Chapter 71: Post

179 9 0
                                    

    5 years later

"Architect Guinness!" Rinig kong tawag sa akin kaya napalingon ako. 

"Oh ikaw pala yan Architect Thayer!" Balik ko ding tawag kay Theo. Tumawa naman siya.

"Can't wait na maging Thayer din ang apelyedo mo" Asar nito sa akin.

"Ul*l asa ka" Mahinang sabi ko na siya lang ang nakakarinig at tumingin sa paligid bago siya pinakyuhan.

Tumawa naman ito at hinawakan ang kanyang dibdib na kunwareng nasasaktan. 

"Sakit mo sa atay" Sabi nito at umupo sa table ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Sabay na ako sayo pabalik sa Pilinas" 

"gaya-gaya puto maya paglaki buwaya" Sabi ko sa kanya kaya tumawa ulit ito. "Anyways ayoko" 

"Aw...parang di mo ako minaha-"

"Di naman talaga"

"but you hugged me 4 years ago" Ngumiti ito sa akin. Napairap naman ako.

"Hinugged kita as a friend atsaka pathankyou ko yon sayo! ilang beses ko pa bang uulit ulitin tong dahilan na to" Umirap pa ako sa kanya.

"Grabe naman yang Kleo na yan hanggang ngayon kapit pa rin sa puso mo" Tumawa pa ito pag katapos sabihin. Napatigil naman ako sa ginagawa ng marinig ko ang pangalang iyon. Mabilis na may gumulo sa isip ko ng marinig ko iyon.

Uuwi ako sa Pilipinas at...makikita ko siya.

Actually siya ang dahilan ng pag uwi ko...no namimiss ko na rin kasi sila Mom and Dad kaya napag pasyahan kong umuwi. Hanggang ngayon may hinanakit at sama pa rin ako ng loob sa kanya.

"Shalala overthink ang ate nyo" Singit ni Theo sa kalagitnaan ng pag iisip ko.

"W-what if...pag balik ko meron nang iba?" Tanong ko kay Theo. Sumeryoso ang muka niya.

"Kailangang tanggapin o kaya ako na lang mahalin mo" Nakangising sabi niya pa. Inirapan ko naman ito.

Minsan lang siya maging matinong kausap pag naiyak ako.

Akala ko nung pumunta ako sa US non ako lang mag isa pero kasama ko siya...sinama din siya dito dahil magaling naman talaga itong si Theo.

Siya ang naging comfort ko noong sumabak ako dito. Siya rin ang naging mabuti kong kaibigan dito kaya kahit tarantado siya gorabels lang. 

Nag try na kami mag date pero wala eh...nung araw na yon feel ko may niloloko ako kahit naman wala na akong karelasyon. Kainis lang dahil matindi ang kapit ni Kleo sa hart ko pero don't worry goys galit pa rin ako sa kanya hehe.

Umalis ako nang mahal ko siya at babalik ako nang mahal pa rin siya.

Nang makapagtapos ako ng kolehiyo ay dito na rin ako nag trabaho para pag kauwi ko sa Pilipinas mahahandle ko na ang companya ni Dad.

Napagpasiyahan ko rin na pumunta sa lugar kung saan kami unang nag kita...gusto kong iwan doon ang nararamdaman ko.

Nag pabook na ako ng flight pauwi meron pa akong three weeks dito kaya namili ako ng pasalubong at inayos na rin ang gamit ko.

Hindi ko pinasabi kila Mom and Dad na uuwi na ako pero kay Isha at Ely nag sabi ako.

Mabilis dumaan ang araw at ito na ang araw na aalis ako.

Nag tatampo panga si Theo.

"Kainis may pinagawa pa sa akin...susunod na lang ako sayo" Sabi nito at ngumuso.

Natawa ako at inasar siya. "wawa naman ang damulag na yan" niliitan ko pa ang boses ko para asarin siya. Inirapan nila lang ako at nag iwas ng tingin. "Oh pano ba yan una na ako babye...text mo lang ako pag nakapunta kana ah" Ngumiti ako.

"Oum ingat ka...wag marupok" Napangiti na ako sa una pero agad din siyang inirapan nang marinig ang panghuli kaya tumawa ito.

----
Naka tulog ako sa eroplano at nagising ng maramdaman na may mga umaalis na.

Gosh nandito na ako sa Pilipinas.

Inayos ko ang mga gamit ko at umalis na.

Mabilis kong nakita si Ely at Isha.

Mabilis kong nasapok ang noo ko nang makitanko ang muka ko sa tarpulin. Hawak iyon ni Ely at winawagayway pa. Habang si Isha naka iwas ng tingin dahil nahihiya sa ginagawa ni Ely.

Nakalagay ba naman sa Tarpulin "Welcome back Natalia alam ko namang umuwi ka lang dito para maging marupok hmp" with emojing nag tatampo.

Mabilis nanlaki ang mata nila ng makita nila ako.

"Kyahhhh Nataliaaaaaa!" Malakas na sigaw nito kaya nag tinginan sa kanyan ang mga tao. "Oh bakit? palibhasa di niyo mahal mga umuwi galing ibang bansa kasi hindi kayo ganto makareact" Sabi nito sa taong naka tingin sa kanya. Umiling ang iba at ang iba naman ay tumawa. 

"Hehe di ko kaibigan to...di ko nga kilala yan sino ka ba?" sabi ni Isha at medj lumayo kay Ely. Hiyang hiya na.

Natawa naman ako sa kanila at yumakap.

"I missed you!" Sigaw nilang dalawa.

"I missed you too"

"Ang ganda mo na! Pinatream mo na ang mahaba mong buhok" Unang napansin ni Ely sa akin.

"Mas gumanda ang kutis mo...at mas lumusog ang dibdib mo" Sabi nito at tumingin sa dibdib ko kaya agad kong iniwas ang katawan ko.

"Oo nga no! naka huli ka ng ibang bansa? may nalandi ka?" Sunod na tanong nito. Umiling lang ako. Sana nga ganon na lang ang nangyari...sana ganon kadali.

"Wala...wala akong plano nag aral at nag trabaho lang ako doon yon lang" Sabi ko sa kanila.

"Osya tara na uwi muna tayo para isuprise sila tito at tita" Ngumiti si Isha sa akin kaya napangiti rin ako. "at para na rin maka pag pahinga ka" sabi naman ni Ely.

Namiss ko sila...

Pag kauwi ko ng bahay halos maiyak si Dad ng makita ako. Si Mom naman ikinakalma ang sarili pero natutuwa rin siya sa pag balik ko.

Kumain kami sabay sabay at pag katapos non nag kwentuhan. Umuwi na sila Isha at Ely dahil may gagawin pa sila.

Dumeretsyo ako sa kwarto ko para maka pag pahinga.

Namiss ko ito.

Habang nakahiga ay iniscroll ko ang IG ko.

Pasimple kong sinearch ang pangalan ng IG ni Kleo at tinignan ang iba niyang post.

Simula ng umalis ako iunfriend ko siya sa fb at iunfollow sa IG. Kaya ito ako parang tangang nag iistalk sa kanya.

Napahinto ako sa isa niyang post kakapost niya lang ito kanina.

May litratong pamilyar sa akin...Malaking puno at may malaking panyo na maari mong higaan. Ang resort na pinuntahan namin noon na naging favorite place ko.

Mabilis tumibok ang puso ko at umiling. Wag kanang umasa tanga mo.

______
@Kleovent

5 years... welcome back. 

______
___________

ヽ(^。^)丿

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon