Chapter 67: Pillow

185 12 0
                                    

"Kleo" Rinig kong sabi ni Ethan.

Pinunasan ko ang luha ko bago ako tumingin sa kanya. Pagod ang muka nito. Gusto kong umiyak kasi ngayon ko na lang siya ulit nag kita.

"Let's talk tomorrow..." Sabi ni Ethan at sinenyasan si Ely na sumunod sa kanya. Para na rin siguro maka pag usap kami.

"Sorry Natalia...mag uusap tayo bukas hm...sa ngayon ayusin niyo muna yan" Sabi ni Ely at pumunta kay Kleo. Dumaan siya ky Kleo at may sinabi bago umalis. Di ko man lang narinig ang sinabi niya dahil bulong lang ito.

"Umuwi na tayo...lasing kana" Mahinahon na sabi nito.

Tumango naman ako. Aalalayan niya sana ako pero mabilis kong hinampas ang kamay niya.

"K-kaya ko" Pag kasabi ko non natumba ako umiikot na talaga ang paligid ko.

Inalalayan niya ako patayo di na ako umiling pa dahil nanghihina na ang katawan ko.

"P-paano mo nakakayanan Kleo hm?" Tanong ko dito at tumawa kahit naiiyak na ako.

"Lasing kana bukas na tayo mag usap...mag pahinga ka muna"

"B-bukas? Hah...tapos ano? bukas magigising ako na wala ka? tapos makikita ko yung messages mo na kasama mo ang kababata mo at babawi ka sa akin?" Pilit ngiti kong sabi. "P-paano mo nakakayanan? kasi ako kinakaya ko lang...nag kukunwareng kaya ko kasi bakit hindi? Madali lang ipakita sa ibang tao na okay ka"

"Mas lalo kang nahihilo niyan"

"Ang hirap naman Kleo..."

"Nahihirapan ka?" Mahinang sabi nito di ko makita ang reaction niya dahil di ko na kayang idilat ang mata ko.

"Oo...pero kahit nahihirapan ako...hinahayaan ko yung hirap na yon kasi m-mahal kita eh" Naramdaman ko na lang ang pag tulo ng luha ko. "Ilang linggo kang wala sa condo...nakatira ka doon pero di ko ramdam ang presensya mo"

Naramdaman ko na lang ang pag upo ko sa kotse. Nakapikit na lang ako dahil mas nahihilo ako pag idinidilat ko ang mata ko mas ramdam ko ang pag ikot ng paligid ko.

"Mahal kita Kleo...p-pero di ko maiwasan isipin na kaya mo rin akong lokohin...feeling ko may araw na mag fa-fade na ang nararamdaman mo sa akin" Ngumiti ako dito kasabay ng pag tulo ng luha ko at doon na ako nakatulog.

----
Nagising ako at nagulat ng may matamaan ako. Si Kleo iyon mahimbing na natutulog at naka higa sa tabi ko habang nakayakap sa bewang ko.

Mabilis akong napahawak sa ulo ko ng sumakit iyon.

Muli akong humiga at humarap sa kanya.

Naluluha ako dahil namiss ko ang lalaking ito.

Hinawakan ko ng dahan dahan ang kanyang makapal na kilay at bumaba sa matangos niyang ilong at sa kanyang mapulang labi. Ni hindi man lang siya nagising sa ginawa ko...anong oras ba to natulog kagabi? alas dose na ng tanghali pero tulog pa rin ito. Sabagay pagod ito.

I placed my lips on his lips and kissed gently...I was shocked when he kissed me back! Akala ko ba tulog?!

"I'm sorry" Bungad nito sa akin.

Natandaan ko na nag tatampo pa pala ako sa kanya kaya tumayo ako sa kama pero mabilis ding napahawak sa ulo ng maramdaman ko na naman ang sakit.

Mabilis siyang naka alalay sa akin. Napa singhap ako ng maramdaman ang lapit ng muka niya sa akin. Kainis naman kitang nag tatampo ako! Bat ang unfair!

He held my chin and kissed me... We've stayed in that position until he stopped.

"oh, tubig ang kailangan mo not this" Turo niya pa sa labi niya at mabilis na umalis sa kwarto upang kumuha ng tubig.

"Wala na...talo na naman ako" Kagat ko ang labi ko habang naka tingin sa bintana.

"Here...love" Abot ng tubig nito sa akin.

Di ko pinansin ang tubig na hawak niya at yumakap sa kanya.

"Hindi ko kaya...I miss you" Sabi ko at umiyak sa dibdib niya.

"I miss you too and...I'm so sorry" Sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Babawi ako ngayon let's have a date" Inangat ko ang tingin ko kay Kleo at napa ngiti nang nakangiti ito sa akin. Tumango ako at muling yumakap sa kanya. Namiss ko ang bango niya...namiss ko ang lahat.

_____
Naging maayos kami nang tatlong buwan pero nanlabo ulit ang lahat...nanlamig...kahit mag kasama kami di ko mapansin ang pag dapo ng tingin niya sa akin, walang nag sasalita para kaming hindi mag kaayos pero wala namang dahilan. Kung noon mabilis namin maayos ang tampuhan o away namin pero ngayon walang kumikibo sa amin...walang may balak.

Nanlulumo ako...pakiramdam ko kasalanan ko. Nagulat na lang ako isang araw pag kagising... para kaming nawalan ng koneksyon sa isa't isa.

Ilang beses ko siyang sinubukan kausapin pero lagi na lang tumatawag sa kanya si Mara.

Ansakit kasi nakikita niyo ang isa't isa pero parang wala lang.

Kung tatanungin niyo ako kung pano ko nakayanan? Pinanghawakan ko yung sinabi niyang mahal niya ako kahit hindi ko na ramdam.

Natatakot ako na baka sa araw na lumapit siya sa akin...ay hindi para maki pag ayos kung di ang tapusin ang relasyon na meron kami.

ilang buwan na kaming ganito...kaya di ko maiwasan na baka nga gawin niya iyon.

Ilang linggo na lang din at mag aapat na taon na ang relasyon namin.

Don ko din napag pasyahan na isuprise siya at para na rin mag kaayos kami.

Hindi ko pinasabi kila Ely at Isha tungkol sa takbo ng relasyon namin ni Kleo. Magiging iisipin pa nila yon at may kanya kanya rin silang problema at ayaw ko nang makadagdag doon.

_____

Nag hanap ako ng magandang resturant para doon mag date at doon na rin namin pag handaan ang anniversary namin.

Dalawa ang nararamdaman ko kaba at excitement. Feeling ko may magiging problema pero inaalis ko iyon sa isip at iniisip na magiging maayos ang lahat...sana.

Habang nag titingin ako ng magandang pang regalo sa online shopping narinig ko ang pag bukas ng pinto kaya agad kong inalis ang pag titingin ng regalo.

Naka yuko na naman ito kadalasang ginagawa niya sa tuwing umuuwi.

Mabilis akong pumasok sa kwarto. Dahil baka doon niya maangat ang ulo niya pag wala ako...at tama nga...inangat niya iyon at dumaretsyo sa kusina.

Tuluyan ko nang isinara ang pinto at napa hawak sa dibdib. Ramdam ko ang pag kirot nito. Kinagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang pag iyak hanggang sa malasahan ko ang dugo nito kaya itinigil ko na lang din.

Isinubsob ko na lang ang muka ko sa unan para doon umiyak.

Gabi-gabi nababasa ang unan na ito dahil sa mga luha ko.

____
__________

:<

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon