Chapter 20: Call (2)

320 21 1
                                    

Ihinatid ako ni Kleo sa bahay dahil nga may kotse siya kaya mas mabilis daw kaming makaka uwi. Pumayag naman ako  kaya nandito na ako sa bahay.

"Oh honey! Kain kana" Pag yaya sakin ni Mom.

"Ahh... Ano kasi Mom kumain na kami ni Kleo sa labas" Alinlangang sabi ko dahil alam kong aasarin niya na naman ako.

"Kaibigan daw pero nakain sa labas" Bulong ni Mom na rinig na rinig ko.

"Mom! Bumawi lang siya kasi nga inalagaan ko siya nung may sakit siya! saka nung
n-nilutuan ko ng lugaw. kaya ganun" Naka ngusong paliwang ko kay Mom.

Tumawa naman siya "I'am just kidding. Sige na mag pahinga ka na aantayin ko na lang si Dad mo dahil lalabas daw kami" Sabi naman ni m
Mom.

"Weh? Mamaya magulat na lang ako may kapatid na ako ha" Pang aasar ko.

Namula naman si Mom "Heh! Ayaw kong mag karoon ng pangalawang anak na lampa" Pang aasar ni Mom pabalik sakin.

Natawa naman ako at tumawa rin si Mom. Ganto ang laging bonding namin. Tamang tawa lang.

---------

Nag half bath ako pag ka pasok ko kaagad sa kwarto.

Binilisan ko lang ang pagligo dahil na aalala ko nanaman ang muka ng napanood naming movies!

Nakakainis dahil pumayag ako!

Kung sa iba panigurado lalayasan ko yun! Nag tataka ako bat ako pumayag ng ganun ganun lang? letche!

Tinakpan ko tela ang salamin pag ka tapos kong maligo dahil nag lalaro sa isip ko yung nakakatakot na muka doon sa pinanood namin!

Feeling ko may biglang sisilip sa salamin at bigla akong sakalin! Huhu kasalanan mo to Kleo!

Humiga na ako sa kama ko at tinakpan ng kumot ang buong katawan ko. Gusto ko pa sanang mag stay sa veranda dahil yun ang lagi kong ginagawa pag gabi. Kaso naiimagine ko na may naka tayo dun at bigla akong gugulatin! Letche.

Pilit kong ipinikit ang mga mata ko kahit hindi naman ako makatulog dahil sa mga binubuo ng isip ko. Ito ang nagiging epekto sa akin pag nanonood ako ng nakakatakot eh.

Ayaw ko tuloy igalaw ang katawan ko.

Maya-maya pa tumunog ang cellphone ko na ikinagulat ko. Tinignan ko naman kung sino yun at agad na kumulo ang dugo ko ng makita ko ang pangalan. Kleo.

Dahil sa kanya nag kakaganto ako. Kung di lang ako pumayag edi sana di ako ganto.

Tinangap ko ang tawag at huminga ng malalim para sermonan siya.

*Call

"Hoy ikaw!" Sigaw ko sakanya sa telepono.

[Hmm?] Inaantok na ani niya.

Nanlambot naman ako dahil sa boses niya. AhHhHh bat ang kasi ang husky ng boses niya! arghh nakaka-inis.

Ano na natali! wala kang magawa no? sabi ng isip ko.

[Hey what's wrong?] Muling sambit niya nanaman.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Ikaw? b-bat ka napatawag?"Nauutal na sagot ko.

[Baka kasi di ka makatulog?] Nalilitong saad niya.

"H-ha? Ano... okay lang ako" Naiilang na ani ko.

Tinignan ko ang buong paligid ng kwarto ko. Wala namang nakakatakot siguro makakatulog din ako maya-maya.

May anino namang akong nakita pag ka tingin ko sa kurtina ng veranda. Napasigaw naman ako dahil dun.

[Hey! bat ka na sigaw] Sabi niya na may pag kataranta sa boses.

Dahan dahan akong pumunta sa veranda at sinilip kung ano iyon.

Hays yung upuan ko lang pala na may nakalagay na books at may Sumbrero na nag mistulang taong naka upo. Letche ganto epekto sa akin pag nanonood ng horror movie eh!

[Hello? natalia?]

"Ahh sorry akala ko may tao sa veranda. Ikaw kasi eh sabi ko sayong wag tayong manonood dun kasi ganun yung epekto sakin! tapos tinawanan mo lang akong kingkong ka! akala mo nag bibiro ako! kanina pa ako nababalisa!" Sermon ko sa kanya. Di na kaya ng pasensya ko. Kahit gwapo pa siya....... w-what?! sinabi yun ng isip ko? Letchugas.

[Sorry akala ko nag bibiro ka lang eh] Sa boses niya pa lang alam ko nang naka nguso siya.

Napa-ngisi naman ako sa naisip.

"oh? talaga? edi sana una palang d-" Di ko na natuloy ang sasabihin ng mag salita siya.

[Kantahan na lang kita? tapos bati na tayo?]

"Kanta ka mag isa mo!"

[Bala ka jan kakantahan talaga kita]

"Lolo m-"  Di ko na natuloy ang sasabihin ng sinimulan niya na ang pag kanta.

[I don't wanna see you cry... hmmm] natahimik naman ako.

[You don't have to feel this emptiness
She said I love you till the day that I die]

Kahit sa cellphone pinong pino ang boses niya.

[Well maybe she's right
'Cause I don't wanna feel like I'm not me
And to be honest I don't even know why
I let myself get down in the first place]

Mabilis na nag init ang pisnge ko kaya tinago ko ang muka ko sa unan kahit di naman kami naka video call.

[Tryna keep my mind at bay
Sunflower still grows at night
Waiting for a minute till the sun's seen through my eyes]

[Make it down down, do-do-down
Diggy dig down, du du du
Waiting for a minute till the sun's seen through my eyes]

"Oo bati na tayo" Pabulong na ani ko di ko sure kung narinig niya iyon.

Patuloy ang pag kanta niya hangang sa makatulog ako.

:)

Please don't forget to vote and comment! Thankyouu!!!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon