Nagising ako sa ingay na tumutunog sa phone ko kaya naka pikit ko iyong kinuha at sinagot ang tawag.
[Love...] Unang bungad sa kabilang linya kaya napangiti ako.
"Hm?" "
[Gising na... Di ba 10 ang pasok niyo today?]
"ahm yes" Inaantok na sabi ko at nananatiling naka pikit.
[It's already 8:35am... mag prepare kana para di ka malate]
"Diba may klase ka ngayon bat nag pho-phone ka?"
[Nag paalam akong mag ccr...tapos don kita tinawagan] Paliwanag niya kaya muli akong napangiti.
Weeks past since nung sinagot ko siya, siya na ang nagiging alarm ko sa araw araw tinatawagan niya ako sa tuwing kailangan ko nang magising upang di malate sa klase.
"I love you"
[Pag hindi ko natiis mag cucutting ako ngayon] Pag bibiro niya pa.
Tumawa ako at umiling "Tumigil ka nga tapusin mo yang klase mo" Sabi ko dito at bumangon na.
[I love you too] Sabi niya na nag pangiti sa akin.
"Osya mag aasikaso na ako at ikaw bumalik kana sa klase mo byee"
[Bye... hintayin kita sa parking lot mamaya hm?"
"opo bye" Sabi ko dito at ipinatay ang tawag.
Kumilos na ako at nang matapos ay umalis na.
_________
"Class dismiss"
Napaunat unat naman ako ng umalis na ang prof.
"Argh mag eexam na naman" Sabi ni Theo kaya napa iling ako.
"utot mo Theo... kunwari ka pang namomorblema tapos ikaw pala yung pinaka highest score sa amin" Reklamo ko dito. Totoo naman kasi sa tuwing darating na ang exam lagi siyang nag rereklamo pero pag narelease na yung score siya ang pinaka mataas.
"Oo nga!" Sabay ng iba naming kasama sa room.
7 days na lang at mag sisimula na ang finals exam namin kaya need na naman namng mag review kung gusto naming maka kuwa ng mataas na grado.
"Pano may inspiration kaya ganyan" Sabi ng isa sa mga tropa ni Theo.
Umiling na lang ako at kinuha ang mga gamit ko para umalis.
"Tulungan kana daw ni Theo" Asar ng isa niyang kaibigan.
"No thanks" Sabi ko at kumaway.
Pag kapunta ka sa parking lot nandon na si Kleo nag aantay habang nagpipindot sa phone niya.
"Kleo" Tawag ko dito kaya napalingon ito sa akin at mabilis na pumunta.
Lumapit ito sa akin at kinuha ang mga gamit ko. "Anong sabi mo?"
"Kleo...bakit?" Tanong ko dito.
Napanguso naman siya at umiling. Ilang segundo ng magets ko kung ano ang nginunguso niya kaya tumawa ako.
"Anong nakakatawa?" Nakangusong sabi niya.
"Clingy huh" Mahina akong tumawa at piningot ang matangos niyang ilong.
"Tch" Singal niya at pinag buksan ako ng pinto para maka pasok sa kotse.
"Thanks love" Sabi ko dito at kinindatan siya.
Inirapan niya lang ako kaya muli akong napatawa.
Topak.
Tahimik lang siyang nag dadrive kaya napahigikgik ako. Ang lakas ng topak ngayon ah.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...