Gumising ako dahil sa ingay ng alarm ng cellphone ko tatayo sana ako ng maramdaman ko ang hilo kaya napa-higa ulit ako. Tinignan ko ang oras at nagulat ako ng 5:00 Am na 30minutes na lang ang ikikilos ko malayo kasi ang school ko kaya kailangan kong gumising ng maaga dahil baka traffic at di ako maka abot kaya naman maaga pa lang kumikilos nako, Naligo agad ako at nag mamadaling bumaba. Nakita ko naman si mommy na tinitignan ako.
"Ano? Inom pa" Pang asar na Tinig ni mommy
"Mom aish Bat di niyo ko Ginising" Tampong sabi ko.
"Aba kasalanan ko bang uminom ka at ginabi umuwi! Kawawa nga Si Ely sayo ang bigat-bigat mo daw tas nag wala ka pa sa dun sa pinuntahan niyo" Nakangiwi pang saad ni mom.
"What? Hindi naman ako nag wala dun katunayan umiglip lang ako dahil sa sobrang hilo" Naguguluhang Sabi ko.
Mom Laugh "Nako bawal kang mag inom maka-kalimutin ka, Kay Ely mo na lang itanong kung anong pinag gagawa mo btw You need go to your School malapit ka nang malate andami kasing malapit na school dun kapa talaga sa malayo" Reklamo ni mom at umiiling pa.
"Bye mom iloveyouu Pakisabi kay Dad Umalis nako" Sabi ko dito at hinalikan ang pisnge.
"Bye iloveyou too honey pag may Problema sabihin mo sakin ha" Sabi ni mom at niyakap ako sandali.
"Yup Bye mom" Kumaway pa ako dito bago tuluyang umalis.
si mommy ay isang Architect kaso Pinatigil ito ni dad sa pag tatrabaho dahil may sakit ito sa puso ayaw ni dad na lumala pa ito kaya nasa bahay lang si mommy may mga katulong naman kaya may nagawa sa gawaing bahay.
Si Daddy naman ay Engineer Maraming nag-papagawa sa kanya kaya kadalasan umuwi ito ng pagod at ang tanging pahinga niya lang ay si Mommy sanaol diba. Minsan na lang siya mag day off dahil sayang ang mga project at ayaw niya matambakan lalo na at nag iipon din siya dahil nag papagawa na ito ng sariling Company.
Sumakay na ako ng Jeep at ako lang mag isa pero okay lang para naha-hanginan ako nag papasalamat ako dahil di masyadong traffic. I Pick up my phone and i text my friend about what happend that night gustong kumpirmahin kung totoo ba ang sinabi ni mom. At kung totoo nga ito nakakahiya!
May dumating na lalaki siguro nasa edad 40+ na ito pero di ko na tinoon ng pansin at tumingin sa bintana. Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon ano kayang gagawin ko pag nakita ko siya at meron ng kasamang iba? Iiwas na lang ako?, Tama iwasan mo na lang natalia kailangan mong limutin siya.
Muli akong Tumingin sa lalaki dahil ramdam ko ang presensya niya na tumitingin sa akin at naiirita na ako sa Pag mumuka niya Sinamaan ko ito ng tingin at nag lip bite pa yung depota Aba't kala mo naman Kapogian e muka naman... Echos! di ako marunong mang judge pero kasi muka talaga siyang unggoy. May asawa naman siguro siya no? kasi matanda na siya dun na lang siya maki pag- rakrakan.
Buti na lang at huminto na ang jeep at dali-dali akong bumaba sumakay ulit ako sa isa pang jeep ayaw ko pa sanang sumakay dahil siksikan na pero no choice ako dahil malalate na ako kaya naman sumakay na ko.
pag kababa ko dito ay sasakay na ako sa tricycle at Nandun na ang paaralan ko.
Unting tiis na lang na lang Natalia Graduation niyo na di kana makakadanas nito. Kaya lang naman ako pumasok sa paaralan na yun dahil nga para kasama ko si Lucas. Kaso ang the end di pa rin kami mag kikita. Yun...nag hanap ng iba yung defuta.
Aish Naiinis na ako pag binabangit ang pangalan niya.
Di ako naka pag pakilala ng malinaw sa inyo pano yung author lang kwenta excited masaktan ako Gosh.
Btw I'm Natalia Rivera Guinness and I'm going to college and my boyfriend cheat on me.
