Gumising ako ng maaga at nag scroll sa FB. Mabilis kong nakita ang messages ni Theo kaya tinignan ko ito.
Theo: Mga gabi na ako makakauwi mamadaliin ko na lang tong ipinapagawa. Bye kitakits na lang tol.
Napailing naman ako at napatawa ng mahina.
18 ngayon at napag pasiyahan kong pumunta sa resturant kung saan ko unang beses nakilala si Kleo.
Dito ko na rin ibabase ang nararamdaman ko sa kanya...kung sakaling dumating siya ipagpapatuloy ko ang nararamdaman ko pero kung hindi...ititigil ko na.
Nung inistalk ko siya sa IG wala naman akong nakitang ibang pics na may kasama siyang babae or si Mara...
Kaya kahit papano...nag karon ako ng unting pag asa.
Feeling ko tuloy nakatingin sa akin ang guardian angel ko habang nailing.
Kung ako ang tatanungin kung bat ganto pa rin hindi ko rin alam. Naiinis pa rin ako sa kanya...pero ewan ko ba.
Hapon na ngayon kaya nag ayos na ako at pumunta sa lugar kung saan ko siya unang nakilala.
Pag kapasok na pag kapasok ko sa lugar napangiti ako. Nag karon ng kunting pag babago...lumaki ang stage at mas rumami pa ang upuan. Gumanda pa ito lalo.
Umupo ako kung saan ako nakaupo noon.
Tinignan ko ang stage at naalala ang katarantaduhan ko.
Nag order ako ng maiinom habang nakikinig sa mga kumanta dito sa stage.
_____
Nahihilo na ako dahil naka ilang shot na rin ako. 10:37pm na ilang oras na lang malapit nang mag 12 at ibig sabihin nun ay ibang araw na at ibig sabihin din nun ay di talaga siya dumating.
~~~~
11:56pm
Natawa ako sa sarili ng makita ko ang oras.
I hate this!
"Di na darating yun Natali. Nung umalis ka nga parang wala lang ngayon pa kaya" Bulong ko sa sarili ko.
Kailangan ko nang umalis. walang darating.
kaya tigilan mo na rin ang pag hihintay.Tumayo na ako kahit medjo nahihilo pa. Malapit na ko sa pintuan ng may mabanga ako.
"Sorry" Pamilyar ang boses na iyon.
Nanlamig ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yun.
Dumating siya.
Pero nawala din ang pag-asang nabuo ng makita kong may kasama pala siyang iba.
Si Mara...
Hindi ako nakagalaw kaagad nang marinig ko ang boses niya. Buti na lang nakayuko ako kaya siguro di niya ako mamukaan dahil na rin sa iksi ng buhok ko. Hindi naman siya ganoong kaiksi pero kasi pinatrim ko kaya pakiramdam ko maikli na iyon.
"Miss? Are you okay?" Tanong pa nito.
"Y-yes...I'm sorry" Sabi ko pa at inangat ang ulo ko. Mabilis din akong umalis ng masabi ko iyon.
How he can do that? Look at me like he didn't love me... like he didn't hurt me. H-how? Oh, nakalimutan kong limang taon na pala ang lumipas kaya siguro limot na niya yon...limot niya na rin na minahal niya ako,kaya ganon lang kadali sa kanya. Habang ako ito gumagawa ng paraan para kalimutan siya. Kasalanan ko rin naman dahil...iyon ang sinabi ko nung iniwanan siya. Ang kalimutan ako...pero ito ako parang tanga na nasasaktan.
Naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan at umupo sa waiting shed.
Naramdaman ko ang pag upo ng lalaking pamilyar sa akin.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...