Chapter 74: Wine

205 13 0
                                    

Kinabukasan halos bumagsak na ako kahit nag lalakad pa lang. 

Wala akong tulog kakaisip sa sinabi ni Mara.

Inabot na ako ng madaling araw at dalawang oras lang ang tulog ko.

Pag kauwi ko ng bahay agad kong kinausap si Dad gamit ang video call pero tumawa lang siya. Tinatawanan lang ako aba malay niya daw na si Kleo ang Engineer pero syempre di pa rin ako naniniwala ngiti pa lang ni Dad.

Maaga kaming aalis ngayon para masukat na namin ang lahat. Pag kapunta ko sa office bumungad sa akin si Kleo.

"Ah...sorry sabi kasi kahit dito na lang daw ako mag antay" Sabi pa nito ng makita ako. Titig na titig ito sa muka ko malamang dahil sa malaking dark circles ko sa mata at papungay pungay ang mata ko.

"Okay lang" Ngumiti ako ng pilit dito at sinalampak ang aking ulo sa table.

"Are you okay?...kaya mo ba?" Tanong nito sa akin kaya inangat ko ang ulo ko at tumango.

"Yes... kaya ko" Sabi ko pa at tumayo. Pupunta ako sa office ni Theo para mag pasama ulit at siya naman ang mag drive para matutulog ako sa byahe tutal alam niya naman na ang lugar. 

Pag kabukas ko ng pinto walang bumungad sa akin na Theo kaya napa simangot ako at hinawakan ang ulo ko. Ang sakit letchugas.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya pero naka ilang tawag na ako wala pa ring nasagot malamang tulog ito. Mamaya pa naman kasi ang pasok niya kaya tulog pa rin ito ngayon.

Pumasok na ako sa office at tumingin kay Kleo.

"Let's go" Napangiwi ako ng sumakit ang ulo ko kaya mabilis akong nag iwas ng tingin at nag lakad. 

Nang makapunta sa parking lot ay bigla akong natumba. Ansakit ng ulo ko argh! Bat ngayon pa. 

"Natalia!" Rinig kong sigaw ni Kleo at tinulungan akong tumayo.

"Natapilok lang" Pag dadahilan ko pa.

"No, hindi ka okay" Matigas na sabi ko.

"Okay lang ako..." Ngumiti ako ng pilit dito at mabilis na lumayo sa kanya.

"Pumasok ka sa kotse" Sabi pa nito kaya naguluhan ako.

"h-ha?" 

"Di mo kayang mag drive baka maaksidente ka...pumasok ka sa kotse ko at ako ang mag dadrive" Matigas na sabi nito. Nakakatakot naman siya.

"Okay lang gagi-" I laughed awkwardly.

"Isa" Bilang nito.

"Dalawa" Sunod ko dito pero sinamaan lang ako ng tingin nito.

I was about to get into my car when he pulled my wrist. Mabilis niya akong binuhat kaya nagulat ako.

"Kaya ko nga! Ibaba mo nga ako!" Kinurot ko pa ang kamay niya pero walang effect. Letche baka may makakita sa amin. "Isa" Pag bilang ko dito. Naiinis na.

"Dalawa" Naka ngisi niya pang sabi. 

Pinasok niya ako sa kotse niya at mabilis din siyang pumasok sa kotse niya. 

Bubuksan ko sana ang pinto pero naka lock na iyon. 

"Kaya ko nga sabi!" Sabi ko pa at inaabot ang pindutan sa kotse niya para maunlock ang pinto.

Mabilis siyang humarang doon kaya bumungad sa akin ang katawan niya at ang kanyang muka. Naangat ko ang tingin ko at mabilis na umiwas.

"Kailangan mo ng tulog...matulog ka dyan habang bumabyahe" Sabi niya at inistart ang makina ng kotse.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon