Chapter 69: Pagod

169 12 0
                                    

"Pag pahingahin mo muna ako..." Sabi ko dito at tumalikod. "Congrats you did it, you hurt me" Huling sabi ko at umalis.

Iyak ako nang iyak sa kotse ng biglang tumawag si Ely.

[N-natalia] Nanginginig na boses niya. Halatang galing sa iyak.

"Anong nangyari sayo? Nasan ka?" Pinilit kong ayusin ang boses ko para hindi niya mahalatang umiiyak ako.

[N-nandito ako sa labas ng condo namin ni Isha] 

"Asan si Isha?" 

[Kasama si Hunter...sorry sa istorbo Natalia alam kong alas dos palang ng madaling ara-] Di niya na natapos ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"Okay lang pupuntahan kita jan"

Ganon na nga ang ginawa ko nag maneho ako papuntang condo nila Ely. Nagulat pa nga ito dahil sa itsura ko.

"Bat ganyan ang itsura mo?" Tanong nito sa akin ng makitang basang basa ako.

"Okay lang...nabasa ng ulan nakalimutan ko kasing dalhin ang payong.

"Mag palit ka mun-" 

"O-okay lang, tara na" Ngumiti ako sa kanya kaya tumango ito kahit nag aalala pa dahil sa itsura ko.

Nag usap kami sa resturant kung anong problema...nag karon sila ng problema ni Ethan kaya ganon. Sinabi kong pag usapan nila iyon pero umiling lang siya. 

"Siguradong okay ka lang?" 

Mahina akong umiling alam kong di niya iyon napansin. "Okay lang" 

"Hindi ka okay Natalia...sabihin mo sa akin"  Pag pupumilit nito.

Tinitigan ko lang siya sa mata at ngumiti. Ngiting pagod na. "Pasensya na...pero hindi ko kaya ngayon"

Inihatid ko na siya ulit sa condo at kumaway bago isara ang pinto ng condo niya. 

Pagod ang mga mata ko kakaiyak at dahil wala ring tulog. Natuyo na rin ang basa kong katawan at sumama narin ang pakiramdam ko. 6 am na ng umaga ng papauwi na sana ako ng condo ko pero biglang may tumawag sa akin.

Si Dad iyon kaya kaagad kong isinagot.

"Goodmorning Da-" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng mag salita ito.

[Ang Mom mo nasa Hospital] Sabi ni Dad na nakapag pagising sa akin. 

Inihinto ko ang sasakyan ko at muling nag salita.

"B-bakit? anong nangyari?" 

"Inatake siya sa puso..." Naiiyak na sabi ni Dad at nanginginig ang kanyang boses.

Napahawak ako sa noo ko ng at agad ding tinangal ng mapaso ako sa init. Shit wag ngayon. 

"P-papunta na ako jan" Nanghihinang sabi ko at ipinatay ang tawag. 

Muli akong nag maneho paalis sa manila. Kahit hinang hina na. 

Nalalasahan ko ang dugo sa aking labi dahil sa  kakakagat nito.

Ilang oras bago ako nakapunta sa ospital. 

Nang makita ko si Dad doon na nanlabo ang lahat, naramdaman ko na lang ang pagtumba ko sa sahig.

Rinig ko ang sigaw ni Dad pero hindi ko na maimulat ang mata ko sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. 

_____

Nagising ako sa sarili kong kwarto. Umupo ako pero mabilis akong nahilo. Napahawak ako sa ulo ko pero agad ding inalis ng halos mapaso ako. 

Kahit masama ang pakiramdam dumeretsyo ako sa ospital.

"Nak..." Nagulat si Dad ng makita muli ako sa hospital. 

"Okay lang po ako" Ngumiti ako sa kanya. 

"Bakit antaas ng lagnat mo? at asan si Kleo? bakit ka nag paulan at hinayaan mo ang sarili mong matuyo at saka di ka manlang nag palit ng damit" Sunod-sunod na tanong ni Dad sa akin. 

"Kamusta na po si Mom? Ano pong nangyari bat inatake siya?" Sunod sunod na tanong ko di ko pinansin ang tanong niya.

"I-I'm sorry" Napayuko si Dad at nanginginig na nag salita. "A-ako ang dahilan..."

"Anong dahilan po? Dad sabihin niyo naman po ng malinaw" Muling nag tubig ang mata ko. Naramdaman ko tuloy ang hapdi ng mata ko dahil kanina pa ako iyak ng iyak pagod na ang mata ko sa iyak pero ito ako. 

"Pakiramdam ko n-niloko ko siya" tuluyan ng umiyak si Dad. 

Napatulala ako. D-dad cheated on Mom? Hah ambilis pala talaga ng karma kaya agad na lumipat sa akin.

Naiiyak na tumingin ako sa kanya. 

"B-but no... I can explain...ipapaliwanag ko sayo nak please" Mabilis na sabi ni Dad ng makita niya ang reaction ko. 

Umiling ako...

"Please...wag muna ngayon Dad...pagod ho ako sa lahat" Matigas na sabi ko at muling tinignan si Mom. Si Mom na nakahiga at mahimbing na natutulog.

Tumango tango si Dad at muling nag salita. "Sure...sorry" 

Simula non hindi ko matitigan si Dad pumupunta ako sa Hospital para asikasuhin si Mom hindi ko pinapansin si Dad dahil sa nalaman ko. Hindi niya naman ako kinukulit dahil naiintindihan niya ako. 

Hindi pa rin nila alam ang nangyari sa relasyon namin ni Kleo. Saka na lang siguro pag nagising na si Mom or naka recover na siya. 

___ 

Napatayo ako ng dumilat si Mom at ngumiti sa akin.

"D-dad gising na si Mom...tawagin mo ang doctor" Mabilis na sabi ko at isinunod naman iyon ni Dad.

"Mom...kamusta po kayo? May masakit ba sa inyo? Anong nararamdaman nyo po?" Sunod na sunod na tanong ko.

Ngumiti lang ito at hinawakan ang kamay ko. 

Naiiyak akong tumingin sa kanya bago umupo.

Nang dumating ang doctor pinaalis muna kami sa room dahil may ichecheck sila kay Mom. 

Nag antay pa kami bago muling lumabas ang mga doctor.

Inaabangan namin ang sasabihin ng doctor.

"Okay naman na ang puso niya...pero need niya pa ring mag stay sa ospital nang dalawang linggo at sana wag po natin siyang maistress para hindi po muli maulit ito iyon" Paliwanag sa amin ng doctor kaya nakahinga kami ni Dad.

"Thankyou doc" sabay na sabi namin ni Dad. Ngumiti ang doctor at umalis na dahil may aasikasuhin pa itong ibang pasyente.

____

Nakita ko ang pag pasok ni Dad sa room ng ospital ni Mom. Kaya pumunta ako dito at napatigil nang marinig ang pag uusap nila.

"Hindi pa maayos ang pakiramdam mo saka na lang ako mag eexplain hm" Rinig kong sabi ni Dad.

"Okay lang maiintindihan kita, sige na sabihin mo na kaysa naman mag isip pa ako ng kung ano-ano diba?" Naka ngiting sabi ni Mom.

Tumango tango si Dad at nag muling nag salita. "Pinapaalis ko na siya sa kompanya nung araw na iyon dahil hindi ko na talaga matiis ang pangungulit niya...narinig niya ang boses mo na papunta sa office kaya mabilis itong gumawa ng aksyon na ikagagalit ko at ikagagalit mo... " Tuloy lang ang pag kwento ni Dad habang naka tingin sa kanya si Mom. 

"Salamat" Nakangiting sabi ni Mom.

"Bakit ka nag papasalamat? Kasalanan ko nga kung bat ka nandito"Naiiyak na sabi ni Dad sa kanya.

Umiling naman si Mom "Ako ang may mali dahil nagalit kaagad ako at nag isip ng masama eh hindi ko pa nga napapakinggan ang paliwanag mo...I'm sorry" Paliwanag din ni Mom.

Ngumiti si Dad at niyakap si Mom "I'm sorry too..." 

 Napangiti ako sa kanilang dalawa pero napalitan din ng pilit na ngiti ng maalala ko si Kleo. Dati kaming ganto...pero lahat nanlabo hanggang umabot sa puntong nawala na.

___
______

:<



Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon