Chapter Seventy Seven

8 1 0
                                    


Ara's POV


"Ms. Ara, okay na po ang lahat." sabi sakin ng isa sa mga staff ko pagkalapit nya sakin.


I can't help but to heave a huge sigh of relief and a big smile while I am looking at Allen and Samantha. They are now happily chatting with their friends and families.


Finally! Lahat ginawa ko for this wedding to work our well! Pati professionalism ko, isinali ko na kaya ganun nalang yung stress ko kanina nang malaman kong nawawala si Samantha at waa ni isa sa mga kaibigan at pamilya nila ang makacontact sa kanya.


Buong akala ko talaga sira na yung plano namin ni Allen na maingat naming pinagplanuhan simula palang nung umpisa.


Mabuti nalang at mabilis akong nakaisip ng paraan. And everything went smoothly.


And of course, after this wedding sigurado akong mas magiging kilala akong wedding planner. Why not? Ako lang naman ang wedding planner ng isa sa mga mayaman at maimpluwensyang pamilya dito sa bansa kaya talagang isinugal ko ang lahat para dito.


At oo, wedding planner ako. Hindi ako anak ng isang mayaman, wala akong lolo na ang huling hiling ay makita akong ikasal, at lalong hindi kami magpapakasal ni Allen para maisalba ang kumpanya nila.


And I must say, sa lahat ng kasal na inayos ko, yung sa kanila ang pinakahassle, challenging, at nagpasakit talaga ng ulo ko pati ng pride ko! Samantha is a tough cookie. Talaga namang nahirapan ako sa kanya.


But I am grateful because Allen chooses me as their wedding planner. This wedding is a big break for me.


I looked at the newlywed once more, they are so happy and in love. I know their story, naikwento sakin ni Allen. And I am happy for them for winning the battle. I inspire to be like them. One day, mahahanap ko rin yung para sakin.


Allen's POV


"Ladies and gentlemen, let's now watch how the groom planned this grand and wonderful wedding! Let's enjoy this short video clip."


Napatingin kaming lahat sa malking screen to watch the video. And of course, while watching it, everything flash backs to me since day one.


*Flashback*


"I'm going home in a few days! I'm finally going home to you." masayang anunsyo nya sakin nung minsang magkausap kami via video call. Halata sa maganda nyang mukha ang pagod pero kitang-kita ko ang saya sa mga mata nya.


Simula nun, hindi na ako napakali kakaisip kung paano ko ba sya mapapasaya. She's coming home after six long months. Six months na kinailangan nyang magpuntang New York para sa business nila. Kung hindi nga lang nagkaproblema sa MCC ay susundan ko sya sa New york kahit ilang linggo lang. Kaso nagsabay kaya wala kaming ibang choice kundi ang magtiis sa long distance relationship kahit na hindi kami sanay.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon