_____________________
It's been 2 weeks when Kleo courts me. Mas lalo kaming naging close at malapit sa isa't isa. Madami ding nag bago sa kanya na ikinatutuwa ko. Madalas siyang nag uupdate sa akin, kung anong ginagawa niya, kung saan siya, at kung sino ang kasama niya. Kahit di ko naman kailangang alamin sinasabi niya agad sa akin. Muka ba akong selosa para iupdate niya ng sobra sobra? Kunti lang naman...
Kunti daw sabi ng isip ko sa sarili kaya napanguso ako.
Pero sa totoo lang nagugustuhan ko ang bawat kilos niya... lahat ng ipinapakita niya.
Hindi na rin siya natutulog sa condo ko dahil dapat hindi daw iyon ginagawa ng isang manliligaw kaya tawa ako ng tawa nung araw na yon. Sa isang linggo siguro anim na beses kaming nag kikita. Natatakot tuloy ako na baka mag sawa siya dahil sa palagi naming pag kikita. Kahit siya ang madalas mag yaya di ko pa rin mawala sa isip ko iyon. Lagi kaming mag kasama kaya naiisip ko na baka mag sawa siya doon.
Umiling naman ako sa naisip ko.
Namili na lang ako ng damit na susuotin dahil aalis kami ngayon... uuwi kami... at sasabihin namin sa mga parents namin kung anong relationship ang meron kami. Wala kaming pasok ng Isang linggo health break daw kuno kaya napag isipan namin na umuwi sa lugar namin para na rin makita ang mga parents namin.
Sumangayon naman ako doon dahil namimiss ko na rin si Mom at Dad.
I took a shower first and then wore a smocked waist flowy creamy white dress with creamy white sandals. Hinayaan kong nakalugay ang aking mahabang buhok at ikinulot ang dulo nito. Nagiging habit ko na ang pag kukulot ng buhok lalo na sa dulo ng buhok ko dahil bumabagay ito. Nag pulbo lang ako sa muka, nag lip gloss at lumabas na ng kwarto. Dinala ko din ang maliit kong bag at nilagay doon ang tali ko, phone, panyo ni Kleo, at ang wallet. Napatingin ako sa salamin ng mapansin ko ang nakasuot sa aking kwintas na ibinigay ni Kleo kaya napangiti ako at hinawakan iyon.
Umiilaw pala iyon sa dilim at kung maliwanag naman ay hindi ito umiilaw para lang itong normal na kwintas. Napa tigil ako sa pag titig sa salamin ng marinig ko ang katok.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at binuksan ang pintuan.
Bumungad sa akin si Kleo ng nakangiti. Nginitian ko ito pabalik.
"Let's go?"
"Wait nakalimutan ko yung bag ko" Sabi ko naman.
"Okay... I'll wait" Tugon niya.
Muli akong pumasok sa kwarto at kinuha ang bag ko mabilis din akong lumabas ng makuha ko iyon.
"Tara na" Sabi ko at kumapit sa braso niya.
Naramdaman ko ang pag tigil niya kaya napa angat ako ng tingin.
"Hm?" Sabi ko. Nag tataka.
"Nothing" Sabi niya at nag tuloy- tuloy na kami ng lakad hanggang sa nakapunta na kami sa parking lot kung nasaan ang kotse niya.
----
"Hey, Wake up na nandito na tayo" Rinig kong sabi ni Kleo kaya idinilat ko ang isa kong mata. "What time did you sleep last night?" Tanong niya pa.
Nakatulog kasi ako sa kotse habang nabyahe. Pag kapasok na pag kapasok ko sa kotse nakatulog agad ako napuyat kasi.
"3am I guess? gumawa ako ng ibang templates and project para bawas sa gawain..." Mahinang sabi ko. Inaantok pa.
"You can call me if you need help" Sabi naman niya.
Tumango tango na lang ako at hinaplos ang mata ko dahil baka may muta.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...