Chapter 7: Piano

462 31 1
                                    

Sabado ngayon syempre walang pasok ngayon may ilang araw na lang kami para mag practice sa friday na gaganapin yun at ang sabado naman ay yun na ang Graduation. Sila Kleo naman ipag-sasabay na lang ang party and graduation. Ang tanging gagawin ko na lang ang mag practice kasama si Kleo para sa gagawin naming performance.

Actually guess lang siya sa school sa iba talaga siya nag aaral.

Mag ka sundo ang school ko at school niya kaya naman kadalasan lagi itong nag cocollab ngunit ngayon ko lang talaga nakita si Kleo sa Paaralan na yun.

So btw it's already 7:30am maaga talaga akong nagising dahil nakakahiya naman kung pag intayin ko pa siya. Pag katapos kong kumain naligo na ako at nag tooth brush dinala ko na din yung sarili kong mic na color yellow favorite ko yung Color ko bata pa lang ako.

When finished taking a bath, I wore an oversized color yellow tshirt and high waist shorts. I tuck in half of the tshirt on and the other half I just left lying on at meron akong dalang maliit na bag para sa aking mic,panyo, and Pulbo.

Nag lagay din ako ng light make up hinayaan ko lang na naka laglag ang aking mahabang Buhok at nag dala na rin ng tali sa kaling mainitan ay mag tatali na lamang ako nag pa bango na ako, bago tawagan si Kleo na agad niya namang sinagot to.

*Call

[Hello] Pag sasalita nito.

"San tayo mag kikita?" Tanong ko sakanya.

[Dito sa tapat ng school kakadating ko lang dito ngayon]

"Ha? matagal pako makakarating diyan medj malayo ang bahay ko" Natatarantang sabi ko.

"Aantayin na lang kita"

~~~
pinatay niya na ang tawag.

Sumakay nako sa jeep habang naka tingin sa mga lugar na madadaanan nito.

It's already 8:44

Isang tricycle na lang at makaka punta nako dun.

Ilang minuto ang nakalipas ng makapunta nako sa harap ng school nakita ko na rin si Kleo.

He's wearing
white tshirt that fits to his body and terno black pants and white Robber Shoes.

Simpleng porma pa lang ay bumabagay na sa kanya.

Kumaway naman ako sa kanya pero na natili itong tulala habang naka tingin sakin kaya naman binatukan ko ito.

"Aray!" Reklamo nito.

"Ang aga aga mo kasing dumating tignan mo muka kang inaantok tas naka tulala ka pa jan" Pag Sasabi ko dito.

"Ha?" Lutang na sabi nito.

Halamang gamot letche!

"Anong ha? Letche ka lutang ka ata ano gagawa ba tayo?" Reklamo ko naman sakanya.

"Tara na nga" sabay hatak sakin.

"San ba tayo mag papractice?" Tanong ko dito habang kami ay nag lalakad

"Sa bahay namin"

"Ha bakit dun! Nakakahiya!"

"Nandun yung kailangan nating gamitin. " Sabi naman nito.

May point siya kaya hinayaan ko na lang ito.

Sumakay kami ng jeep ng dalawang beses kung tutuusin ay di naman masyado malayo ang bahay nila sa amin. Pero kung lalakarin nga ito ay nakaka pagod.

Nang maka-rating na kami sa bahay nila ay nagulat ako ang laki nito dalawang palapag lang ito. aakalaing Simple pero pag naka pasok kana sa loob ay sobrang laki nito marami ding pintuan na ikalilito mo.

"San ba tayo popwesto nakakahiya" Sabi ko kay kleo habang naka hawak sa damit niya.

"Wala naman sila Mom and Dad mga katulong lang ang nandito saka dun tayo sa music room nandun yung mga instrument and may maliit na stage dun para dun narin tayo mag practice"

Namangha naman ako at naeexcite.

Pumasok na kami sa music room at tama nga siya malaki yun kami lang talaga ang makaka-rinig at maraming intrument.

"Hm kuha lang ako ng notebook and ballpen at saka snacks narin" Tumango ako dito.

Nahagip naman ng mga mata ko ang piano.
napag aralan ko ito nung bata ako at hangang ngayon ay kabisado ko parin kung paano gamitin ito.

Lumapit ako sa piano at nilagay ang mga kamay ko dito,umupo ako at Huminga ako ng malalim at nag umpisang kumanta.

*She used to be mine by sara bareilles

"It's not simple to say
Most days I don't recognize me
These shoes and this apron
That place and its patrons
Have taken more than I gave 'em
It's not easy to know~"

Pinikit ko ang aking mga mata habang ako'y na kanta upang mas damdamin ko ito.

"I'm not anything like I used to be
Although it's true
I was never attention sweet center
I still remember that girl~"

"She's imperfect but she tries
She is good but she lies
She is hard on herself
She is broken and won't ask for help~"

"She is messy but she's kind
She is lonely most of the time
She is all of this mixed up
And baked in a beautiful pi-"

Di ko na natapos ang huling linya na may narinig akong nahulog na bagay. Pag tingin ko si Kleo lang pala. Nahulog niya yung dala niyang notebook. Nagulat naman siya ng tignan ko siya at umiwas ng tingin.

Luh may problema ba sa boses ko? bat siya umiwas ToT .

Lumapit ako sakanya.

"Hala bawal ba tong gamitin? Hala Sorry may problema ba boses ko? shit dapat kasi nag sabi ka na nakapasok kana para di na ako tumuloy sa kanta akala ko di ka pa nadating eh" Natatarantang sabi ko sakanya.

Nagulat naman ako ng humarap siya sakin. Nahalata ko pa na namumula ang tenga niya. Luh anyare?

"N-no it's okay. A-ang ganda nga ng boses mo eh" Umiwas nanaman ito ng Tingin.

Mag sasalita na dapat ako ng maunahan niya nako.

"Let's start" Nakaiwas parin to ng tingin.

Hala galit ata siya sakin huhu. kumanta lang naman ako ah.

:)

Please don't forget to vote and comment! Thankyouu!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon