Naka busangot kong kinakain ang pag kain ko dahil nga sa naalala kong nangyari kagabi.
"Bat ka naka busangot dyan hm?" Ngumuso niya pa. Kahit loko to mabilis tong maka ramdam.
Ngumiti ako sa kanya. "Wala lang trip trip lang ganon"
"Wag ako Natalia ayusin mo, so ano nga? may problema?" Tanong niya ulit.
"Wala naman maliit na bagay lang naman yon" Ngiti ko ulit sa kanya.
"Ano yung maliit na bagay na yon?" Tanong niya ulit.
Ang teluk talaga ni Ely utot.
"Unting tampo lang naman yon... kay Kleo" Sagot ko.
"Anyare?" Tanong niya.
Gusto ko sanang mag kwento pero nahagip ng mata ko ang orasan at nakitang kailangan ko nang kumilos para hindi malate sa class eh.
"Nako Ely utot pasensya na saka ko na makokwento may pasok pa ko" Natatarantang sagot ko.
"Sige basta ah! Sabihin mo saamin pag di na tayo busy or ikaw" sabi niya pa.
"Oo naman promise!" Sabi ko at pumasok sa cr para maligo.
Mabilis akong kumilos at umalis sa condo.
dahil wala namang pasok si Ely, don na lang muna daw siya mag iistay sa condo ko. Okay lang naman iyon dahil minsan na rin siyang nag stay doon.
Nag pasalamat ako ng di traffic at mabilis na naka punta sa University na pinapasukan ko.
Habang papunta sa building ng course ko nakita kong nakatayo don si Kleo kaya napatigil ako sa paglalakad at aatras sana ng may mabanga ako. Ilang days ko na rin siyang di pinapansin... ewan ko ba...
"I'm sorr-" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang nabangga ko.
"Hi bebeluvs" Ngiti ni Theo ng makita ako. "San ka punta? Magkaklase na ah?"
"ahh... wala" sagot ko naman.
Nagulat ako ng akbayan ako nito at dere-deretsyong dumaan. Wala naman akong nagawa at hinayaan yon at baka malate pa ako sa class.
Ramdam ko ang titig ni Kleo ngunit di ko iyon pinansin o nilingon.
Ano to Natalia? Eto nanaman kayo di nanaman kayo mag papansinan.
_____
Nagulat na lang ako tapos na ang class at uuwi na naman ako.
Naka pag isip-isip na ako na kakausapin ko at di ako iiwas kay Kleo... Binabaan ko pride ko kasi why not coconut.
So ngayon pupunta ako sa building niya para gorabels na.
Di ko na siya tinext or anything basta nag kusa na lang akong pumunta.
ng malapit na papunta sa room niya ay wala na akong nakakasalubong tao... kahit batch niya di ko na nakasalubong.
Eh? Huli na ba ko? baka umuwi na yon.
Ah basta sisilip muna ako para sure sayang din lakad ko no.
ng sisilip ako ay nagulat ako ng may gamit na nag sihulugan doon sa loob.
Napatitig ako sa dalawang taong nandoon... Si Kleo at si... Danica?
Di ko alam kung siya ba talaga yung Danica...pero feel ko nga ganon.
Nagulat ako ng nilapit ni babae ang kanyang sarili kay Kleo... hindi ko pa man nakikita ang kabuohan ng kanilang gagawin... umalis na ako.
Habang nag lalakad paalis unti unting tumulo ang luha ko. Bigla na lang lumabo ang lahat kahit ilang beses ko itong punasan walang epekto dahil tuloy tuloy pa rin ang agos nito.
Antanga tanga kasi... dapat di na ako pumunta... dapat hinayaan ko na lang na di siya pansinin.
Basta ang gusto ko na lang ay umuwi at mag mukmok...
Pumasok ako sa kotse ko at hinayaang tumulo ang luha ko.
Nakakatangina naman.
Sa sobrang tagal kong umiyak naabutan ko pa si Kleo na nag lalakad papunta sa kotse niya.
Papasok na sana siya ng kotse niya ng mapansin niya ang kotse ko.
papunta pa lang sana siya ng pinaandar ko na ang kotse ko at umalis.
Mabilis akong naka uwi sa bahay at paulut ulit ding nag riring ang phone ko.
Pinatay ko muna iyon upang matigil ang pag tunog at baka di ko maka tiis at sagutin ko ang tawag. Marupok pa naman ate niyo delikado.
Pumunta ako sa cr at mabilis na nag hilamos. Nakita ko ang sarili ko sa salamin namumugto na ang mata ko.
Pag katapos kong mag half bath ay di na ako kumain at gumawa na lang ng plates at ang iba pang kailangan gawin.
Habang gumagawa narinig ko ang katok sa pintuan.
Hindi ko alam kung si Ely, Isha o Kleo ba yon.
Binuksan ko ang phone ko at tinignan ang tadtad na messeges ni Kleo.
Messenges*
Kleo: Natalia?
What's wrong?
Bat ka umiiwas?
Pupunta ako sa condo mo sorry.
Marami pa siyang messenges pero di ko na iyon pinansin at nag reply.
Wala ako sa condo nakila Ely ako.
Pag katapos kong mag reply natigil ang pag kakatok o pag dodoor bell niya kaya naka hinga ako ng maluwag.
Itinuloy ko ang ginagawa ko hangang sa may tumawag saakin.
Papatayin ko sana iyon pero nakita ko kung sinong tumatawag.. Si Theo iyon.
T-teka? Pano niya nalaman number ko? Hayop yon ah.
"What?" Irita kong tanong.
"Date?" Tanong niya ulit.
"Gumawa ka na lang... sayang lang sa oras yang date na yan" pang babara ko pa.
"Tapos na ako" Agad niyang sabi.
"Kung ikaw tapos na pwes ako hindi" Pag tataray ko pa dito.
"Makaka pag antay naman ako" Narinig ko pa ang mahinang tawa niya ng sabihin niya yon.
Napa ngiti naman ako ng mapait ng maalala ang linyang iyon sinabi din yon ni Kleo eh...
Napatulala pa ako saglit bago sumagot.
"San mag kikita?" Wala pa akong nagagawang tamang desisyon pero nagulat na lang din ako sa sarili ko.
Ayaw ko sana.... pero bakit hindi.
"Yes!" Rinig kong sabi niya sa kabilang linya kaya napa irap ako.
"Wag kang umasa tanga pumayag lang ako para di kana mangulit sa date na yan" Balik ko sa kanya. Narinig ko naman ang tawa niya.
May sasabihin pa sana si Theo ng mapatay ko na ang tawag.
Nag handa na lang ako ng susuotin. Simple black backless dress ang aking sinuot at hinayaang naka lugay ang buhok ko.
Di na ako nag make up dahil di naman rebisco (Special) si Theo kaya kebels lang.
Naglagay na din ako ng salamin sa aking mata para hindi mahalata ang mugto kong mata. Nag pabango ako bago umalis sa condo.
:/
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...