Maraming natuwa sa amin nang kumanta kami. Nag rerequest pa sila ng ilan pang kanta pero di na namin kakayanin. Masyado na kasing gabi at kailangan ko nang umuwi. 7:58 na dahil kumain pa kami sa labas. Nauna narin ang mga kabanda niya pag katapos ng perform dahil marami pa silang gagawin.
Ngayon nag lalakad kami pauwi katunayan pwede kaming sumakay sa tricycle o jeep pero mas pinili namin mag lakad. Tahimik kaming nag lalakad ngayon. Di pa rin mawala ang ngiti ko dahil sa nangyari di ko alam na magagawa ko ito. akala ko ay patuloy ko lang maitatago ang talento ko sa musika.
"Thankyou" Pag tangal ko sa namamagitan na katahimikan samin.
"Wala iyon mas maganda iyon para kahit papano ay maexperience mo at matangal na rin ang lungkot mo" Sagot niya pabalik sakin.
"Alam mo kahit ilang araw pa lang simula ng mag kakilala tayo ay magaan na ang loob ko sayo" Umiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako.
"Ako din naman di ko ito naranasan dahil puro lalaki lang ang kaibigan ko minsan lang ako makihalo bilo sa babae"
"Ni isa wala? Wala kang naging girlfriend?"
"Wala. Sa halip kasi na umamin ay isina santabi ko ito. kaya mabilis kong nakakalimutan ang nararamdaman ko sa nagugustuhan ko."
"Sana pala ay di na lang ako na boyfriend" Nakangiti ko paring sabi.
"Ha?" Naka titig naman ito sa nakangiti kong muka.
"Sabi ko Sana di na lang ako nag boyfriend at nakilala kita kaagad" Humarap naman ako sa kanya.
Napa tulala naman siya saglit at umiwas ng tingin. Nasilayan ko pa ang pag ngiti niya.
"B-bakit naman" Naka iwas pa rin ito ng tingin ngunit hinayaan ko.
"Kasi....para di ako umiiyak at nag papaka-tanga sa taong iba naman yung mahal"Ang mga ngiti ko ay napilitan ng pekeng ngiti.
"Aish Dito ka nga" Inakbayan niya ko at ginulo ang buhok ko. Hinayaan ko yun at nag patuloy kami sa pag lalakad.
------
Ng malapit na kami sa bahay ay may napamilyar akong tao na nakatayo dun sa tapat ng pintuan namin.Si Lucas. At ano namang kailangan niya? Tinapos ko na ang ugnayan sa kanya.... kahit masakit.
Tumigil kami sa pag lalakad ni Kleo.
Binulungan ko ito habang di pa siya nakikita ni Lucas.
"Dito na ko Kleo. Salamat" Tinuro ko pa ang bahay ko.
"May tao doon oh" Turo niya kay Lucas na naka tayo malapit sa pintuan.
"Si Lucas yan yung ex ko hayaan mo na. Ako ang kakausap mauna kana at baka mag ka ron ng gulo itext mo na lang ako pag naka uwi kana ha" paalala ko dito.
"Pero baka kong anong gaw-"
"Okay lang lucas nasa tapat naman siya ng bahay. Pag may ginawa siyang masama papasok kaagad ako at ilolock ang pinto saka nandiyan naman sila mom at dad"Paliwanag ko dito.
Wala namang magawa ito at tumalikod.
Malapit nakong pumunta ng may tumawag sa Cellphone ko si kleo. Napangiti naman ako. Loko yun ha di pa nga nakakalayo eh.
*Call
[Ano musta?]
"Punyeta ka kakaalis mo palang malamang at papunta pa ako sa bahay. Papatay-" Di ko na natapos ang sinabi ko ng bigla siyang mag salita.
[Wag mong patayin]
Mag sasalita na sana ako ng tawagin naman ako ni Lucas tumakbo pa ito upang masundan ako. at di ko na napatay ang tawag. Hawak ko lang ang cellphone ko.
"Natalia" Nakangiti pang sabi ni Lucas sa akin na para bang wala lang sa kanya lahat ng nangyari.
