When I'm in the 6th grade pumunta ako mag isa sa park. Walang tao roon kaya napangiti ako. Mas masaya kung tahimik at ako lang mag isa pero papalapit pa lang ako nang may makita akong babaeng kasing edad ko siguro? o mas matanda ako sa kanya ng ilang taon. Naka upo ito sa swing katabi ang punong malaki na nag haharang ng liwanag doon.
Pumunta ako doon dahil sikat na sikat pa ang araw marahil tanghaling tapat. Narinig ko ang pag iyak ng batang babae.
"Huwaa ang hapdi" Rinig kong bulong niya kaya napatingin ako sa binti niyang may sugat. Siguro nadapa ito kaya ganon.
Malakas na humangin kaya nag laglagan ang mga dahon galing sa puno at nabagsakan ng tatlong dahon ang babaeng iyakin sa kanyang ulo.
"Pakyu ka talaga Ely iniwan mo ako dito" Bulong na naman nito kaya mahina akong napatawa dahil nag bad finger pa ito habang umiiyak. Tindi. Iyaking palaban.
Di ko alam na lumapit na pala ako sa babaeng iyakin at itinanggal ang tatlong dahon na nasa ulo niya.
Nagulat ito sa ginawa ko kaya mabilis itong napatayo at ngumiwi ng maramdaman ang hapdi ng kanyang sugat.
"Marunong ako m-mag ninja turtles! wag kang lalapit!" Sigaw nito sa akin kaya napatawa ako. "Anong nakakatawa?!?!" Naiinis na sabi niya.
"Muka ba akong nangunguha?" Tanong ko dito at ngumiti.
"Di naman pero hindi porket gwapo ka di kana nangunguha no!" Naka ngusong sabi niya at muling umupo sa swing.
Napatulala ako ng sabihin niya iyon. Patago akong ngumiti at umupo na rin sa swing.
Inabot ko sa kanya ang panyo ko kaya nag tataka itong tumingin. Di ko alam pero parang may sariling buhay ang katawan ko at pinunasan ang basa nitong pisnge dahil sa luha niya.
She smiles at me.
Napatulala ako. Ang ngiting iyon ang sumabay sa ganda ng sinag ng araw at pag hampas ng sariwang hangin sa mga balat namin.
"Salamat!" Naka ngiting sabi niya pa.
"I-ilagay mo rin to sa sugat mo para maiwasan ang infection" sabi ko at nag iwas ng tingin.
"Eh? Pano ko ito maibabalik sayo?" Tanong niya pa at ngumuso. Cute.
"Pag nag kita tayo" Sabi ko pa at ngumiti.
"Pano kung hindi tayo mag kita?" nakangusong sabi ng babae. Napangiti naman ako at kinurot ng mahina ang pisnge niya kaya napa hawak ito sa pisnge. Ang cuteee.
"Lalaylay ang pisnge ko nito! Wag mong uulitin yon ha!" Sabi niya pa habang hawak ang pisnge.
"Mag kikita tayo nyan" Naka ngiting sabi ko at muling humangin kaya muling nag laglagan ang mga dahon na galing sa puno. Ngumiti ito at tumango. Sa muling ngiting iyon parang bumagal ang pag bagsak ng mga dahon.
"Kung ganoon sa muling pag kikita natin tayo na!" Maganang sabi niya. Normal lang naman ang pag kakasabi nito habang ako nag loloading pa sa utak ang sinabi niya. Ako ba yung mali kasi nilagyan ko ng meaning? Alam niya ba ang sinasabi niya? Tumawa na lang ako at umiling. "Anong nakakatawa?" Tanong nito.
"Kung sakaling lilipas ang panahon ng pag kikita natin siguradong limot mo na ako non" Ngiti ko pa.
Ngumuso na naman ito at tumanga tango. Natural ang gandang meron siya mahabang buhok, may katangusan ng ilong, manipis na labi, mahabang pilik mata at tamang hugis ng mata na bumagay sa hugis ng kanyang muka.
"Natalia...pwede mo rin akong tawaging Natali or Talia" Sabi nito at inilahad ang kanyang kamay.
"Kleo" Ngumiti ako at tinangap ang kamay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/276635438-288-k27161.jpg)
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...