Napahawak ako sa ulo ko at napangiwi sa pang lasa ko. Letche bat ganon. Ansakit ng ulo ko tapos ang panget pa ng panlasa ko.
Mabilis kong napamilyar kung kaninong kwarto ito. Kay Theo. Teka ano bang nangyari? Si Kleo ang kasama ko ah?
Lumabas ako ng kwarto at bumungad sa akin si Kleo sa sofa. Busy ito sa ginagawa at ang damit niya ay...kay Theo?!?! Teka nga ano bang nangyayari?
Kinusot kusot ko ang mata ko baka sakaling mag bago ang paningin ko at si Theo talaga ang nakaupo.
"Oh gising kana pala Honey bunch sweetie pie" Rinig kong boses ni Theo. Kakalabas niya lang ng cr at bagong ligo.
Napalingon ako kay Theo at lumingon din kay Kleo pag katapos. Nakatitig si Kleo sa akin kaya mabilis ko din iniwas ang tingin ko.
Eh?Bat sila mag kasama?
Naguguluhan ako ah!
Kailan pa sila nag karon ng something!
"Kumain kana" Sabay nilang sabi kaya napalingon nanaman ako sa kanilang dalawa. Hindi ba ako nananaginip?
Pasimple kong kinurot ang tagiliran ko pero wala! Gising na gising ako!
"B-bat kayo mag kasama?" Tanong ko dito. For the first time naka pagsalita rin.
"You were drunk last night" Rinig kong sabi ni Kleo.
Oo alam kong nalasing ako pero...anong sumunod na nangyari?
Kinakabahan ko silang tinignan.
"N-natulog lang ako diba..." Tanong ko dito. Pero hindi siya sumagot kaya muli akong nag tanong. "Wala naman akong ginawang katarantaduhan right?..."
"Well-" Mag sasalita na sana si Kleo ng magsalita ako.
"Stop! Okay okay...hayaan niyo na lang akong makaalala...anyway kailan pa kayo naging mag live in partner huh???" Pag iiba ko ng topic. Itinaas ko pa ang isa kong kilay at tinignan sila.
"Pinag sasabi mo" Sabay nilang sabi kaya napalobo ko ang pisnge ko. Natatawa.
"So bakit ka nandito sa condo ni Theo?" Tanong ko kay Kleo.
Nag iwas ito ng tingin hindi sinagot ang tanong ko. Aba't!
"Sige kung walang sasagot iisipin ko talagang may something kayo hah!" Sabi ko pa at nag lakad papuntang cr.
Sinamaan ako ng tingin ng dalawa kaya tumatawa akong pumasok sa banyo. Gosh wala pala akong damit... yung suot ko kahapon iyon pa rin ang suot ko ngayon.
"Theo...pwedeng pahiram ng damit?" Muli akong lumabas ng cr.
"Here..." Agad na sabi ni Kleo.
Kukuha palang sana si Theo pero inunahan siya ni Kleo. Eh? Pano siya nag karon ng extra t-shirt aber?
Nakakahiya naman kung tatanggi ako. Kaya tinanggap ko na lang iyon.
"Thanks...ibabalik ko din to pag nalabhan ko na" Mahina kong sabi.
Napatingin naman ako kay Theo ng pumasok siya sa guess room. Oo may guess room siya kahit condo lang ito...may pag malaki kasi itong condo ni Theo. Oh diba pak na pak.
Ilang segundo ng lumabas ito.
"oh kailangan mo to" Naka iwas niyang tingin.
Mabilis namula ang muka ko ng makita ang hawak niya...underwear ko kasi iyon pati ang bra ko. Meron ding silk short na di ko alam kung bat meron siya non.
Naalala ko nung tinulungan ko siyang mag ayos ng gamit...naligo ako dito ng walang damit at nabasa ang underwear at bra ko dahil nung isasabit ko sana silang dalawa bigla silang nag laglagan at nabasa. Binilhan ako ni Theo sa mall ng underwear ko at bra dahil nga basa pa yong akin. Hiyang hiya ako nung araw na iyon.Nilabhan ko iyong bra ko at underwear at nakalimutang kuwain nung natuyo na kaya siguro nakatabi ito sa kanya.
