Chapter 32: Resturant

255 25 0
                                    

Pag kapasok namin sa resturant ay inunahan ko sila Ely at Isha kung saan uupo.

Umupo kami sa tapat nila Kleo at ang mga kabanda niya.

"Order lang ako ha?" Saad ni Ely kaya napatango na lang kami.

Tinititigan ko naman si Kleo na katapat ng table namin pero si kingkong iniiwas ang tingin!

Ano bang problema niya!

Simula kagabi at nong nakaraang araw di na siya namamansin pati ang mga chat ko sa facebook di niya siniseen!

Narinig ko naman ang pag tawa ni Isha siguro napansin niya ang pag kilos ko. Tinignan ko ng masama si Isha ngunit mas tinawanan lang ako nito!

Argh naiirita na ako!

"Tawagin mo kasi hindi yung kinukulit mo siya sa tingin" Natatawang sabi ni Isha sa akin.

"Ayoko! Bahala siya dyan" Ngusong sabi ko at tinigilan na ang kakatitig sa kingkong na yun.

Bahala siya dyan kung ayaw niya kong pansinin edi wag! di naman siya gold!

Bumalik naman si Ely at sinabing okay na daw mamaya darating na ang order namin.

Tumango na lang ako at di na umimik.

Narinig kong nag tawanan sila Ely at Isha kaya napalingon ako sa kanila.

"Aw di pinapansin" Mahinang saad ni Ely at inilabas pa ang dila niya para lang asarin ako!

Sinamaan ko lang sila ng tingin at umiwas na.

Napalingon muli ako kila Isha at Ely ng makita ko silang nag bubulungan. Ano na namang napasok sa mga brain cells nila.

Hinayaan ko iyon at nag cellphone na lang.

Inis kong iniscroll ang facebook.

"Kung gusto mong sirain yung screen ng phone mo sabihin sa akin at ako ang sisira" Sabi ni Isha. Napairap na lang ako ng mag tawanan na naman sila.

Pag katapos kung kumain aalis na talaga ako kainis!

Ilang minuto pa ang nakalipas ng dumating na ang order namin ganon din kila Kleo.

Unti lang naman ang kakainin namin dahil mag hahanda pa dun sa bahay.

Unti na nga lang parang ang bagal ko pang kumain.

Pag katapos kong kumain ay sumunod na ding natapos ang dalawa.

Nagulat naman ako ng pumunta si Ely sa table nila Kleo at may binulong.

Anong kalokohan na naman to?

Hinatak naman ako ni Isha papuntang labas. Nagulat ako ng sumunod doon si Kleo at Ely.

Ano bang nangyayari? Shutangina.

Nagulat ako ng kuwain nila ang cellphone ko pati ang cellphone ni Kleo.

Bigla naman nag flashlight iyon kaya naintindihan ko na.

Obob pinicturan kami. panigurado naka busangot ang muka ko dito.

"Smile naman" Sabay na sabi nila Ely and Isha kaya wala akong nagawa kung di ang ngumiti.

Di ko nga alam kung naka ngiti ba si Kleo o hindi dahil mas matangad siya sa akin.

"Okay naka 100 shots na ako. Tama na" Sabi Ely at ibinigay na ang cellphone sa amin.

100 shots?!

Pumasok naman agad si Kleo doon sa loob at di na muli akong pinansin.

oki pi

Pumasok na kami sa loob para kuwain ang gamit namin at umalis na.

Ampanget niya kabonding! Kala mo gold!

Naiinis pa rin ako dahil bakit siya ganyan?!

Di ko pa tinitignan ang phone ko dahil sa inis at tumingin na lang sa paligid.

Nag hiwalay na kami ng landas dahil mag kakaiba naman kami ng bahay.

"Babye! sabay sabay tayo mag eenroll sa collage ha!" Sabi ni Ely at niyakap kami.

Niyakap ko siya pabalik ganon din si Isha.

"Babye!" Sabay naming tatlo ng makalayo na kami ng dinadaanan.

Mabilis akong sumakay ng jeep pa uwi.

Ilang minuto rin ang nakalipas ng maka uwi na ako.

Pag kauwi ko marami nang bisita doon kaya binati nila ako.

"Congrats iha" Sabi sa akin ng karamihan.

Nag pasalamat naman ako at ngumiti bago pumunta sa kwarto ko para mag palit ng damit.

Nag half bath na lang ako at nag suot ng color yellow dress at itinali ang buhok ko.

Pag kababa ko ay kumain na kami ng sabay sabay ganon na rin ang mga bisita namin.

Nag kokwentuhan naman kami at nag tatawanan dahilan para makalimutan ko ang inis ko kanina.

Ng umalis na ang mga bisita ay tinulungan ko na ang mga katulong sa pag liligpit dahil wala rin naman akong gagawin mamaya.

Si Mom naman at Dad nag papahinga na dahil marami din silang ginawa kanina at bukas papasok na ulit si Dad sa work niya.

Pag katapos kong tumulong sa pag liligpit ay umakyat na ako sa kwarto.

Pinalitan ko na lang ang damit ko ng short at sando dahil matutulog naman na ako. Di na ako nag half bath dahil kaka ligo ko lang kanina nag hilamos na lang ako ng muka at nag skin care.

Humiga na ako sa kama at matutulog na sana ng maalala ko ang mga picture namin!

Kaya agad kong kinuha ang cellphone at tinignan iyon.

Sa unang shot naka simangot kaming pareho. Sa pangalawang shot naman ng picture naka tingin ako sa iba non. Naiinis na kasi ako.

Akala ko nag loloko si Ely sa 100 Shots hindi pala! Totoo nga! tas ginawan pa ng album! may name pa talaga!

Tweet tweet....Tampo daw sila UwU.

Tangnang Ely yan!

Sa dami ng picture namin sa isang picture lang ako napangiti.

Nakangiti kaming dalawa doon na para bang bati talaga kami.

Napatitig ako ng matagal don. I zoom her face para titigan ang ngiti niya.

Napa ngiti na lang ako ng walang dahilan dahil sa litratong iyon.

Tinitigan ko ito ng matagal hangang sa maka tulog ako.

:)

Please don't forget to vote and comment! Thankyouu!




Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon