Chapter 49: Crazy

224 17 3
                                    

Ng makapunta na kami sa University na pinapasukan namin ay agad akong bumaba.

"Babye" sabi ko kay Kleo at kumaway.

Pero nag taka ako ng di siya umaalis sa pwesto niya.

"Bakit? Alis kana" Ikinaway ko pa ang kamay ko.

Pero lumakad siya deretsyo sa akin at umakbay.

"Sama ako" Nguso niya.

"Anong sama... di na ako kinder para samahan sa room" Pag susungit ko.

"Gusto kong gumala eh"

"Whatever" Irap ko. 

Tinangal niya ang pag kakaakbay sa akin at iginulo ang buhok ko.

Palibhasa wala siyang prof ngayong umaga.

"Sungit" Tawa niya at nag patuloy sa pag lalakad.

Ramdam ko ang mga titig sa kanya ng ibang babae.

Napabusangot ako at hinayaan iyon.

Sarap papangitin muka ni Kleo. 

Habang nag lalakad naka busangot lang ang muka ko.

Muka akong ewan pero no pakels.

Narinig ko siyang tumawa kaya napa tingin ako. 

"What?" Irap ko sa kanya.

Pinisil niya ang kabilang pisnge ko at inakbayan ako para mapalapit ako sa kanya.

"Cute" Bulong niya pero narinig ko rin kasi malapit lang ako sa kanya.

Ang kanina kong nakabusangot na muka napalitan ng di maipinta na ngiti.

Punyeta kasi si Kleo parang tanga sarap paliparin. 

ng makarating na sa tapat ng room bumitaw na siya sa pag kakayakap at tumingin sa akin.

Inirapan ko siya ng walang dahilan.

"Babye" Paalam ko pa dito.

"Tss sungit" Kukurutin niya sana ang pisnge ko ng umiwas ako. 

Depota ka nakakailan kana.

Tinarayan ko siya sa huling pag kakataon at tinalikuran. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya.

"Sungit! Pag minahal kita ewan ko na lang talag-" di niya na natapos ang sinasabi niya ng hinarap ko siya at naka salubong ang kilay.

Wah baka mapansin niya na namumula pisnge ko? 

Agad akong tumalikod.

"Epal ka! Alis na bilis" Ikinaway ko pa ang kamay ko ng nakayuko.

Narinig ko nanamang tumawa siya.  Naramdaman ko na wala na akong kasama kaya inangat ko na ang ulo ko.

Buti na lang wala pang nandito.

Tarantado talaga yon.

Nagulat ako ng makita ko si Theo na naka upo at tinitignan ako gamit ng malamig na tingin, kahit ganon ay nginitian niya na lang ako ng pilit at yumuko na para bang natutulog. 

Should i say sorry? dahil sa nangyaring pag tataboy ko sa kanya?  Nvm di ko naman kasalanan yon eh siya ang lumapit.

Umupo ako at dahil walang pang ginagawa at saka wala naman akong kausap, nilabas ko ang phone ko para kahit papano may magawa naman ako.

Saktong pag kalabas ng phone ko nag ring ito.

Sinagot ko ito ng naka ngiti.

Call*

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon