Chapter 46: Gayuma

241 17 2
                                    

Nagising ako sa kayogkog ng isang lalaking naka upo sa kama ko.

"Hmm wake up....mag tatanghali na" Pag gising nito sa akin. Kaya sinamaan ko ito ng tingin saglit at muling pumikit.

"Walang pasok...ano ba...inaantok pa ako" Mahinang sabi ko dahil inaantok pa talaga ako.

"Andyan yung lalaking kasama mo nung nag grocery ka" Sabi nito kaya mabilis akong napadilat.

Lalaking kasama ko sa grocery? Si Theo?! 

"Huh?! Bakit?!Si Theo?! Anong kailangan niya?! at saka pano niya nalaman condo ko?!" Natatarantang ani ko at tatayo na sana ng hawakan niya ang braso ko.

"Si Theo lang pala mag papagising sayo.....tch...." Parang batang nag tatampong ani nito at umalis sa kwarto ko.

Huh? ano? Ibig sabihin wala talaga si Theo? Aishhh........

Imbis na mainis ay napangiti ako.

Shocks wag kang ngumiti may muta ka pa hayuf ka....umagang umaga kasi sinisimulan ako.

Pumunta ako sa cr at nag hilamos ng muka ko. 

pag katapos mag hilamos, humarap ako sa salamin na naka ngiti.

Cute mo naman pag nagagalit ka lika nga dito ihahug kita wag kanang mag tatampo~

Napa tawa ako sa sarili kong katarantaduhan bago lumabas ng banyo at salubungin si Kleo na nag hahanda ng almusal.

Almusal na tanghalian.

Naka ngiti akong umupo habang ang muka niya naman ay nananatiling naka simangot.

Parang pinag bagsakan ng langit at lupa.

Bat ang cute?! Hustisya!

Nanatiling naka ngiti ang muka kahit pa kumakain. 

Para na akong tanga pero no pakels.

"Stop smilling" Malamig na sabi niya kaya mas lalo akong ngumiti.

Tumayo ako at lumapit malapit sa kanya upang mas asarin siya.

Sinamaan niya lang ako ng tingin at ipinag patuloy ang pag kain.

Kada kain ko naman ay nginingitian ko ito at patuloy pa rin siyang inaasar.

"I said stop smilling....Nakaka asar..." Bulong pa nito pero rinig ko rin naman.

Hina mo boi.

Mas lalo ko siyang inasar kaya mas lalo siyang naiinis. 

Nyenye.

"Stop that....or else" Sabi nito at masamang tumungin sa akin. 

"Or else? What?" Pang aasar ko sa kanya. 

Mabilis niyang hinatak ang upuan ko at inilapit iyon sa kanya. Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa sobrang lapit ng muka namin!


"Or else.....I kissed you" Naka ngising sabi niya pa.

May kaba akong naramdaman pero hinayaan iyon at inasar ulit siya. 

Di ako papatalo girl scout ako dati eh. 

Ngumisi din ako at nag salita. 

"Oh really?" Sabi ko pa dito at nag kunwareng nagulat. "Prove it" Mayabang na sagot ko pa. 

Nagulat naman ako ng dahan dahan niyang inilapit ang muka ni sa muka ko! Kaya agad kong tinakpan ang muka ko gamit ang dalawang kamay.

Potragis nagbibiro lang eh!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon