Chapter 64: Prob

184 11 0
                                    

Naka nguso ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Hindi pa siya tumatawag marahil di pa tapos ang ginagawa nila. Tatawagan ko sana si Ely ng makita ang myday niya. Nag dadate sila ni Ethan ngayon kaya ayoko namang sirain iyon. Si Isha na lang ang huling alas pero napasimangot ako ng may date din sila. 

Miss ko na ang Kleo ko kahit isang araw pa lang ang nakalilipas. 

Nag talukbong ako ng kumot pero mabilis ding itinangal iyon ng biglang tumunog ang phone.

Mabilis nag ningning ang mata ko nang makitang si Kleo ang tumawag. 

"Loveeee!" Mabilis kong sabi ng tangapin ko ang tawag. 

Mabilis siyang ngumiti ng makita ako. Naka video call kasi kami ngayon kaya nakikita ko ang muka niya.

[Miss me?] Sabi niya at isinandal ang ulo sa lamesa. Halatang pagod ito at gusto nang matulog pero tinawagan niya pa rin ako.

Tumango tango naman ako "Opo" Sabi ko pa boses ang pambata. "Eh ako miss mo ko?" 

[Yes sobra] Sabi nito at humikab.

"Kumain kana ba? Kakatapos lang ninyo?" Tanong ko dito.

[Kakatapos ko lang kumain...inaantok lang ako] Nakangiting sabi niya pa.

"Humiga kana sa kama mo"

[Ayoko, baka makatulog lang ako non gusto pa kitang kausap] 

"Humiga ka... okay lang naman mag pahinga kasi pagod na pagod ka naiintindihan ko naman yon" Paliwanag ko dito. 

Ngumuso naman ito kaya ngumiti ako. Gusto ko nang pindutin ang matangos niyang ilong TOT.

"Sige na" Sabi ko ulit dahil nag mamatigas pa siya. Wala siyang nagawa at humiga. 

Nag katitigan lang kami sa call, ilang minuto ng tulog na ito.

"Ahm pagod na pagod ka...wag na wag mong papabayaan sarili mo hm I love you" Sabi ko kahit alam kong di niya na naririnig iyon dahil mahimbing na siyang natutulog.

Naka titig lang ako sa maamo niyang tulog na muka hanggang sa maka tulog na rin ako. Ni hindi ko nga din napatay ang video call.

Dalawang araw na ang lumipas at ngayon na ang uwi ni Kleo Behbeh boi ko!

Tapos na ang klase namin kaya dumiretsyo ako sa gate ng university dahil ang alam ko hihinto ang bus na sinasakyan nila. 

Ilang minuto akong nag antay bago napangiti ng makita ang bus na iyon. 

Unang bumaba si Danica mabilis itong nag iwas ng tingin ng makita niya ako. 

Sumunod naman ang ibang batch ni Kleo na kakilala ko rin kaya kumaway ito sa akin.

"Andyan bebe mo" Sabi ni Doni. 

Napangiti ako ng makita ko ang pag baba ni Kleo sa bus kaya tumakbo ako doon at yumakap.

Ang nakangiting muka ni Doni ay napalitan ng pilit na ngiti. Kaya natawa kami. Sa ngiting iyon parang naiinis siya dahil nag yakapan pa kami sa harap niya.

"Hah bat ba ako nandito" Sabi nito at mabilis na tumalikod at isinakbit ang bag. "Sana naging utot na lang ako na pinasok sa ref" Bulong pa niya.

Mabilis din akong bumitaw sa yakap ng mapagtantong nasa school nga pala kami. 

"Uwi na tayo" Sabi nito at hinalikan ang noo ko. AHhhHhhh namiss ko iyon! 

Nakangiti kong hinawakan ang kamay niya papuntang parking lot.

_________

"Anong problema?" Tanong ko dito ng makitang seryoso ang muka ni Kleo habang naka tingin sa cellphone niya.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon