Chapter 19: Cine

313 28 1
                                    

Meron pa siyang kinuha sa kotse pag kababa namin. Isa yung hoodie Color white naman yun. Nag taka naman ako dahil naka hoodie na siya ano pa ang gagamitin niya diyan.

Di ko na lang ito pinansin at sabay kaming pumasok sa Mall.

Dumaretsyo kami sa Mang inasal dahil yun ang sabi ko. Yun kasi ang favorite ko.

Inunahan na ako mag salita nito nang makita niyang nakabuka na ang bunganga ko.

"Opps, unti lang kakainin mo ha, May pupuntahan pa tayo" Sabi nito sakin.

"Okay 1pc chicken na lang and rice tapos halo-halo and......" Nag iisip pako ng pwedeng kainin ng mag salita ulit siya.

"Unti na yun sayo? andami na nun para sakin eh" Pag tataray nito sakin.

"Ang unti na nga lang nun eh sige dadagdagan ko p-" Pabiro ko sakanya ng mag salita siya.

"Shh" Saway nito sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at kinuha ang cellphone ko.

Pinanood ko ang video ng patago at ini stop ko ang vid, kung saan naka tawa siya. Ini-Screen shot ko ito. Pumunta ako sa Facebook at minayday ito. I mention her name.

Nag notif naman kaagad yun sa phone ni Kleo kaya naman kinuha niya ito at tinignan. Nagulat pa ito ng makita ang muka niya na naka myday sa acc ko.

"Ano to?" Sabi niya pa at hinarap sa akin ang phone.

"Unggoy" Pang- aasar ko.

Sumama naman ang tingin nito at nag iwas ng tingin. Nasilayan ko pa ang maliit na pag ngiti niya.

Luh kinilig si kingkong...

Maya-maya pa. Dumating na rin ang order namin.Ganun din ang order niya. Di mo malaman kung gaya gaya ba siya o tamad pumili ng order eh.

Kumain kami habang pinag uusapan ang mga gagawin namin sa performance.

Ng matapos akala ko ay dederetsyo kami sa bahay. Nagulat ako ng matapat kami sa cine.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Manonood malamang" sagot nito sakin.

Nalaglag ang panga ko dahil dun. Parang bobo naman kasi yung tanong mo natalia malamang cine nga eh.

Tumawa naman ito ng makita ang reaction ko.

Nag patuloy kami sa paglalakad. Napahinto ako ng mapansin kong nakakatakot ang panonoorin namin!

"Ayaw ko rito!" Sabi ko dito habang kinakabahan.

"Ngayon lang naman. Saka treat ko to" Sabi pa nito sakin. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, upang pigilan ang pag tawa.

"Ang daming pwedeng panoorin dito oh. Bat ito pa!" Sigaw ko dito at sinamaan ng tingin.

Di na niya napigilan ang tawa nito. Tumawa ito ng malakas kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

Di kasi ako makatulog pag nanonood ng nakakatakot. Kaya bata palang iniiwasan ko na ito. Pero ngayon nandito ako sa tapat ng cine at tinitignan ang larawan ng nakakatakot na movie.

"Sa iba na lang tayo manood please" Sabi ko dito. Lumungkot ang muka ko sa sinabi niya.

"Sayang naman yung ticket, Pinag ipunan ko tas di naman pal-" Di na niya natuloy ang sasabihin ng hinatak ko na siya sa loob.

Nakakainis pati sa malungkot niyang muka ang pogi pa rin!

"Ipipikit ko na lang ang mata ko habang nanonood" Bulong ko sa sarili ko. Pilit kong kinukumbinse ang sarili ko na yun ang gagawin ko.

Nang mag simula na ang palabas ay dun ko na rin ipinikit ang mata ko. Nakaramdam ako ng lamig. Shuta ang lamig dapat pala nag dala ako ng Jacket.

Napadilat ako ng kinalabit ako ng katabi ko. Walang iba kung di si Kleo.

Binigay niya sakin ang hoodie na dala niya kanina. Ahh kaya pala may dala siya. Aba alert yung gaga ha. Binigay niya rin sa akin ang popcorn and drinks .

Sinuot ko ang hoodie na kasing bango niya. Kahit papano nawala ang nararamdaman kong lamig sa katawan.

Kinuha ko ang popcorn na ibinigay niya at muling pumikit habang nakain.

Nakakapagod palang pumikit. Shuta.

Dinilat ko ang isa kong mata at tinignan ang mga nangyayari.

Buti at wala pang nangyayaring kababalaghan. Kaya pinanatili kong naka dilat ang mga mata at patuloy pa rin sa pag kain ng popcorn.

--------

Natapos kami sa panonood na nanginginig ako. Hindi dahil sa lamig kong di sa takot. Hindi ako nakakapikit pag may nakakagulat na pang yayari na. Kaya nakita ko yung muka nung Demonyo sa movie!

Huhubels pano ako makakatulog nito?!

Napansin naman ako ni Kleo kaya kinausap niya ko.

"Giniginaw ka parin? Kahit naka hoodie kana?" Tanong nito sakin.

"Ahh hindi dahil yun sa pinanood natin" Sagot ko dito na nanginginig pa rin ang katawan.

"Pft..." Natatawa nanaman ito ng samaan ko siya ng tingin.

"Anong nakakatawa? Mula pag kabata ay iniiwasan ko manood ng nakakatakot dahil sa tuwing gabi hindi ako makatulog" Nakapamewang na sabi ko dito.

Bumulaslas naman ang tawa nito kaya mas lalo akong nainis. Bwesit na yan ayaw akong paniwalaan.

Dahil sa kainisan ay nauna akong mag lakad. Bala siya diyan nakakainis siya.

Humabol naman ito sa akin at patuloy tinatawag ang pangalan ko.

"Lilibre pa kita ng ice cream want mo?" Sigaw nito sa akin kaya napahinto ako sa pag lalakad at humarap sakanya.

Ngumiti ako at tumango lumapit naman ako sa kanya.

Hays makakalibre nanaman ako.

He chuckled. at inakbayan ako.

Hinayaan ko yun at nag patuloy kami sa pag lalakad.

Hinawakan niya pa ang tuktok ng ulo ko at ginulo iyon.

Buset na kingkong to! kung di ka lang manglilibre di kita hahayaang ganyanin yung buhok kaso... medj pogi ka rin kaya......W-what? di ko sinabi yun.....di yun sinabi ng isip ko!

:)

Please don't forget to vote and comment! Thankyouu!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon