"h-ha?" kunware ko pang sabi ko. Tanginamers sabing walang mauutal!
"about the project..." He bit his lower lip to stop smiling.
"Ah...yes so let's go" Sabi ko pa dito at pinauna siyang mag lakad.
Habang nag lalakad siya nakatitig lang ako sa kanya.
Nag wowork out ba siya? napansin ko kasi ang pag laki ng katawan niya. Mas lalo tuloy siyang naging gwapo.
Ha?
Umiwas na lang ako ng tingin at itinuon na lang ang tingin ko sa cellphone.
Nagulat ako ng mabangga ko siya kaya inangat ko ang ulo ko.
"Hindi ko alam kung saan mag memeeting...hindi ko pa kabisado ang lugar dito, dapat ikaw ang nauuna" Pormal na sabi nito.
Tumango lang ako at nauna na sa pag lalakad. Argh nakakahiya! Bobo mo Natalia!
Dinala ko siya sa office ko dahil nandon na rin naman ang client at don na lang din kami mag uusap usap.
Nag usap kami ng client about don sa ipapaayos niyang bahay at pag katapos non umalis na siya. Titignan muna namin yung lugar then mag paplano na kami don sa bahay.
Gusto kong umatras pwede pang si Theo na lang dito?
kaso baka sabihin na apektado pa rin ako.
Humanda ka sa akin Dad di man lang ako ininform.
"Natalia? I mean architect Guinness?" Tawag nito sa akin habang naka tuon sa papel.
"hm?" Tumingin ako dito.
"Do you-" Di na natapos ang sasabihin niya ng tumunog ang phone niya. "excuse me"
Tumango lang ako dito.
Argh di ako maka concentrate.
"What? No... don't ruin my day" Rinig kong sabi niya at pinatay ang tawag.
Kailan pa ako naging chessmosa? dati pa tanga.
Sabay kaming lumabas ng office dahil ngayon na rin namin titignan ang lugar. Habang nag lalakad tingin ako nang tingin sa paligid baka sakaling makita ko si Theo. Kaso sa kasamaang palad wala akong nakita.
Shuta naman.
"ahm...do yo-" Di na naman natapos ang sasabihin nito.
"Babe!" Sigaw ng pamilyar na boses kaya sabay kaming napalingon ni Kleo.
Oh...si Mara.
Lumapit dito si Kleo kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko.
"My honey bunch sugar plum " Pamilyar ang boses na yon kaya nilingon ko at nakita si Theo kaya mabilis akong napangiti.
Yes! Ligtas na!
"Nasan ka? Hinahanap pa kita kanina" Sabi ko pa sa kanya.
"Miss mo naman kaagad ako" Mapang asar na sabi nito kaya umirap ako.
"Sumama ka" Nakangiting sabi ko.
"saan?"
"basta sumama ka para na rin matulungan mo ako hihi please?" Nag pacute pa ako sa kanya.
Tumawa ito at kinurot ang pisnge ko. Inilapit nito ang muka sa akin at bumulong.
"Di bagay sayo tanga" sabi nito at tumawa kaya mabilis kong kinurot ang tagiliran niya.
"Ang epal mo"
"Sige sasama ako" Ngumiti ito.
"Yohooo dahil dyan ililibre kita mamaya!" Sabi ko pa at tumawa.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...