So Pag kababa ko ng jeep Sumakay na kaagad ako sa Tricycle. Kinakabahan na ako dahil mala-late na talaga ako.
Ilang minuto ang nakalipas ay Nakarating na rin ako kaya naman dali-dali akong Pumunta ng room ko naka hinga ako ng maluwag ng wala pa yung adviser namin. Nakita ko naman na naka tingin sa akin yung classmate kong si Isha. Lumapit ito sakin at sabay nag tanong.
"Hoy Anyare jan sa Mata mo ha?" Tanong ni na parang siga.
"Wala na puying yun luha ng luha hangang namaga" Pag dadahilan ko... pero i guess alam niya na ang totoo.
"Tanong mo sa pagong halata ka, Anong ginawa sayo sinaktan ka? ano sabihin mo ng Sugurin natin yan! Nanggigil ako" Halata sa kanya ang galit.
"Hanapan mo ko pagong tas ako na kakausap at saka kalma lang isha parang ikaw yung sinaktan ah" Pag papakalma ko sakanya.
Kilala ko tong si Isha eh... ayaw niyang nasasaktan ang kaibigan niya lalo na pag sa lalaki.
" Ngayon lang akong naging matino Natali" (Natali is my Nickname)
"Ay oo nga pala kadalasan lutang ka" Pang aasar ko sa kanya.
"H-hoy at anong sinabi mo jan ha" Utal na ani nito at parang nawala ang pag ka siga.
"Wala sabi ko ang ganda ko" Iginalaw ko pa ang buhok ko upang mag inarte.
"Chismis ka sakin mamaya ha" sabi nito bago bumalik sa upuan.
Tumango lang ako dito bilang tugon.
Siya si Isha Rivas siya lang ang kakilala ko dito sa room at kaibigan. At kaibigan ko rin naman si Ely lagi ko siyang kasama kahit minsan sobrang daldal niya. Btw Si Isha siya yung madalas na lutang pero matapang yan pag nag kakaron ng away o kaya may problema. Nag tataka din ako kung bakit kahit laging lutang at medj may sayad din yan nakaka perfect yan at saka nakaka recite Jusko di namin maintindihan utak niyan e.
Nagulat ako ng Sinigawan na ako ng teacher.
"Miss Guinness Kanina pa kita tinatanong naka tunganga ka pa jan!" Sigaw ni Ms. Torreallba sa akin ng di ako naka sagot sa tanong niya.
"Ahm pwedeng paki ulit po ng Tanong?" Nahihiya kong sambit.
Ano ba yan maam eh! pinapakilala ko pa si Isha sa mga readers lintek na yan!
AhhHhhhh Nakakahiyaaa! Gosh!
"Sinong gustong Tumulong dito kay Ms. Guinness at lutang ata ngayon" iritadong sabi ni Ms. Torreallba
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko kaya na payuko ako dahil sa kahihiyan.
"Maam Ako po" Sagot ni Isha
Ishaaa You're my saviour huhu
"Okay very good Isha" Pag puri ni maam kay Isha ng maka tamang sagot ito.
Naka apat na subject na kami pag katapos nun ay May Break time na Susunduin namin ngayon Si Ely Lara iba kasi ang room niya at kaming dalawa naman ang mag kaklase ni Isha.
Malapit na kami sa canteen ng makita ko Si Lucas at ang babae niya. Hays parang dati ako laging kasama niya.
Kinalabit ko si Isha
"Isha kayo muna kumain dun na lang ako sa labasan kakain" Sambit ko dito mag kakilala naman kaming tatlo so keribels niya na yan.
"At bakit naman aber?" Tanong niya na naka taas pa ang kilay
Nang di ako tumugon sa tanong niya ay tinignan niya ang dereksyon kung saan ako naka-tingin at biglang sumama ang muka nito alam ko na ang kaha-hantungan nito kaya naki-usap ako.
"Please Isha Wag ngayon, Hayaan mo na siya, Masaya siya diyan, Wag na nating guluhin please?" Pag pipigil ko dito.
"Hays buti ang ganda ko kaya sige okay na di ako susugod. Antayin ko na lang si Ely daldal sigurado ka bang okay ka lang mag isa? gusto mo tayong tatlo?" Nag aalalang tanong sakin ni Isha.
"Okay lang gusto ko munang mapag isa. Salamat" Tumalikod na ako at nag lakad papalayo.
:(
Please Don't forget to vote and comment! Thank you!
BINABASA MO ANG
Still Into You
Roman pour AdolescentsNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...