Nakatitig doon si Kleo kaya mabilis kong hinablot iyon kay Theo at mabilis na pumasok sa Cr.
"Salamat" Mabilis ko ring sabi.
Ang init ng muka ko!
Inilubog ko ang muka ko sa bathtub sa sobrang hiya.
Inalala ko rin ang nangyari kagabi base palang sa tingin ni Kleo alam kong may kakaiba...pero sana naman wala akong ginawang katarantaduhan diba.
_____Flash Back______
Muli kong dinilat ang mata ko nang may kumakalabit sa akin. Mabilis akong ngumiti ng makita ko si Kleo.
"Itry mo...masarap yung wine" At pinakita ko ang baso kong wala ng laman.
"Iuuwi na kita" Sabi nito at binuhat ako.
"Sandali...pakitanong mo muna kay waiter kung anong name nung wine!" Sabi ko pa at ipinikit ang mata. Nahihilo na talaga ako.
"Hmm...sir need niya pong mag bayad sa ininom niyang wine..." Rinig kong sabi ng waiter.
"How much" Tanong ni Kleo. Isinandal ko ang ulo ko sa leeg niya.
"Ang bango mo pa rin...mas lalo kang pumango" Bulong ko pa at humagikgik.
"four thousand five hundred po lahat" Sabi naman ng waiter.
"Ilan ba ang ininom niya?"
"Anim po at yung lima pong iyon puno" Sabi ng waiter.
"Ano bang pumasok sa babaeng to para uminom ng ganon karami" Bulong niya pa at nag bayad.
"Mahal naman ng wine niyo" Tumatawang sabi ko.Lasing na. "Pero alam mo yung mas mahal?" Sabi ko pa sa waiter.
"You're drunk" Rinig kong sabi ni Kleo pero di ko pinansin.
"mas mahal ko siya" Sabi ko at humagikgik. Sagot ko sa tanong ko sa waiter. Napatawa lang ito.
Pag kasabi ko non muli kong siniksik ang muka ko sa leeg niya.
Ramdam ko ang pag galaw siguro nag lalakad na tong si Kingkong.
Pinasok niya ako sa kotse. Ni hindi ako maka dilat dahil sa hilo.
"Asan ang condo mo?" Tanong nito.
"Sa puso mo" Sabi ko dito at tumawa ng mahina.
"Bat ba ako nag tatanong sa lasing" Singal niya. "Tawagan mo kaya ang boyfriend mo..." Hindi ko maintindihan ang tono ng boses niya kung nag tatampo ba or walang gana.
"Boyfriend?" Tumawa ako dito. "Sana nga ganon kadali" Mahinang sabi ko.
"What?"
"wala akong boyfriend" Inayos ko ang upo ko.
"yung lalaking kasam-"
"Kaibigan ko" Pag putol ko sa sasabihin niya.
Di ito umimik.
"B-bat mo ginagawa to huh?" Mahinang bulong ko. "You have a girlfrien-"
"I don't have a girlfriend" Mahinang sabi niya.
"Sus! Babe nga ang tawag niya sayo" Sabi ko dito at nag iwas ng tingin.
Ilang segundo tumahimik at bigla siyang tumawa.
"Are you jealous?" He said and chuckled.
"kapal...bat di mo tinanong nung name nung wine kainis ka" Pag iiba ko ng usapan.
Tumawa lang ito.
"Natalia..." Rinig kon tawag nito.
Idinilat ko ang isa kong mata at tumingin sa kanya.
"hmm?" mahinang sabi ko.
"Why did you leave me?..." Mahinang sabi nito.
"You deserve happiness...so I left" Ngumiti ako ng pilit dito.
_____End Flash Back______
______
____________:<
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...