Ang kaninang ngiti na nakaukit sa muka ko ay napilitan ng blangkong reaction ng makita ko ang lalaking walang ibang ginawa kung di saktan ako.
"Natalia" Muling tawag nito sakin ng di parin ako humihinto sa pag lakad.
"Babe!"Muling tawag nito sa akin na ikina init ng ulo ko.
"Pwede ba Lucas wala ng tayo! Diba sinabi ko na ito simula nang makita kita.... may k-kasamang iba at sa mismong....k-kwarto mo pa." Naiiyak na ani ko.
Sabi ko di na ako iiyak eh! ano nanaman to natalia!
"Diba m-mahal mo naman ako? Bigyan mo ko ng chance at babawi ako sa lahat ng kasalanan ko. Ibabalik natin yung katulad ng dati. yung lagi tayong mag kasama at mag kahawak ng kamay. Ibabalik natin yung dati diba yun yung gusto mo? Ibabalik natin yung pag nagtatampuhan tayo mabilis nating maaayos. Please Natalia bumalik kana.Mag babag-" Natigil ito sa pag sasalita nang sampalin ko siya.
Ngayon ko lang siya nakitang naiyak. ang galing niya naman umarte.
"Stop! Lucas ano ba! di mo ba yan naisip dati pa ha! kung naisip mo yan u-una palang..... maayos pa rin tayo ngayon" Umiiyak na sambit ko.
"Di porket minahal kita ay patuloy pa rin kitang mamahalin kahit anong mangyari! Naubos ako sayo. Naubos... lahat ng pagmamahal ko sayo! at ang nakakainis dahil naiisip mo yan ngayon k-kung kailan gusto na kitang kalimutan! kung kailan nagiging maayos na ako!" Mistulang Water fall ang mata ko ngayon dahil sa pag agos ng luha ko.
"Wag mo kong iyakan! Wag mokong iyakan na para bang nasaktan ka rin. Ano yung sabi mo? Pinag explain kita n-nung nahuli ko kayo... pero sinabi mo lang. Di ko nabigay yung pangangailangan mo! Di ko talaga ibibigay sayo tong katawan ko! Fuck you! Huwag kang pupunta dito na para bang wala kang ginawang kasalanan. Wag kang umiyak na parang nasaktan ka sa nangyari." Patuloy na pag sasabi ko dito.
"Natali-" Natigil ito sa pag sasalita ng may biglang nanghila sakin.
Naamoy ko kaagad ang pabango nito kaya alam ko na kung sino ito.Si Kleo.
"Sino k-"Nandilim na ang muka ni Lucas habang tinitignan si kleo Di niya natapos ang tanong ng biglang..
bigla din nag bukas ang pintuan at tumambad si mom na nag tataka at nang makita niya kong naiyak. Agad niyang tinignan si Lucas. Lumapit ako kay mom para pigilan siya dahil bawal siyang magalit or what baka atakihin siya.
"Mom please relax."
Huminga ito ng malalim at pag katapos nun ay Tinignan niya si Lucas.
"Tit-"Di na natuloy ni Lucas ang nais niyang sabihin ng mag salita muli si mom.
"Please Lucas wag mo nang guluhin ang anak ko. Ayaw kong nakikitang nasasaktan siya" Mahinahon na pag kakasabi ni mom.
"Please tit-"
"Enough" Pag kasabi nun ni mom ay tumahimik si Lucas at walang nagawa kung di ang umalis.
Habang si kleo naman ay nag aantay na mag salita ako at nakatitig parin siya sa mga mata kong namumugto na. Tinitigan ko siya pabalik at nakikita ko sa mata niya na humihingi siya ng pasensya dahil huli siyang nakarating.
Napatitig naman si mom kay kleo.
"Ahh mom Si Kleo nga pala Friend ko. Siya ho yung may ari nung panyo na nilabhan niyo. Saka may sasabihin pala ako sainyo mom" Pag kasabi ko nun ang seryosong muka ni mom ay napalitan ng naka ngiting muka.
:)(
Please don't forget to vote and comment! Thankyouu!
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...