Chapter Seven

24 2 0
                                    

Adri's POV

"Adri si Janna? Kasama mo ba?" agad na tanong ni Justin sakin pagkalabas ko ng ladies washroom. Sinundan pala nila kami dito. And oo, kasama ko nga si Janna na nagpunta dito kaso nauna na syang umuwi. Parang nagmamadali eh.

"Wala na si Janna. Nauna ng umuwi." Simpleng sagot ko tsaka lumapit kay Luke.

"Anong wala na? Umuwi na? Bakit daw?" tanong nya ulit.

"Ewan k-" di ko na natapos yung sasabihin ko sa kanya ng biglang magbeep yung phone ko. Agad kong tinignan kung sino yung nagtext and it's Janna.

It's says..

From: Janna Villamayor

Adri.. pasensya na kung nauna ko. I need to hurry to our company eh. Ikaw nalang bahalang magsabi sa kanila. Thanks J

Alam kong di lang yun ang dahilan kung bakit sya nagmamadaling umalis kanina. Pero hinayaan ko nalang. Oo mausisa akong tao pero alam ko pa din naman yung salitang 'PRIVACY' at 'RESPECT'. Kapag naman alam kong ayaw sabihin sakin ng isang tao yung isang bagay di ko naman na pinipilit pa.

I replied..

To: Janna Villamayor

No prob. Ako ng bahalang magsabi sa kanila. See you tom Janna! J

"Oh ano.. si Janna ba yan?" medyo nagulat pa ko ng biglang magsalita si Luke na katabi ko lang.

"Oo. Sabi nya may kailangan daw syang attendan na meeting sa company nila kaya pasensya na daw kung di sya nakasabay satin." Sagot ko.

"Ay nag-usap nga pala kayo ni Janna kanina diba? Ano? Alam mo na ba kung bakit sya umiyak kahapon?" tanong maya-maya ni Just sakin.

"Ah..oo. Nakapag-usap kami kanina. At nasabi nya sakin kung bakit. Sabi nya hindi palang daw kasi sya nakakamove on kay A-" nahinto ako sa pagsasalita tsaka ko natutop ang labi ko. Naman oh! Strike two na eh! Me and my big mouth! -_-

Pareho silang napatingin sakin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.. patay!

"Huh? Ano yung sinasabi mo tungkol kay Janna?" agad na usisa sakin ni Just.

"H-huh? W-wala ah!" nauutal pang depensa ko.

"Wala? Parang may nabanggit kang word na move on eh." Sagot ulit sakin ni Just na nakakunot na ang noo.

"W-wala nga! Guni-guni mo lang yun. Tara na nga Luke. M-marami pa pala kaming gagawin ni mama." Aya ko kay Luke na ngayon ay kasalukuyang nakatingin lang sakin but more on panghihingi ng saklolo.

"Teka lang.. sino yun? Yung dapat na sasabihin mong pangalan?" my jaw dropped. Ano yun? Di talaga ako yung tinulungan? Ang sarap isagaw 'EXCUSE ME! GIRLFRIEND MO KAYA AKO!' -_-

"W-wala nga yun! Ang kulit nyo! Mauna na nga ako! Bahala kayo dyan!" sabi ko tsaka na naglakad. Ayan! Ganyan nga Adri.. wag mong sabihin sa kanila. Gusto mo bang masira yung tiwala sayo ni Janna?

"Hey Adri.. c'mmon.. alam kong may alam ka." Si Luke matapos nilang makahabol sakin.

"Luke please kahit ngayon lang wag nyo kong pilitin sabihin kung ano man yun." Sabi ko sa kanya. Nagpuppy eyes pa ko!

"Adri naman! Sabihin mo na kung ano yun! Gusto mong di ako makatulog kakaisip lang dun? Tsaka may utang ka pa samin eh! Eto nalang yung gawin mong pambayad." Lalong nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Just. Utang?!

"Anong utang? Wala akong utang sa inyo! Kakabayad ko lang ah?!" wala naman talaga kong natatandaang umutang ako sa kanila noh!

"Hindi pera.. yung kanina. Iniwan mo kaming dalawa ni Luke sa ere!" sagot nya ulit.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon