Chapter 54: Heh

203 17 0
                                    

Nag suot lang ako ng mom jeans at tinernuhan ng white twisted front puff sleeve crop top. Nag white shoes din ako para partner sa color ng top ko. Isinuot ko na rin ang kwintas para maganda  tignan at nag pabango pag katapos non umalis na ako.

Tinawagan ko muna sila Ely at Isha kung saan mag kikita bago mag patuloy. Nang mag kita kita kami ay kanya kanyang yakapan na akala mo isang taon kaming di nag kita.

"I miss you guys!" Sabi ko at niyakap sila.

"Di kita namiss sorry" Tarantadong sagot ni Ely.

"K si Isha lang ililibre ko. Madali naman akong kausap" Biro ko pa dito.

"Emz, charot charot lang" Sabi ni Ely at yumakap sa akin natawa naman kami ni Isha.

"Tara na saan ba punta natin?" Tanong ko.

"Kung saan may pagkain!" Sigaw ni Ely at pumasok sa kotse.

Napailing at tumawa na lamang kami ni Isha at pumasok rin sa kotse.

"Mag chika kayo ng buhay niyo sa akin" Sabi ko naman habang nanatili ang tingin sa daan.

"Ayan oh paunahin mo si Isha andami ng nangyari sa buhay niyan" Turo ni Ely.

Agad namang namula ang muka nito bago mag salita "Ikaw muna Ely kapal ng muka mo" 

Natawa naman ako sa kanilang dalawa.

"Wohhh may mga jowawi na kayo no?" Nguso ko kahit di nila ako nakikita dahil nga nanatili ang tingin ko sa daan habang nag mamaneho.

"Wala pa ako.... pero malapit na ehe" Ngiti naman ni Ely.

"Landi... sana ako rin" Biro ko pa.  "Oh ikaw Isha? Anong nangyari sa friendship niyo naging lover na ba?" Pang aasar ko naman kay Isha. 

Agad siyang nag iwas ng tingin kaya natawa ako.

"Ang pabebe ng ate nyo" Asar ni Ely kaya nilingon siya ni Isha at tinignan ng masama.

"Ang epal mong kupal ka" Sabi naman ni Isha at sinamaan ng tingin si Ely.

Napatawa naman kaming dalawa ni Ely. 

"So ano nga?" Sabi naman ni Ely.

"O-okay lang" Utal na sagot ni Isha.

"Anong okay lang? Tarantado ka ano bang relationship niyo ngayon?" 

"e-eh... He kissed m-me..uh..." Tinakpan niya ang muka niya ng sabihin niya yon.

Lumaki ang mata namin ni Ely. 

"Eh so ibig sabihin mag jow-" Di na natapos ni Ely ang sinasabi ng mag salita si Isha.

"y-yun ang problema... wala kaming rs... pag kakaibigan pa rin" Namula ang muka niya ng sinasabi niya yon.

"Aba tarantado natural na friends with benefits ang gaga" Sabi naman ni Ely kaya natawa akong umiling. Napa hinga naman ng malalim si Isha, naguguluhan.

Tarantado.

"ayusin niyo yan Isha... mag usap kayo" Payo ko naman sa kanya.

"Nag salita ang di namamansin at pinapanatili ang pride" Parinig ni Ely sa akin kaya napairap ako.

"Apaka epal mo" Sabi ko naman kaya natawa siya habang si Isha naman ay umiiling.

Alam niya na din kasi ang tungkol don nag chikahan kami sa call. Oh diba kebels na kebels. Walang makakapigil sa pag chi-chikahan.

Natigil kami sa kwentuhan ng natapat kami sa isang coffee shop.

Wake up cafe

Yon ang pangalan ng cafe. 

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon