[Nasan ka Natalia? Bili bumaba ka dyan] Sabi ni Ely sa kabilang telepono.
"Kleo...bababa lang ako ah, nandito kasi sila Ely at Isha" Ngumiti ako dito.
"Sama ako" Saad niya at umupo mula sa pag kakahiga sa kama.
Tatango na sana ako ng maalala sila Ely at Isha. Omg aakalain nilang nag kakamabutihan na kami o kaya aakalain nilang nag kabalikan na kami! no! no!
Bakit hindi ba?
Pasimple akong napairap sa sinabi ng sarili kong utak.
"A-ah...wag na saglit lang naman" Palusot ko pa dito at pilit na ngumiti.
Ang singkit niyang mata ay mas lalo pang sumingkit ng tignan niya ako. Siguro nag tataka sa kinikilos ko. "I want to see them...matagal na rin noong huli ko silang naka-usap" Muling sabi niya.
Luminga linga ako sa paligid para mag isip. "Ah! Ganto na lang...mauuna akong bumaba tapos sumunod ka na lang" Lumawak ang ngiti ko sa naisip na paraan.
Mas lalo niyang isiningkit ang mata niya. Para na siyang nakapikit. "Ayaw mo ba akong kasama?" Tanong nito at unti unting humakbang papalapit sa akin.
"H-ha? ano lang kasi..." Tuloy-tuloy lang ang maliliit niyang hakbang papunta sa akin na ikinakaba ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa kaba.
"Hmm? ano?" His voice is deeper and sexier. "Natalia..."
I gasped when I reached the wall. "Ano...m-mamaya ko na lang sasa-"
I couldn't continue to say when he leaned down and whispered in my ear. "I apologize, but your lips make me want to kiss you," He said. My heartbeat quickened and my cheeks flushed.
One of his hands gently held my chin, and his lips suddenly touched mine. I closed my eyes and wrapped my arm around him.
Mabilis kaming napatigil ng tumunog ang phone ko hudyat na merong tumatawag. Habol namin ang hininga namin ng humiwalay kami.
[Antagal mo! Asan kana] Naiiritang sabi ni Ely sa akin.
"H-ha? wait...papunta na" Mahinang sabi ko at yumuko.
[Ano bang ginagawa mo bat hingal na hingal ka] Tanong nito kaya mabilis nag init pisnge ko.
"Wala! a-ano lang basta pababa na ako eto na!" Sabi ko pa dito at pinatay ang tawag.
Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Kleo kaya tinitigan ko ito at napanguso. "Mauuna na ako...sumunod ka na lang" Muli kong sabi.
I turned to him and looked at his face. He was grinning from ear to ear. "Yes, po!" Sabi niya pa.
Napailing tuloy ako at nananatiling nakaukit ang ngiti sa labi ko hanggang sa bumaba ako para makita sila Ely.
"Tagal ah!" Bungad ni Ely ng makita ako.
"M-may hinanap kasi ako" Palusot ko at umiwas ng tingin. "ano tara na?" pag yaya ko sa dalawa.
Hinahanap kung nasaan ang label namin para gawin namin ang bagay na yon.
"Wait may inaantay pa kami" Sabay nilang sabi na ipinag tataka ko.
"Sino?" Tanong ko pa.
Ngumisi sila. "Kilala mo yon!"
Naguguluhan tuloy akong tumingin sa kanila.
Maya-maya pa dumating ang lalaking naka shades at mabilis na ngumiti sa akin.
"Honeybunch!" Rinig kong tawag ni Theo sa akin.
Nagulat man ngunit ngumiti ako pabalik. "uy! akala ko may project ka sabi ni Dad"
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...