Chapter 56: 8pm

250 16 0
                                    

Mabilis akong nakatulog kagabi ng makauwi ako sa condo. Pag kaalis kasi namin sa cafe na pinuntahan namin namili pa kami ng kailangan namin pati na rin ang damit sa Mall.

Naka ngiti akong gumising at nag unat-unat ng katawan.

I-on ko ang speaker at nag patugtog habang nag lilinis ng condo. Kalurks ganto epekto ng nakaamin na eh. Kaya ano pang inaantay niyo amin na! eme lang depende sa inyo yon mamaya pag na reject kayo ako sisihin niyo. 

Sinabayan ko ang tugtog habang nag lilinis. 

Mahaba pa naman ang oras kaya kebels na kebels pa. Pag katapos kong mag linis nag hilamos ako ng muka at nag work out ito ang libangan ko pag walang ginagawa or pag umaga at marami pang oras na natitira. Kumain lang ako ng salad at uminom ng water pag katapos mag work out at naligo na. Gagawa naman ako ng plates at iba pang gagawin sa School.

----

Kakatapos ko lang mag bihis dahil kakatapos ko lang rin maligo. Narinig ko naman ang pag tunog ng phone ko kaya kinuha ko ito at tinignan.

Text Messages

Theo: Free ka mamaya?

Me: Di eh.

Theo: Aw okay sa susunod na lang

Me: Wala ng susunod.

Biro ko pa.

Theo: Ouch patay ka sa akin pag nakita kita.

Natawa naman naman ako at umiling. Inihanda ko na ang kailangan gamitin sa gagawin kong plates at nag simula na. 

Inabot din ng ilang oras bago ako nakatapos kaya pagkatapos ko non lumamon kaagad ako at nag pahinga saglit at nakatulog.

Nagising naman ako sa bunganga ng dalawa. 

Bwesit pag dating na pagdating nila dito nag bubungangaan sila.

Napabangon ako ng narinig ko ang iyak ni Ely.

"Sinasabi ko kasi sayo wag kang masyadong mahuhulog tamo" Rinig kong sabi ni Isha sa sala kung saan sila nag bubungangaan.

Pumunta para maki pag bonding ⓧ

Pumunta para mag away ✔️

eme pumunta na ako sa sala at tinignan sila habang naka pamewang.

"D-di ko.... n-naman map-ipigilan y-yon eh...m-mahir-ap" Iyak ni Ely. Nasobrahan na kasi siya sa iyak kaya hirap na hirap nang mag salita. 

"Ano bang nangyayari? at bat kayo nag bubungangaan?" Seryosong ani ko. Medj wala pa sa mood dahil kakagising pa lang.

"Eh pano yang kaibigan mo nahulog hulog tapos nung nakakita ng ikakasakit niya ayan iiyak iyak! Ilang beses na kitang sinabihan..." dinuro duro niya pa si Ely. Umiling naman ako. 

"Isha pumunta ka muna sa kusina uminom ka ng tubig at ihinahon mo sarili mo...sige na" Mahinahon kong sabi. Huminga naman siya ng malalim at tumango bago dumaretsyo sa kusina.

"Anong nangyari Ely hm?" Mahinahon na tanong ko at hinawakan ang likod niya upang pakalmahin. 

Ilang minuto rin bago siya naka pag kwento dahil pinahinahon niya muna ang sarili niya bago mag kwento.

"Kasalanan ko rin naman kasi..." Sabi niya parang iiyak nanaman siya kahit anong oras.  

"Sino bang nanakit sayo? Si Ethan?" Tanong ko dahil yon lang naman ang alam kong gusto niya.

"S-siya yung nasaktan ko... pero n-nasaktan niya rin naman a-ako eh" Sabi niya at tuloy-tuloy ang pag luha.

Tumabi na sa akin si Isha. Kahit papaano maayos ayos na ang loob nito at hindi na mainitin. Ganto lang talaga saamin si Isha dahil ayaw niyang nasasaktan kami kaya naiintindihan ko kung bat siya nagagalit dahil nag aalala na rin.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon