa mga tao bago umalis sa stage.
"Wait... Natalia" Tawag saakin ni Kleo ngunit di ko siya pinansin at nag patuloy papunta sa table.
"Labas lang ako ah" Sabi ko kila Ely at Isha.
Need ko ng hangin naiirita ako.
Di pa man nakakasang ayon ang dalawa umalis na ako.
Napalingon ako ng may humawak sa pulsuhan ko.
"What? Mag papaliwanag ka? Saan? Sa nakita ko?" Naiiritang sabi ko sa kanya.
"Please talk to me"
"Ano bang ginagawa natin ngayon? Tumatahol?" Sagot ko pa.
"P-para kanino yung kinanta mo kanina..?" Utal na sabi niya. Nahalatang nahihiya.
"Para sayo yon happy na? Yon lang ba ang pag uusapan pwes umalis kana" Malimig na tugon ko.
Walang nag salita sa sinabi ko kaya nilingon ko siya.
Namumula ang pisnge nito ganon din ang sa tenga niya.
Pft.... wag kang tatawa Natalia please wag kang marupok pakshet ka.
Umiwas na lang ako ng tingin at patagong ngumiti.
"Ano? yon lang ba gusto mong malaman? Alis na gusto kong mapag isa" Malimig na sabi ko. Kunware galit ako. ay galit naman talaga pero.... hehe ang cute niya kasi.
"P-pwedeng paki ulit nung sinabi mo?" Pag sasalita niya.
"Ha?" Tanong ko. Letche andami ko kayang sinabi di ko alam kung saan don.
"yung sinabi mo"
"Para sayo yung kantang kinanta ko kanina"
"Please say it again" Pag papaulit ng kingkong.
Aba't-
"Aba't tarantado ka pala e-"
"Just tell me you love me, and I'll give you all of my love..." Sagot niya na nag pabilis ng tibok ng puso ko.
"I l-like you... Kleo..uh" Mabilis akong nag iwas ng tingin ng sabihin ko iyon. Wala na di na ako astig. Argh tangna lang dapat galit ako bat ko sinasabi to!
Kinabahan ang kaloob looban ko ng hawakan niya ang baba ko at iniharap sa sarili niya.
"See you tommorrow at 8pm then" Ngiti niya habang hawak parin ang baba ko at nakatitig sa muka ko.
Napatango na lang ako ng wala sa sarili.
Sinamahan niya pa ako pumasok sa shop bago siya umuwi.
Tulala tuloy akong pumasok sa shop na ipinag tataka nila Ely at Isha.
"Ahm I smell something fishy" Asar ni Ely.
"Ay weh? Sorry meron kasi ako ngayon gagi" Sagot naman ni Isha kaya sinamaan siya ng tingin ni Ely.
"Ang epal mo!" Sagot naman ni Ely.
"Totoo kaya meron ako!" Sagot din ni Isha.
"Iba kasi ang ibig sabihin ko gaga!" Nguso ni Ely dahil nafail siya sa pangangasar sa akin.
Ngumiti ako sa kanila.
"Uwi na tayo? May gusto pa ba kayong puntahan?" Tanong ko sa kanila.
"Hoy kalurks mas lalo atang bumait ang mima niyo" Sabi naman ni Isha.
"Gagi anong merong hangin sa labas at nag ganyan ang mood mo"
Tumayo naman ako at inayos ang sarili.
"Love" Wala sa sarili kong sagot. "Eme, charot, jokejoke" Mabilis na sabi ko ng marealize ang sinabi ko.
Nag tinginan naman ang dalawa at kalaunan ay tumango. Mukang alam na nila ang dahilan ng pag ngiti ko. Emz Joke charot chariz harot mo Natalia tsk tsk.
:)
![](https://img.wattpad.com/cover/276635438-288-k27161.jpg)
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...