Di na namin napanood ng tuloy-tuloy ang movie dahil sunod-sunod na ang bed scene non!
Ang awkward dahil kaming dalawa lang ang nandoon kaya mas pinili naming itigil na lang.
----
Nandito kami ngayon sa rooftop ng bahay nila at nag papahangin.
Walang umiimik sa amin habang nanatiling naka tingin sa langit.
"Bakit ka naiyak at nag papaulan kanina?.....dahil ba sa lalaking yun?" Tanong sa akin ni Kleo. Napalingon naman ako sa kanya. Nakatuon lang ang tingin nito sa langit at seryosong naka tingin.
"Nag u-usap at naki pag closure na rin ako......kahit masakit" Sabi ko at patuloy na nakatingin sa langit.
Gusto kong umiyak pero siguro napagod na din ang mga mata ko.
"Ayoko na kasi eh......Ansakit. Gusto kong tapusin lahat para pag kalipas ng ilang buwan o taon kahit papaano mawala yung sakit na nararamdaman ko. Natatakot na a-ako..... natatakot akong mag mahal ulit" Sabi ko at ngumiti ng pilit. "Masyado ko siyang minahal kahit alam kong ako na lang ang nag mamahal sa aming dalawa..... pinipilit ko yung sarili ko na baka mahalin niya ako pabalik.....na baka mahalin niya ulit ako katulad ng pag mamahal niya sa akin noon" Napa ngiti ako ng mapait at tinuon ang pansin sa langit.
"Kung kailan napagod na ako....kung kailan sumuko na ako....siya naman ang lumalapit sa akin para mang hingi ng tawad at paulit ulit na sinasabing mag babago siya....kahit naman sabihin niya yun pag katapos ng ilang buwan o taon mag babago ulit siya.....Nasanay na lang ako hangang sa napagod" Sabi ko at tumingin sa kanya at nginitian siya ng pilit.
"Kaya ko ginawa yun para na din sa kabutihan ko" Sabi ko dito kaya napalingon siya sa akin.
"Tutulungan kita Natalia....Isa ako sa tutulong para maging masaya ka ulit at para malimot mo yung sakit" Sabi sa akin ni Kleo habang naka tingin sa akin ng seryoso.
Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.
"Thank you Kleo" Ngiti ko sa kanya at mabilis na nag iwas ng tingin.
"No problem. I always here, so you can say you're problem and anything that you want" Ngiti niya sa akin.
"Weh? Libre mo?" Pang aasar ko dito.
Umiling na lang siya at tumawa ng mahina.
"It's really too dim. I'm sorry, but I have to take you home" Sabi nito.
Tumango naman ako.
Nataranta ako ng maisip kong sinabi ko kay Mom na saglit lang ako pero inabot na ako ng 10pm!
Shutangina Omg!
Pag punta ko sa kwarto ni Kleo ay agad kong kinuha ang phone ko. Salamat dahil di ito nasira kahit nabasa ito ng ulan.
Nataranta akong tumingin sa phone ko dahil nga baka nag aalala sa akin si Mom. Pero laging gulat ko ng wala ni isang text at calls doon.
Agad akong napalingon kay Kleo ng mag salita siya.
"Ah don't worry, I informed Tita na nandito ka sa bahay" Sabi ni Kleo sa akin ng mapansin natataranta ako.
"Thanks again" Sabi ko at ikinalma ang sarili.
----
Nandito na ako sa tapat ng bahay hinatid ako ni Kleo pauwi.
"Salamat Kleo" Naka ngiting saad ko sa kanya. Yayakapin ko sana siya ng pumasok sa isip ko na baka iwasan niya ulit yun kaya di ko na lang itinuloy.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...