Chapter 48: Hug

224 17 0
                                    

Mabilis akong lumapit sa kanya kahit pagewang gewang pa ang lakad ko, no pakels mahabol lang siya.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Isha ng makita akong kasama si Kleo.

Agad kong ibinigay sa kanya ang susi ng kotse ko at sumunod ulit kay Kleo.

"K-kleo" Tawag ko sa kanya. "Uy" Kalabit ko pa sa kanya ngunit nag patuloy lang siya sa pag lalakad. Aba't!

Tumigil siya sa paglalakad ng matapatan namin ang kotse niya.

Huminto rin ako sa pag lalakad at nag salita.

"Sorry.....di ko alam na yayakapin niya ako....at saka may lasing kasi na bumungo sa amin kaya niyakap niya ako para di kami matumba" Sabi ko pa sa kanya at hinihila hila ang dulo ng polo niya.

"Bakit ka nag sosorry?" Malamig na sabi niya.

"K-kasi umalis ako....tapos di pa natuloy yung usapan na aalis tayo kasi pasaway ako!"  Naka ngusong sabi ko at di maka tingin sa mga mata niya. "Edi kong galit ka wag na nating ituloy yun o kaya wag mo akong pansinin! o kaya sapakin mo ko! o kaya sipain mo ko! yung sipang mawawala ako sa mundo!" Sabi ko sa kanya at inangat ang tingin ko.

aish gusto ko nang matulog nahihilo talaga ako!

kinagat niya ang pang ibabang labi niya at umiwas ng tingin.

"Ano sapakin mo na ako! O kaya sipain mo para mawala na ako sa mund-" Di ko na natapos ang sinasabi ko ng yakapin niya ako.

Yakap na katulad ng kay Theo! ay letche.

"Pwede ba kitang yakapin kahit walang nang bubungo? aish. Bawal kang mag reklamo dahil ito ang punishment mo , at ang gusto ko mang sipain hangang mawala siya sa mundo yon ang lalaking yumakap sayo kanina" Sabi ni Kleo at tingal ang pag kakayakap. Naka nguso na siya ngayon at pinipindot pindot ang ilong.

Napatulala naman ako at nag iwas ng tingin.

"T-tuloy pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Di na, tignan mo nga lakad mo pagewang gewang! Sasusunod na lang" Sabi niya at nilait pa ang lakad ko.

Totoo naman.

"Okay" Sabi ko at sumandal sa tabi niya.

_____

Pag kadilat ko ng mata ay agad kong napamilyar ang kotse. Kay Kleo itong kotse.

Nag salita si Kleo pero di ko na narinig dahil muli akong nakatulog.

____
Nagising ako ng kinalabit ako ni Kleo.

"hm?" Sagot ko sa kanya at nanatiling antok.

"Anong hm? Gumising kana may pasok ka pa" Parang nanay na sabi niya pa.

Napabalikwas naman ako. Napapikit ako ng maramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Argh! 

"Yan inom pa" Naka pamewang na sabi niya pa.

Para siyang si Mom.

Napa tawa naman ako dahil sa ginagawa niya.

"What?" Tanong nito ng nakita niya akong tumawa.

"Your acting like my Mom now huh?" Pag tawa ko pa. 

Inilapit niya ang muka niya na ikinagulat ko.

"Tch. Mas bagay sayo maging nanay" 

"Huh? Kasi babae ako?" Lutang na sabi ko.

Di ko kasi gets.

"mas bagay sayo maging nanay....ng anak natin" sabi nito at mabilis na nag tungo sa kusina.

Napangiti naman ako at umiwas ng tingin. Corny.

Pumunta ako ng Cr para maligo at nag bihis ng uniform pag katapos non dumaretsyo na ako sa lamesa kung saan nakahanda na ang niluto ni Kleo.

Merong nakahandang ha? hatdog, itlog, tocino, at luncheon meat. 

"Wala ka bang pasok?" Tanong ko sa kanya. 

"Wala prof namin kaya wala kaming klase ngayon pero mamaya siguro meron na" 

Tumango na lang ako.

Habang kumakin biglang pumasok sa utak ko about don sa kotse. Gosh kanino ko yon binigay? Omg!

"Shit!" Saad ko habang inaalala ang nangyari.

"Yan palang niluluto ko napapamura kana sa sarap pano pa kaya pa-" Natigil siya sa pag mamayabang niya ng nag salita ako.

"Yung kotse ko?! Huhu nakalimutan ko kung saan ko nilagay yung susi! Gift sa akin yun ni Dad di pwedeng ganon ganon ko lang mawawal-" 

"Nandyan yung kotse mo" Kalmadong ani ni Kleo sa akin. 

"Paano? Pano mo nakuha? At saka kanino ko binigay yung susi kahapon" Kalmado kong sabi at iniisip ang nangyari kagabi. May natatandaan naman ako sa iba pero yung sa kotse talaga nag blanko ang utak ko! 

"Binigay mo kay Isha yung susi" Sagot naman ni Kleo.

"Pano ako naka pag drive? Woah angas kaya ko palang mag drive pag lasin-" Di ko na natapos ang pag mamayabang ko ng mag salita siya.

"Ako ang nag uwi sayo, binalikan ko sila Isha at Ely tapos binigay ni Isha sa akin ang susi" Paliwanag ni Kleo.

"Di mo sila hinatid?" Tanong ko.

"Nope nandon si Hunter at Ethan"  Sagot niya.

Napangisi naman ako at nag iwas ng tingin. 

Nako nako.....hmmm... naamoy kong....meron nanamang nahuhulog sa isa kong kaibigan na si Ely hmm... 

"Anong nginingisi ngisi mo jan di bagay sayo" Paepal na sagot ni Kleo.

Sarap niyang batukan promise. Minsan na nga lang siya maging sweet depota siya. Sipain ko biya- ha? hatdog.

Inirapan ko naman siya. 

"Nag sisimula ka nanaman ah patalsikin kita" sabat ko pa.

"Baka natatandaan mong ako ang nag sundo sayo kagabi pauwi dito sa condo mo" Naka ngising sabat niya at hinawakan ang baba niya na parang ikina gwapo niya.

Fine. Gwapo na siya.

"Sino bang nag sabi sayong sunduin mo ko pauwi" Irap ko naman.

"Aba't! aish di ka na lang mag pasalamat no? ang galing naman nakaka proud. Sige salamat Kleo ha hinatid mo ako. Kaya ligtas ako ngayon" Natawa naman ako dahil pinang babae niya pa ang boses niya.

"What if lagyan kita ng make up sa face mo?" Sabi ko at ngumisi.

"Wag na, baka kabugin ko lang ganda mo" Sabi nito sa akin at inirapan ako.

ay bet panong kabog.

"Bilis na" Nag pacute pa ako para lang pumayag siya.

"May pasok pa tayo Natali. Mamaya na lang o sa susunod" Irap nito sa akin halatang napilitan lang.

"Yes! Mamaya ah punta ka hehe" Tumawa naman ako ng pandemonyo. 

"Ano pa nga ba" bored na sagot nito at pumunta sa sala.

hinugasan ko ang pinag kainan namin at umalis na ng sabay. 

Gusto ko sanang dalhin kotse ko pero ang tigas ng bunggo ni Kleo at sinabing kotse niya na lang daw tutal susunduin niya rin ako pauwi.

Inirapan ko na lang siya at umiwas ng tingin upang ilabas ang ngiti sa muka.

Punyeta, delikado na buhay ko.

:) 






Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon