"Sure po kayo?" Tanong ko kay Mom sa kabilang linya. Habang nag vivideo call kasi kami nakita ko ang pag iiba ng reaction ng muka niya. Para siyang nanghihina...at parang may masakit sa kanya kaya agad kong tinanong ito pero sinasabi niyang okay lang siya...pagod lang daw iyon.
[Yes honey...sasabihan naman kita pag may nararamdaman akong masama right?] Nakangiting sabi niya pa.
Tumango tango naman ako. "Opo, at saka nandyan si Dad hm? para maasikaso ka niya... uminom ka rin ng gamot mo Mom...kumain ka sa tamang oras at matulog ng maayos" Paalala ko pa dito kaya natawa ito ng mahina.
[Parang baliktad ah, ikaw na ang nanay ngayon hm] sabi pa nito kaya napatawa kaming dalawa. [Kamusta kayo ni Kleo?] Nakangiting sabi niya.
Ibinaba ko ang tingin ko at tumango [O-okay naman po] Di ako makatingin sa muka niya ng sabihin iyon. [hmm sige na Mom pahinga kana mag luluto na rin ako] Pag dadahilan ko pa. Ngumiti ito at kumaway kaya kumaway ako pabalik "I love you" Huling sabi ko sa video call bago ibinaba ito.
Narinig ko ang pag bukas ng pinto kaya umalis na ako sa sala at pumunta sa kwarto...isinilip ko ulit siya nung umalis ako at syempre doon niya lang inaangat ang ulo niya.
Napangiti ako ng pilit at tumango sa sarili.
____________
Ngayon ang araw ng anniversary namin. Hinanap ko siya sa condo pero nanlumo ng di ma kita. Siguro kasama niya si Mara. Inantay ko ang alas dose ng madaling araw dahil nag aantay akong batiin niya ako pero wala nangyari. Ngayong pag kagising ko ni text wala akong natanggap. Nakalimutan niya? oo ganon nga...
Kahit sa umagang iyon hinang hina ako di ko inatrasan ang plano ko para sa anniversary namin. Hapon ng pumunta ako sa resturant at itinext siya na pumunta sa lugar na to.
Naseen niya ito at nag reply ng "Okay" Kahit ganon napangiti ako ng kunti. Baka naalala niya na. Inantay ko siya nang inantay pero nakakailang oras na wala pa rin siya.
"ahm...miss I'm sorry pero kailangan na naming mag sara...anong oras na rin po kasi" Nahihiyang sabi sa akin ng waiter.
"Ah ganon po ba...p-pasensya na po, sige po aalis na po ako s-salamat" Nauutal na sabi ko dahil nanginginig na ang boses ko. Naiiyak na.
Habang nag dadrive papuntang condo ko hindi matigil ang luha ko. Bakit? Anniversary namin eh...m-mahalaga yon pero bat si M-mara pa rin?
Pag kapunta ko sa condo walang tao doon. Napahawak ako sa pintuan dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Umalis ako sa condo at muling nag maneho papuntang condo ni Kleo.
Dala ko ang kaba habang nag mamaneho. Maraming gumugulo sa isip ko. Basta ang alam ko hindi matigil ang luha ko habang nag mamaneho.
Nang makapunta huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko.
____
Napaupo ako sa tapat ng pintuan ng condo ni Kleo. Nandon ang sapatos ni Mara at sapatos niya kaya mag kasama sila.
Umiyak ako ng ilang minuto bago dahan dahang binuksan ang pinto...hindi pala naka lock ito.
Saktong pag bukas ko ng pinto sa condo ni Kleo iyon naman ang pag bukas ng pinto sa kwarto ni Kleo at lumabas doon ang nakangising babae. S-si Mara.
Dumaan ito sa akin ng nakangisi.
"I'll win" sabi nito at umalis.
Ngumiti ako sa kanya kahit gusto ko na siyang sampalin at gusto ko nang humagulgol sa sakit. Alam ko na ang sinasabi niya. Alam ko kung anong ibig sabihin non...
