Chapter 61: Group date

183 15 0
                                    

___________

"Dalawang maleta ang dala mo? Dalawang araw lang tayo doon ah?" Sabi ni Kleo ng makita ang dalawang maleta.

Ngumuso naman ako kaya napatawa siya.

"Ilang damit ba ang susuotin mo sa isang araw huh?" Natatawang sabi nito.

"Maliit kasi yung maleta kaya kailangan pa ng isa" Salita ko pa habang naka nguso.

"Meron akong malaking maleta, akin na ipag kakasya ko yang mga gamit" Sabi nito kaya mabilis akong umiling. Nandon kaya mga underwear ko no!

"Ha? hindi ako na!" Mabilis na sabi ko at kinuha ang bagong kuha niyang maleta. "Alis ka muna" Sabi ko pa at iwinasiwas ang kamay ko para paalisin siya sa kwarto ko.

Tumawa naman siya ng mahina at lumabas ng kwarto.

Nilipat ko ang mga gamit ko sa malaking maleta na ipinahiram ni Kleo at inilagay doon ang gamit ko.

Lumabas din ako ng kwarto pag katapos kong ilipit ang lahat ng dami ko sa kabilang maleta.

"Wala kang nakalimutan?" Tanong ni Kleo habang pinapaikot niya ang susi sa kanyang isang daliri.

"Wala na" sabi ko dito at ngumiti, lumapit sa akin si Kleo at pinisil ang pisnge ko.

"Tigilan mo nga yon lalaylay yung pisnge ko nyan!" Sabi ko pa lagi niya kasing ginagawa ang pag pisil sa pisnge ko.

"At san mo naman nalaman yon?" Sabi niya at tumawa.

"Wala pakiramdam ko lang" hinawakan ko ang dalawa kong pisnge habang sinasabi iyon.

Umiling lang ito at patuloy na tumatawa.

Habang nabyahe narinig ko ang ring ng phone ko kaya napatingin ako doon at sinagot.

[Excited kana ba?! Ako excited na wohoooooooo!] Sigaw ni Ely sa kabilang linya kaya inilayo ko ang tenga ko sa phone dahil sa lakas ng bunganga niya. [ Babe... your mouth] Rinig kong boses ni Ethan kaya napatawa ako.

"WHAHAHA bunganga mo kasi Ely tamo pati yung lover mo naiirita na sa bunganga mo" Asar ko kaya Ely.

[I didn't say that] Sagot ni Ethan kaya napatawa si Kleo habang nag dadrive. [Bleh utot mo Natalia! love na love niya yung mouth ko kinis-] Di niya natuloy ang sinabi niya dahil sinaway nanaman ito ni Ethan. [Btw naka ready na ba ang trio swimsuit natin] Bulong ni Ely sa phone kaya napahagikgik ako.

"Oo yes handang handa!" Bulong ko sa phone habang mahinang tumatawa.

[Yes! Picture us ah! Ipapaframe ko talaga yon!] Sabi nito kaya napa ngiti ako.

"Ako din! Sige na kitakits na lang sa resort" Pinatay ko na ang tawag pag katapos ko iyong sabihin.

"Ano yung bulong hm?" Tanong nito.

"ahm wala... pero promise mo di ka magagalit mamaya ah?" Nakangiting sabi ko.

"Ano muna yon?" Tanong ulit nito kaya napanguso ako. "Tch... fine" Pag kasabi nya non ay mabilis akong ngumiti!

"Thank you love" Pinisil ko ang matangos nitong ilong at mahinang tumawa.

"May kapalit yon" Naka ngusong sabi niya habang nananatili ang tingin sa daan.

"Ano?"

"Kiss" Naka ngising sabi niya pa.

Matagal pa akong napaisip bago sumagot. "ahm... sure basic" Wala naman siyang sinabing sa lips, so sa pisnge na lang dohz talino ko talaga bat dito lang lumalabas talino ko ah?

--

The Garden Dream Resort

Iyon ang nakalagay sa malaking gate dito kasi kami mananatili ng dalawang araw. Nakita ko kaagad ang sasakyan ni Ethan at Hunter. Pag kahinto namin sabay-sabay kaming lumabas nang kotse. Lumabas ng kotse si Isha sa kotse ni Hunter, habang lumabas naman si Ely sa kotse ni Ethan at syempre lumabas din ako sa kotse ni Kleo.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon