Habang natutulog pa siya ay bumaba ako. Tinanong ko sa mga katulong na kung pwede ba ay magluto ako. Nahiya pa nga sila at sila na lang daw mag luluto. Ngunit sabi ko ay ako na lang tutal madali lang naman itong lutuin sa huli ay pumayag sila at muling nag pasalamat sakin.
Mag luluto ako ng lugaw para pag nagising siya ay kainin niya ito.
Hinanda ko na ang mga ingredients nito. Buti na lang at kumpleto sila ng mga kailangan.
Inihanda ko muna ang mga ingrediends at pagkatapos nun ay sinimulan ko na ang pag luto.
Pinainit ko muna ang pag lalagyan ko ng lulutuin kong lugaw.
Sinimulan ko na itong lutuin.
Nag laga ako ng limang itlog 8minutes itong pinakuluan. Pag katapos nun ayNag lagay ako ng panibagong pag lalagyan ng lulutuin ko. Nag lagay na ako ng 6 tbsp Cooking oil at pinainit iyon saglit at inilagay ang hati- hating luya hinalo ko yun hangang sa mag golden brown ito.At saka ko nilagay ang 1 head garlic, minced and 1 pc Onion, diced pag katapos ay hinalo ko yun at nilagay ko na ang 2cups glutions rice and mixed again after ilang minutes ay nag lagay na ako ng 5-7 Cups of water hinalo ko iyon at tinakpan muna panandalian.
Btw kay mom ako natuto niyan.
Pagkumukulo na ito ay haluin ulit at mag lagay ng 2tbsp ng fish sauce and 1 pc knorr chicken cube and mixed hangang sa matunaw yung chicken cube.Saka ko nilagay ang Salt and pepper pampalasa. Pinakuluan ko ito sa huling pag kakataon at pag katapos ay pinatay ang apoy nito.
Nag cooking show na ata ako ha.
Iluluto ko naman yung garlic para sa toppings. Hiniwa ko ang garlic sa maliit at nag lagay ng cooking oil sa kaldero nang uminit na yun ay dun ko nilagay ang garlic hangang sa mag golden brown ito. Nang matapos. Kumuha ako ng kutsara at sumandok upang tinman ko at ang mga katulong. Tinikman ko ito at ipinatikim sa ibang katulong at lahat sila ay natuwa sa lasa nito.Sinabi ko na pwede silang kumain dun kung sakaling nagugutom sila. Natuwa naman sila.
Nag sandok nako ng lugaw sa isang mangkok at nilagay dun ang toppings 1pc Nilagang Itlog, Garlic minced, and spring onions.
Nilagay ko ito sa tray at nilagay ko na din sa tray ang water and gamot niya.
Pag kapasok ko sa kwarto niya ay nanatiling tulog parin ito. Kaya naman nilapag ko ang Tray dun sa lamesa niya. Muli ko siyang pinunasan ng panibagong towel at maligamgam na tubig ulit. pag katapos nun ay nag iwan ako ng sulat sa tray.
Get well, Umalis muna ako, just text me if you're feeling well, Ako nag luto ng lugaw dyan hihi. don't forget to take the medicine.
- NataliaKinuha ko ang Cellphone ko upang itext si Ely na mag kita kami sa coffee shop agad naman itong pumayag basta libre ko daw.
Napailing naman ako at natawa.
Pag ka baba ko ay nag paalam na ako sa mga tao sa baba at sinabing tulog padin si Kleo, Sinabi ko din na aalis muna ako, nag paalam naman sila at nag pasalamat. Maraming mababait sakanila di sila nag sasawang mag pasalamat.
Sumakay nako ng jeep upang pumunta sa pinag usapan namin ni Ely.
Habang walang tao sa jeep kinuha ko ang pulbo dun at nag lagay sa ligod, Dibdib, leeg, at nag lagay din ng unti sa muka.
Yeshhh muka na ulit akong Fresh.
Pag kababa ko ay nakita ko na kaagad si ely sa tapat ng coffee shop ng makita niya ko ay nag tata-talon pa na parang bata kaya naman napatawa ako ng mahina at lumapit sakanya.
"Hoy! ikaw yung nag bulgar sa principal tungkol dun sa talento ko no?" Pag sasalita ko sakanya at naka seryosong muka kunwareng galit ako.
"Ahh hehe.....pasok muna tayo sa loob gutom na ako e" Sabi nito at Agad agad na pumasok sa loob.
"Order kana rin. Mamaya mag bago isip mo eh" Sabi nito na kinakabahan.
Gusto ko nang matawa dahil sa itsura niya.
Pag katapos kong umorder ay humarap ulit ako sakanya.
"Yung tanong ko kanina sagutin mo na naka order nako" Seryosong saad ko at kunwareng galit. Pinipigilan kong tumawa kaya tumingin muna ako sa paligid.
"Hihi.....Ano kasi hinahanap ka na nila talaga nun.... Eh wala kana man nun kasi nag babyahe ka pa pinuntahan nila si Isha kaso di pa pala nadating tas sumunod ako yung tinawag sa room namin kasi nga mag kaibigan tayo, si andrea naman wala pa dun kaya ako yung natawag.....Syempre tinanong ko kung anong kailangan nila sa iyo. Then ang sagot nila kung may talent ka ba daw, Eh nagulat ako nun eh. Bigla akong na excited nung tinanong nila yun kaya ko nasabi yung talent mo huhu sorry na"Mahabang paliwanag niya sakin tinitigan ko siya at ng di ko na mapigilan ang tawa ko. Tumawa ako ng malakas na ikinagulat niya.
"Bat ka tumatawa"Naka ngusong sabi niya.
Dumating naman ang order namin kaya nag liwanag ang muka nito.
"Joke lang, Okay lang Ely may kasama naman akong kakanta eh. So di ako galit." Sabi ko na may ngiti.
"Ha? Sino?" Nag tatakang tanong niya pa.
"Naalala mo yung nag inom tayo? yung hiningian ko ng number, tas yung nag bigay ng panyo nung naiyak ako dahil sa kalasingan. Si Kleo"
Namilog naman ang mga bibig niya dahil sa gulat.
"AhhhHHhhhhhhh! Forever na to" Tili niya kaya nag katitigan ang mga tao sa amin.
"Hoy" Tumayo ako at tinakpan ang bibig niya.
"Ah sorry po di pa po kasi naka inom ng gamot pag pasensyahan niyo na" Pag bibiro ko sa mga nakatingin sa amin.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Ely kaya natawa ako.
"Btw wag mumunang sasabihin to kay Isha gusto ko suprise hehe" Sabi ko dito. Tumango lang siya dahil may iniinom siya.
"And thankyouu kasi kong hindi mo siguro sinabi yun, patuloy pa rin ako sa pag tago ng talento ko sa musika" Pag ka sabi ko dito ay niyakap ko siya ng mahigpit.
Nagulat man siya yumakap naman ito ng pabalik.
"Ano ka ba! Akala ko nga ay magagalit ka eh!" Sabi nito sakin.
"Nung una nag tatampo ako pero worth it naman" Sabi ko sakanya na nakangiti.
"Kasi nandyan si Kleo" Pang aasar na naman nito.
Umiling lang ako at tumawa ng mahina.
Ilang oras pa kaming nag kwentuhan sa susunod naman, mag kakasama kaming lahat, ako, si Ely, si Isha. Mag ce celebrate kami hihi.
4:44~
Maya maya pa nakatangap ako ng text kaya tinignan ko ito. Si Kleo nag text siya sakin.
Text~
Kleo: Thank you sa palugaw, masarap ito, bukas ay magaling na ako. Matutuloy na tayong mag ensayo ulit pasensya kana ha. Babawi ako bukas ❤:)
Napangiti naman ako. at nag reply din.
Natalia: No problem, Pagaling ka bye! (^.^)
~~
Nang makita ako ni Ely na naka ngiti ay agad niya kong inasar.
"Yang ngiti yan may pahiwatig yan eh" pang aasar niya.
"May mga kabanda to eh mapopogi" Parinig ko.
"Reto ehem reto Hooo mag gagabi na pala" Parinig nito.
Natawa naman ako at umiling.
Muli akong naka tangap ng text mula sa kanya.
Text~
Kleo: Thankyouu again, Ingat (^.^)
~~
Nang mag hiwalay na kami ng landas ni Ely. Dumaan naman ako sa simbahan at nag stay sa labas nun.Napangiti naman ako. Tumingin sa langit at pumikit. Hinihiling na gumaling na siya.
:)
Please don't forget to vote and comment! Thankyouu!
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...