Pumasok naman ako sa kwarto ni Kleo at nakita ko siyang mahimbing na natutulog doon sa kama niya marahil pagod...pagod sa kung ano man ang nangyari...mabilis kong napansin ang mapupulang nasa leeg niya...at ang polo niyang naka bukas. Napansin ko ang bakat ng lipstick sa puting tela ng polo niya.
Mabilis tumulo ang luha ko at nanakit ang dibdib. Sobrang sakit. Lahat nang sakit na meron sa puso ko noon...mas lalong sumakit. All this time lahat ng hinala ko tama? tangina naman eh...sabi mo mahal mo ko...sabi mo di mo kayang gawin yon...ano to?
The what-if's already happened...
Bumalot ang iyak ko sa kwarto ni Kleo na para bang namatayan ako...oo namatayan ako...nang puso. Di ko alam kung paano ko pa to bubuuhin.
Iyak lang ako nang iyak habang nakatingin sa kanya. Tulog pa rin ito...para bang ganon siya kapagod para hindi marinig ang iyak ko. O sadyang malabo na pansinin niya ako dahil noon pa man di niya na ako pinansin...bat ba ako nag eexpect.
Ala una ng idilat niya ang isang mata. Mabilis napaupo ito sa kama ng makita niya ako.
"Natalia" Gulat na tanong nito at tumingin sa oras.
Natalia.
"Gising kana pala...uuwi na ako" Mabilis kong pinunasan ang luha ko.
"I'm sorry" Sabi pa nito at lumapit pero agad ko itong tinignan na nag patigil sa kanya.
"S-sorry? Ilang sorry pa ba Kleo?" Muli na namang tumulo ang luha ko.
"A-alam ko namang pagod kana...inaantay mo na lang akong sumuko hm?" Bawat salita ko ramdam ko ang sakit ng dibdib ko. "K-kleo anniversary natin ngayon...pero bat ganyan. Bat ganyan ka?"
"Love..."
"Tama ba? n-na inaantay mo na lang akong sumuko huh?"
"No...hindi, mahal kita"
"M-mahal mo ako? Eh ano yan?!" Turo ko pa sa leeg niya at bakat ng lips stick sa puting polo niya. "K-kleo kung pagod kana, kung ayaw mo na please...p-please sabihin mo...ayoko ng ganto" Tuloy-tuloy ang pag agos ng luha ko ganon na rin ang sakit ng puso ko. "You've seen me cry and hurt before...but you're doing it again even though you know how I'll feel! "
Habang siya nakatitig sa akin at naiiyak na rin.
"L-let's break up" Nanlulumong sabi ko at umalis sa condo niya.
Napatulala pa ito at hinabol ako. Tuloy tuloy lang ang lakad ko habang siya hinahabol ako at paulit ulit na binabanggit ang pangalan ko.
Nasalabas na kami ng condo ng biglang umulan. Sumabay ito sa sakit na nararamdaman ko.
"No... let me explain, ayusin natin to" Naiiyak na sabi nito.
"Para saan pa?" Malamig na sabi ko. Malakas na bumuhos ang ulan kaya mabilis din akong nabasa, ganon din si Kleo. "Uuwi ka sa condo ng nakayuko at iaangat mo lang ang ulo mo sa tuwing umaalis ako...Ni dapo ng tingin mo sa akin ang hirap makuha...hindi mo ako kinakausap, hindi mo ako pinapansin, kahit naman mag kasama tayo...so p-para saan pa? para pahirapan natin ang mga sarili natin? para mas masaktan pa ako?kung maayos natin to...paniguradong uulit lang ito. Ang h-hirap" Ramdam ko ang hapdi ng mata ko kakaiyak. "Lumipat ka nga sa condo ko pero si Mara ang l-laging kasama mo"
"Nahihirapan din naman ako..." Napaupo na ito ngayon. Kita ko ang pag tulo ng luha niya na nag pasakit pa ng nararamdaman ko. "p-pero di naman umabot sa point na kaya kitang hiwalayan"
_____
__________:<
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...