Gabi na ngayon at matutulog na sana ako ng biglang tumawag sa akin si Kleo. Ilang linggo na rin ang lumipas ang pasa ko pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit pag sa tuwing hinahawakan. Ni hindi ko nga ito pinaalam kila Ely at Isha dahil natatakot akong sugudin nila ang babae iyon. Di pa rin maalis ang mga naiisip ko...at yon din minsan ang dahilan ng pag aaway namin.
"Hello lov-" Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng mag salita siya.
[Pupunta ako jan] Seryosong ani nito. [Hey, Iiwan mo ako? pano ako?] Boses ni Mara ang narinig ko kaya napa tayo ako sa higaan.
Wtf?! Pano niya nalaman condo ni Kleo?
[Just lock the fucking door!] Inis na sabi ni Kleo at narinig ko ang malakas na bagsak ng pintuan. [Hey K-kleo] Rinig kong naiiyak na boses ni Mara.
Ramdam ko ang pag hinto ni Kleo sa kinatatayuan niya. Ako na mismo ang nag patay ng tawag at muling humiga.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Mang yayari na naman ba ang nangyari sa akin noon? Hahayaan ko lang ba? Natatakot na ako...
Naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko kaya mabilis ko iyong inalis.
"Hindi magagawa yon ni Kleo okay? Mahal ka ni Kleo..." Pag iintindi ko sa sarili ko.
Inantay ko siya sa sofa pinilit kong hindi tumulo ang mga luha ko para isipin niyang okay lang ako. Baka pag patuloy kong ituloy tong ugali ko mapagod na siya sa akin.
Anong oras na pero wala pa rin ito. Imposible namang traffic dahil anong oras na.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko hanggang sa malasahan ko na ang dugo nito.
Narinig ko ang pag katok kaya mabilis ko iyong binuksan.
Pagod ang mukang sumalubong sa akin.
Nagulat ako ng marami siyang dalang gamit.
"Ano to?" Tanong ko dito.
"Dito na ako titira..."Sabi ni Kleo at humiga sa sofa.
"Eh? pero di pa alam to ni Mom at Da-"
"Nag paalam na ako sa kanila wag kang mag alala" Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang pisnge ko.
"Pano niya nalaman ang condo mo?" Tanong ko dito.
"I don't know...maybe..." Parang nag dadalawang isip pa siyang sabihin ito.
"Maybe?"
"Pagod ako Natalia matulog na tayo...bukas ko na lang aayusin ang mga gamit ko" Sabi nito at pumikit.
Tumango tango ako at ngumiti ng pilit ng marinig ang pag tawag niya sa pangalan ko.
Hinayaan ko siyang matulog ng sofa habang ako naman ang natulog sa kama. Nilabas ko ang lahat ng luha ko sa buong gabing iyon. Hinayaan ko munang matangal ang maga ng mata ko bago ako matulog.
Nagising ako na wala na siya sa condo...ni hindi niya man lang ako ginising katulad ng ginagawa niya dati.
Wala namang pasok ngayon pero bat wala siya?
Narinig ko ang notif ng phone ko kaya tinignan ko iyon.
Messages*
Kleo: Kasama ko si Mara, sorry babawi ako.
Sineen ko lang iyon at hindi nag reply.
Ginulo ko ang buhok ko at muling humiga sa kama.
Please Natalia wag kang mag isip ng masama...mag kaibigan sila...normal lang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/276635438-288-k27161.jpg)
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...