Tatlong linggo na ang nakakalipas di pa rin ako pinapansin ni Kleo!
Wala as in nga-nga!
Pero wala naman akong pake di naman siya gold!
"Ghinost kana!" Sabi sa akin ni Ely at tumawa.
Nandito kami sa kwarto ko ngayon, wala kaming magawa.
Kaming tatlo lang nila Isha at Ely dito.
"Oh talaga? Ikaw nga di pinapansin eh!" Asar ko din kay Ely. Totoo naman.
"Pinansin niya na ako no huli ka sa balita" Pag mamayabang niya pa.
Umiling na lang si Isha dahil sa sobrang gulo namin.
"Nakaka bored anong pwedeng gawin?" Tanong ko sa kanila.
"Chat mo si Kleo tapos sabihin mo.... Bat di kana namamansin UwU" Natatawang sabi ni Ely kaya pati si Isha natawa.
Buset na yan ang hilig sa UwU sarap tanggalan ng atay.
"Isa pang Uwu mo jan Ely tatangalan kita ng labi para di kana mag kakaron ng first kiss!" Sigaw ko sa kanya.
"Lol meron na akong first kiss bulok yun! kaya di ko tinuring na first kiss ko!" Naasar na sabi ni Ely.
Natawa naman ako ng maalala ang dating botfriend ni Ely. Pft...
Natawa na naman kaming tatlo.
"Wag kang tumawa tawa jan Isha ikaw nga bata pa lang may first kiss na! Sanaol UwU" Pang aasar naman ni Ely.
Isa pa Ely tatangalin ko yang Uwu na yan nang gigil na ako.
"Hoy! parang bobo si Ely" Namumulang saad ni Isha.
Napatawa na naman kami.
"So yun na nga balik tayo sa topic ghinost ka ni Kleo" Pang aasar na naman ni Ely. Nasapok ko ang noo ko dahil akala ko matatapos na ang pang-aasar niya sa akin.
"Hindi nga ako ghinost! saka kung igoghost ako non galing niya naman! Ano siya gold!" Naasar na sabi ko.
"Pikon ang ate ghourl mo! Totoo! hahaha may feelings kana dun te?" Sabi naman ni Isha.
Wtf?! Feelings?..... Eh kaka kilala lang naman paano yun?
"D-di no at saka anong feelings ka dyan tuktukan kita. Kakagaling ko lang ng break up ambilis naman non" Sabi ko naman.
"Yun na nga eh kakagaling mo lang ng break up non pero may sumalo agad sayo" Sabi ni Ely na medjo naguluhan ako. " I mean malungkot ka non parang siya yung nag comfort at nag papangiti sa iyo gets!" Sabi naman ni Ely ng mapansin niyang naguguluhan ako.
"Di ko alam...." Naguguluhang sabi ko.
Di ko naman talaga alam dahil mag kaibigan kami.....Oo tama mag kaibigan kami.
"Pero ang payo ko lang sayo if papasok kana ng bagong relationship o gusto mo na talagang maka move on maki pag closure ka ha..... kasi once na pumasok ka sa bagong relationship may mang gugulo o kaya iba pang dahilan. Or kung gusto mo naman mag move on pero wala kayong closure.....wala din kasi parang nasa isip mo na siya nandun na yung galit mo sa kanya nandun na yung sakit. Parang dadalhin mo na siya hangang sa next relationship mo kaya ang payo ko sayo yung closure ha!" Paalala naman sa akin ni Isha.
"Oo tama closure walang comeback na magaganap ha?! depungal ka pa naman ang rupok mo!" Sabi naman ni Ely napailing na lang ako. " Pero seryoso ayaw na kitang nakikitang umiiyak sa lalaking yon hm" Seryosong saad ni Ely sa akin.
Napatango naman ako at ngumiti.
Parang kanina lang nag bibiruan kami ngayon ang seryoso na ng paligid.
Shuta
May point naman sila.
"Ako rin ayaw ko na sa lalaking iyon!" Sabi ni Isha.
"Gaga di kasi ikaw yung gusto. si Natalia obob!" Tangang sagot ni Ely kay Isha.
"Obob! Ang sinasabi ko kay Natalia na wag na siyang babalik dun dahil nga paulit ulit lang siyang sinasaktan tanga!"Balik na sagot ni Isha kay Ely.
"Sorry na nga UwU" Sabi naman ni Ely.
Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.
Itinaas niya pa ang kamay niya upang yakapin ako pero hinugot ko ang labi nito ng mahina at pinitik.
"Sabi ko isang Uwu na yan tatangalin ko na yan" Naiiritang sabi ko.
Narinig ko naman ang pag tawa ni Isha.
"Sorry Uw-" Di na natuloy ang sasabihin ni Ely ng maalala niya na tatangalan ko siya ng labi. "Hehe Oy wag ganyan sayang ganda ng labi ko" Sabi ni Ely at nag peace sign pa.
Napatawa na naman kaming tatlo.
"Sabay sabay tayong mag eenroll ha! Excited na ako! May magiging crush na naman ako!" Sabi naman ni Ely napangiwi na lang kami ni Isha dahil sa ingay nito.
"Akala ko ba crush mo si Ethan anyare?" Sabay na tanong namin ni Isha.
"Ayoko na sa serious type! Masyado siyang seryoso! Sayang mga banat ko"
"Scam ka tapos pag nakita mo crush mo na naman? Obob wala kang maloloko" Sagot naman ni Isha sa kanya.
"Kaya nga wala kang maloloko Ely Lara!" Pakiki sali ko.
"Mga letche!" Sigaw naman ni Ely kaya muli kaming nag tawanan.
:)
Please don't forget to vote and comment! Thankyouu!
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...