Chapter 43: Grocery

226 22 0
                                    

Ng matapos kaming manood ay umalis na sila Isha at Ely. 8:00pm na rin kasi kaya mas mabuting mas maaga na silang makauwi.

Napahiga naman ako sa kama ko at patuloy iniisip kung ano nga ba ang nararamdaman ko.....para kay Kleo.

Una....Kinikilig ako.....pangalawa nagagalit ako sa tuwing di niya ako pinapansin at....... pangatlo nag tatampo ako sa tuwing may kasama siyang iba lalo na pag babae iyon....... Pang apat n-namimiss ko siya!

Arghhhhh.

Napa takip ako ng unan at nag paragulong sa kama ko.

I.....t-think gusto na siya?

Ewan ko.......huhu ang gulo.

Puntahan ko kaya siya ngayon?.....

Tama puntahan ko siya. Tapos pag may epekto sa hart ko yon nga oo. Talino ko talaga minsan...eme

Nag suot ako ng jacket at nag dala ng panyo dahil baka malamig sa labas at para na rin may dahilan ako naisasauli sa kanya.....

Malayo layo din ang condo ni Kleo kaya gagamit na ako ng sasakyan.

Ilang minuto ang binayahe ko bago ako makapunta sa condo niya.

Ipinark ko ang kotse ko pag katapos.

Nakita ko naman ang anino ni Kleo....papauwi pa lang ata siya..... at may k-kasamang iba?

Sinundan ko naman sila patago.

Habang sinusundan sila nakaramdam ako ng kirot sa puso.... ano to?

Narinig ko naman ang tawa ng babae habang kausap si Kleo.

"Loko ka talaga" Sabi pa ng babae at hinampas ng mahina ang braso ni Kleo.

Hmp.

Tumawa naman si Kleo ng pilit.

Sayang lang pinunta ko dito. Nakaka pota.

Dahan dahan na akong tumalikod at pumunta sa parking lot naramdaman kong may nalaglag ngunit hinayaan ko na iyon.....Masyadong mabigat ang pakiramdam ko.

Sumakay na ako sa kotse at pinaandar iyon.

Ilang minuto ulit ang nakalipas ng maka uwi ako sa condo. Kinakalkal ko naman ang Jacket ko upang kapain doon ang panyo na dala ko.....ngunit.....mabilis nanlaki ang mata ko na mapagtantong iyon ang nahulog kanina.....

Shutangina naman panyo pa naman yun ni Kleo.

Napasinghap na lang ako at hinayaan iyon.

Humiga ako sa kama at pumikit.

Gusto ko ba siya? Oo gusto ko siya.

pero iwas na lang din siguro ako....kaya pala di rin siya pumunta sa akin dahil kasama niya ang babaeng iyon.

Okay lang di naman masakit.....parang kagat lang ng dinosour.

Napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang ala-ala namin sa tuwing mag kasama kami.

Lintek naman oh! Nag mumuka akong broken eh!

Antagal ko ring di nakatulog dahil sa nasaksihan ko....at labis akong nasaktan doon.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog.

----

Gumising ako ng masama ang loob dahil pa rin sa nangyari kahapon.

Kainis siya! Kung ayaw niya akong pansinin pwes di ko rin siya papansinin at mas malala pa don di ako mag oonline at di ko na siya kukulitin!

Napa simangot naman ako ng makita ang laman ng ref.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon