Chapter 77: Ticket

211 13 0
                                    

"Congratulations Architect Guinness and Engineer Irvine" Sabi ni Dad at ang iba pang nandito sa companya. Tapos na kasi ang project namin ni Kleo kaya eto nag cecelebrate kami.

Ngumiti naman ako "Thankyou" 

Lumingon ako kay Kleo at nginitian siya "Congrats...Engineer Irvine" Pag katapos non iniiwas ko na ang tingin ko.

Simula nung nangyari ang pag uusap naming iyon, di na siya nangulit katulad ng sinabi ko sa kanyang mag pretend na lang kami na hindi mag kakilala. 

Kaso ang problema yung sarili ko...dapat okay ako ngayon kasi sinunod niya ang sinabi ko pero may part sa akin na hindi okay...

Mabilis akong nabalik sa wisyo nang mag salita si Ms. Mary ang may ari nang bahay na nirenovate namin.

"As a thankyou...here" Naka ngiti siyang lumapit sa amin ni Kleo at ibinigay ang ticket na hawak niya.

Binasa ko naman ang nakalagay don at... ticket iyon sa Boracay!!

Mabilis nanlaki ang mata ko at tinignan si Ms. Mary "Nako po...di ko po to matatangg-" Di ko pa natatapos ang pag sasalita ko ng mag salita siya muli. 

"tanggapin mo...sige ka mag tatampo ako" Natatawang sabi ni Ms. Mary kaya napanguso ako. "Wag kang mag aalala may kasama ka naman don...si Engineer Irvine" Naka ngiting sabi niya.

Pormal lang naman ang pag kakasabi niya pero pakiramdam ko inaasar niya ako.

Ngumiti na lang ako "T-thankyou po talaga" Sabi ko pa. 

Naka tingin lang saakin si Dad para bang gusto niya ng tumawa ng malakas kaya pasimple ko siyang sinamaan ng tingin.

Kalaunan umalis na rin si Ms. Mary. Mag kausap pa nga sila ni Kleo kanina eh. Andaya wala man lang akong narinig na kahit ano. 

"Enjoy..." Ngisi ni Dad kaya mabilis kong naibuga ang iniinom ko. 

Dumudumi utak ko. 

"Isasama ko si Theo" Ngisi ko rin. 

"Oh? May project na siyang ginagawa ngayon" Ngisi rin ni Dad kaya mabilis nawala ang ngisi ko.

Eh?

"Ah basta aalis akong single uuwi din akong single, Dad" Diin ko pa. Akala nila sa akin marupok? Unti lang pero kaya ko namang labanan.

Tumawang sabi ni Dad "Di mo sure" 

Napasimangot ako at umalis na. Narinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan ko habang tumatawa pero di ko na lang pinansin iyon at baka asarin niya na naman ako.

_________

"Ang hirap kayang tumanggi" Sabi ko pa kay Ely at Isha. Kinuwento ko kasi sa kanila about sa boracay "Sumama kayo bumili kayo ng ticket niyo pls" pag mamakaawa ko pa.

"Busy ako...andami ko pang case na aasikasuhin" Natatawang sabi ni Ely. Di ko tuloy alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

"Sorry...ganon din ako" Sabi rin ni Isha kaya napa nguso ako. 

"Tanginamo kunware kapa! tapos pag balik niyo kayo na! ulol Natalia! ulol!" Sabi niya pa sa akin habang tumatawa.

"Wow nakalimutan mo atang Attorney ka...words mo ha!"Balik ko pa sa kanya.  "Saka anong comeback? utot niyo!" Sabi ko pa at pinakyuhan sila. Mas lalo naman silang natawa.

"libre ko ticket niyo...pls sama na kayo" Pag mamakaawa ko pa.

"Nak malaki kana kaya mo na yang mag isa" Pangangasar ni Ely. "Ansarap sana kasi libre kaso madami talaga akong gagawin" sabi pa ni Ely at hinulot ang kanyang ulo na parang namomorblema siya.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon