Ng maka balik na si Ely sa table at dala na ang mga inorder niya at agad naming nilantakan iyon.
Pare-parehas pala kaming di lumamon sa bahay kaya grabe kami kumain ngayon.
Pagkatapos namin kumain ay agad naming inilagay ang sarili naming laptop sa table at inihanda ang notebook, ballpen para sa notes na susulatin namin.
"Saan ba kayo?" Tanong sa amin ni Ely.
Inirapan ko naman siya dahil sa lakas ng bunganga niya. Hays dapat nga masanay na ako sa bunganga niya.
"Aba tinatanong ko lang kayo tapos nang iirap ka jan tangalin ko golsgols mo" Sabi naman ni Ely kaya nanlaki ang mata ko.
WTF?!
"What the fuck Ely?!" Sabi ko dito at naiinis na kinurot siya.
Nakakahiya dahil paniguradong narinig nila Kleo iyon. Mag katabi lang ang table namin.
Narinig ko naman ang tawa ni Isha at Ely.
Tumingin naman ako sa gawi nila Kleo at ang mga kabanda niya at lahat sila ay nakalobo ang pisnge halatang gusto na nilang tumawa......Maliban pala kay Ethan na seryoso lang ang muka at para bang inip na inip.
Inirapan ko naman si Kleo at muling bumalik ang gawi ko kila Ely at Isha na hangang ngayon ay di pa rin matigil ang katatawa.
"So btw back to the topic. Saan nga? Anong plano?" Pag seseryoso ni Ely at inihanda na ang kanyang kamay para sa pag reresearch.
Ganon din ang ginawa ni Isha. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili dahil sa nangyari.
"Sa manila kasi ang balak ng parents ko and yung kay Isha ganon din" Sabi ko naman.
"Edi don na lang din ako" Ngiti ni Ely.
"Sure ka?" Sabay namin ni Isha. Masyado kasi siyang maraming problema lalo na sa mga parents niya at sa bahay kaya nagulat kami ng maka pag desisyon siya ng ganon kabilis.
"Oum ayoko na sa bahay. Nakaka pagod, ang gulo basta kung saan kayo...Sa inyo na lang ako masaya tapos lalayo pa ako?....Kung sakaling di sila pumayag ako mismo ang aalis sa bahay" Sabi ni Ely at ngumiti ng pilit. Nakita ang lungkot sa mga mata nito.
Siya ang madalas makulit sa amin at masayahin pero lahat yun nag iiba sa tuwing nauwi siya sa mga parents niya. Doon niya nararamdaman ang lungkot.
Tinapik naman siya ni Isha sa braso at nginitian. Ngumiti siya pabalik at sinimulang mag daldal ulit.
Nag search kami ng iba't ibang school sa manila at condominium.
Tatlo ang pinag pilian namin doon. Ateneo De Manila University, University of Santo Tomas, De La Salle University.
Si Isha at Ely na pag pasyahan nilang doon sa Ateneo De Manila University tutal nandon ang kursong kukuwain niya. Parehas kasi silang mag aabogado.
Ako naman ang nasa University of Santo Tomas.
Medjo namoblema pa nga kami dahil ang layo ng pagitan namin sa isa. Ateneo is 13km away from UST.
Ilang minuto ang nakalipas ng mapag isipan naming mag kita na lang if may time. Mag chat na lang daw para sa mga update namin sa isa't isa.
Pumayag naman ako kahit kinakabahan.... I mean naranasan ko namang mag isa sa bahay pero di pa rin ako sanay.....basta wala lang ipis at walang multo hehe.
Pag katapos naming isulat lahat at pag katapos naming mag desisyon ay nakahinga kami ng maluwag.
Pag tingin naman namin sa table nila Kleo ay naka tingin ito sa amin. Mga chessmosa! Anong ginawa nila dito tumambay? Nang mapansin nilang naka tingin kami sa kanila ay agad silang nag iwas ng tingin at nag usap ay wow.
Napatawa naman ako ng mahina.
Nag order ulit si Ely pero sa akin ng pera iyon.
Gusto ko munang mag tagal dito dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay mamaya.
Nagulat naman ako ng mag sitabihan sila sa table namin.
"Makiki sali lang kami hihi" Sabi naman ni Leo at ngumiti. Nginitian ko ito pabalik at sinabing okay lang.
Uupo dapat si Leo sa tabi ko ng biglang umupo si Kleo don at naka simangot ang muka.
Anyare sa kanya?
Napa tawa naman ng mahina si Hunter at Ethan ngunit di ko pinansin yun.
"Andaming upuan Kleo. Pag masdan mo yung table" Sabi ko dito dahil nakakahiya kay Leo. Bigla bigla na lang nang aagaw ng upuan.
Humarap siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.
Ha? anong ginawa ko? sinabihan ko lang naman siya.
Nginitian ko lang siya kahit nag tataka pa rin ako sa ikinikilos niya.
Ilang oras din ang nakalipas ng dumating na ang order namin. Kumain naman kami nila Isha at Ely. Niyaya namin sila Kleo at ang iba ngunit tumangi sila at hiniram ang mga laptop namin para sila naman ang mag research. Okay naman sa amin yun dahil wala naman na kaming gagawin doon at kakain kami kaya pinag bigyan na namin.
Nag kwentuhan lang kaming tatlo at pinanatiling tahimik dahil baka maistorbo sila Kleo. Buti nga humina ang boses ni Ely for the first time gosh.
Ng matapos sila ay agad nilang ibinalik yun nag pahinga lang kami saglit bago kami mag paalam na aalis na.
Pumayag naman sila Kleo at nag paalam nag sasabi pa nga sila na ihahatid niya kami ngunit tumanggi kami.
Kailangan ko nang umuwi dahil inaantok na ako.
Mag gagabi na nga eh antagal din namin dito simula 10am to 6pm.
Kaya napag pasyahan na naming umuwi.
Demoretsyo muna sila Ely at Isha sa bahay at tinupad ang sinibi nila kay Mom na lalantakan nila ang pag kain sa bahay kaya naman tuwang tuwa si Mom.
Pag katapos nilang kumain ay nag kwentuhan pa kami about sa school at sa mangyayari sa buhay namin.
Pag katapos non ay nag paalam na sila sa akin at kay Mom.
Ako na ang nag hugas dahil pinag pahinga ko na din si Mom napapansin ko nga lagi nag iiba ang ekpresyon ng muka niya tapos sa tuwing tumitingin ako ngumingiti siya at sinasabing okay lang siya.
Nang matapos mag hugas ay agad akong nag half bath at pag katapos non ay dumeretsyo sa kama.
Iopen ko pa saglit ang fb ko at tinignan ang message doon.
Goodnight.
Yun ang bumungad sa messenger ko. Si Kleo ang nag chat non. Napa ngiti naman ako at nireplyan din siya.
Goodnight din.
Pag kasabi ko non ay agad kong pinatay ang phone ko at pumikit.
Sumilay pa sa labi ko ang maliit na ngiti bago maka tulog ng tuluyan.
:)
Please don't forget to vote and comment! Thankyouu!
BINABASA MO ANG
Still Into You
Novela JuvenilNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...