Binato ko ng unan si Kleo at pinaalis siya sa kama.
"Alis dyan dami mong satsat dun ka sa sofa matulog!" Sabi ko dito at binabaliwala ang kilig na nararamdaman ko kanina.
"Na miss nga kita!" Sabi nito ulit kaya hinampas ko ito ng paulit ulit.
Wag kang kiligin Natalia wag please.
"Anong gagawin ko? Di naman kita na miss" Pag tataray ko dito para itago ang kilig na nararamdaman.
"Ahhh ganon ba.....sorry ha eto lang ako....di ako pasok sa standard mo haha....sana namatay na lang ako" Sadboi na sabi niya.
Tumawa naman ako at hinampas siya.
Pasok na pasok ka sa standard ko lol!
Umiling ako sa naisip.
Ano ba Nataliaaaaa!
"Patayin mo na lang ako Natalia ang sakit ng hampas mo!" Sabi ni Kleo sa akin kaya napa tawa ulit ako.
"Patayin kita ng pag mamahal" Sabi ko dito nanlaki ang mata ko ng mapag tanto ko ang sinabi.
Ngumisi naman siya sa akin kaya napa iwas ako ng tingin "Sige nga.....try mo nga sa akin...gusto kong maranasan ang pag mamahal ni Natalia Rivera Guinness" Saad nito sa akin habang naka ngisi.
Umiwas naman ako ng tingin ngunit hinawakan niya ang baba ko at iniharap iyon sa muka niya.
Wahhhhhh! Anong gagawin ko?!
Palapit na ng palapit ang mga muka namin ng bigla kong kurutin ang tagiliran niya kaya naman napa higa siya sa kama at sumigaw ng malakas dahil sa sakit ng kurot ko sa kanya. Kahinaan niya kasi iyon ang pag kurot sa tagiliran.
"Wag ako Kleo masasapok kita trenta" Sabi ko sa kanya.
Ang kaninang antok ko ay nawala dahil sa nangyayari.
Letche naman oh!
"Isa lumipat kana sa sofa! Lilipat ka o lilipad ka?" Sabi ko naman sa kanya at sinisipa siya ng mahina.
"Eto na nga eh!" Sabi niya naman at tumayo natawa ako sa pag tayo niya hawak niya pa rin ang tagiliran niya habang nag lalakad patungo sa mahaba kong sofa sa kwarto.
Humiga ako at ipinikit ang mata upang matulog ng marinig ko ang pag strum ng gitara.
Paraluman- adie
"Sa unang tingin, agad na nahumaling
Sa nagniningning mong mga mata
Ika'y isang bituin na nagmula sa langit" Pag kanta ni Kleo. Hinayaan ko lang iyon at ipinakingan."Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi
Sadya namang nakakabighani
'Di maipaliwanag ang nararamdaman"Di maipaliwanag ang nararamdaman
Di maipaliwanag ang nararamdaman
Di maipaliwanag ang nararamdaman
Nag paulit ulit iyon sa tenga ko kaya mabilis namula ang mag kabilang pisnge ko.
Kalma Natalia kanta yan, kasama yan sa lyrics.
"Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika'y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay""Oh, Paraluman
Ika'y akin nang dadalhin sa
'Di mo inaasahang paraiso"Napa dilat naman ako at tinitigan siya mabilis din akong nag iwas ng tingin ng naka titig na pala ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...