Lumipat si Kleo sa kabila at muling humawak sa kamay ko.
Nahahalata ko rin kasi na sumusobra na ang pag lapit ng babae unti na lang hahawakan niya na ang kamay ni Kleo. Inililibot kasi namin ni Kleo itong babaeng to dito sa lugar.
Gusto pa nga ng babae na silang dalawa lang pero hindi pumayag si Kleo kaya wala itong nagawa.
Tahimik lang akong nakatingin sa bawat kilos niya dahil andaming gumugulo sa isip ko.
Mag ex ba talaga sila? Kung ganoon nag sinungaling sa akin ni Kleo?...
Nag karon ako ng hinanakit dahil sa naisip ko. Hindi naman niya kailangang mag sinungaling sa akin.
"I'll treat you tomorrow g?" Naka ngiting sabi ng babae habang naka tingin kay Kleo.
Umiling naman si Kleo kaya napa simangot ito. "Why?"
"I'm busy" Seryosong muka sabi ni Kleo.
"School? Saan ka nag aaral dito? Pwedeng idala mo rin ako doon?" Di pa ganon katuwid ang pag kakatagalog niya.
"Hindi ako dito nag aaral" Maikling sagot ni Kleo.
"Saan?" Tanong ulit nito pero di na sumagot si Kleo.
____
Bumalik na kami sa bahay nila Kleo dahil pinapatawag siya doon.
"Can I talk to Kleo?" Naka ngiting sabi ng babae kasama ni Mara kanina. I guess iyon ang Mom niya dahil may pag kakahawig sila.
"Sure p-" Di ko natapos ang sasabihin ng mag salita si Kleo.
"Isasama ko si Natalia" Pag mamatigas nito.
"Okay lang ako dito" Naka ngiting sabi ko dito.
"N-" Mag mamatigas pa sana ito ng suwayin na siya ni Tito.
"Kleo?!" Seryosong sabi nito.
argh gulong gulo na ako!
Tumango naman ako kay Kleo at pinindot ang ilong niya.
"Sige na" Sabi ko pa dito kaya napilitan itong tumayo at tumingin kay Mara. Seryoso lang itong tumingin para bang may sinasabi siya gamit ang titig na iyon at nang ilipat niya ang tingin sa akin ay ngumiti siya ng pilit.
Naiwan kami ni Mara dito sa labas. Tahimik lang ang paligid naka ngiti ito habang hawak ang labi.
Nakakatakot ang ngiting iyon.
"So may girlfriend na pala si Kleo" Tumango tango naman ito habang sinasabi. "I haven't introduced myself properly yet... I'm Mara kababata, ex, at ang una't sa lahat ni Kleo" Naka ngising sabi niya at inilahad ang kamay.
Ngumiti naman ako kahit naapektuhan ako sa sinabi niya "Natalia...Kleo's girlfriend" Tinangap ko ang kamay niya at napangiwi ng diinan niya ang pag kakahawak non. Nung bumitaw siya ay sobrang pula ng kamay ko. Nag karon din ng maliit na sugat dahil sa pag diin niya sa mahaba niyang kuko sa kamay ko.
"Iyon lang? Wala ng iba? Sa bagay ako nga pala ang una't sa lahat kaya lahat ng iyon napunta sa akin... First friend, first girlfriend, and his first kiss" Naka ngising sabi niya at ikinagat ang pang ibabang labi.
May kumirot sa kaloob looban ko ng marinig ang huling sinabi niya. First kiss? Bakit Kleo? Bakit kailangan mong mag sinungaling sa akin? Hindi naman ako magagalit doon atleast sasabihin niya ang totoo, pero ito? Ngayon ko nga lang nalaman na may ex na pala siya pero hindi niya man lang sa akin sinabi ang totoo.
Tumango tango naman ako dahil iyon na lang ang kaya kong gawin. Masyado na akong naguguluhan ngayong araw.
"Gusto mo bang ikwento ko sayo ang mga nangyari sa amin?Noon...simulat't maging mag kaibigan kami hanggang sa maging kami at kung papaano kami nag hiwalay?" Ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...