Chapter Forty Seven

19 1 1
                                    


Justin's POV


I'm late.. no I was late. Too late. Hindi ko naman alam na hindi ako makakaabot. Kalkulado ko ang lahat. Aabot dapat ako. But unfortunate happenstance came. Nagkasunud-sunod. Nagkasabay-sabay. Hanggang sa mahuli na ko at hindi na makaabot.


I was wrong. Akala ko kasi okay lang kahit na sumama ko sa Basketball clinic ng University namin sa Laguna. Akala ko okay lang sa kanya. Akala ko ayos lang sa kanya na hindi ako ang maging escort nya. Akala ko okay lang sa kanya na hindi ako yung makapareha nya sa sayaw.


She was fuming.. for sure. I disappoint her. I broke my promises. I gave her false hope. I let her expect. Let her down. I hurt her.


And it was all my fault. All my fault. I shouldn't made a promise. I should've make her my priority that day. Adri's right. I was supposed to be on her side last night. I was supposed to be the one who appreciated her. I should've made her feel special. But I let her be with him, instead.


Nung nakita ko syang nakangiti kasama si Allen. Nakaramdam ako ng takot at kaba. Takot na baka isang araw bigla nalang syang mawala sakin. Kaba na baka dumating yung araw na bumalik yung nararamdaman nila sa isa't isa. At ayokong mangyari yun.


That's why I'm here. In front of their house. Magsosorry ako sa kanya. At gagawin ko ang lahat mapatawad nya lang ako. Kung kinakailangang ligawan ko sya ulit, suyuin ko sya ulit, gagawin ko. If that's the only way for her to forgive me.


Huminga na muna ko ng malalim bago ako pumasok sa loob. Kilala na naman ako ng mga guard dito kaya di na ko nahirapang makapasok.


Agad din nila kong pinatuloy sa loob.


"Oh, Hi kuya Justin! Hinahanap mo ba si ate?" tanong sakin ni Yesha nang makita ako nitong nakaupo sa may salas nila.


"Ah, oo eh. Gising na ba sya?" sagot ko.


"Ay, hindi ko alam. Hindi pa kasi sya umuuwi dito eh. Hindi sya dito natulog." diretsong sagot nito sakin.


"G-ganun ba? Hihintayin ko nalang sya dito."


"Gusto mo ng maiinom? Juice? Coffee? Water? Tea?" alok nito sakin bago sya umupo sa tabi ko. Ngumiti lang naman ako.  "Bakit nga pala wala ka kagabi? Sayang ikaw lang ang wala dun." tanong nito sakin. Lalo tuloy akong naguilty.


"Mahabang kwento eh. Ang daming nangyaring kamalasan samin kahapon. Pasensya na ah?"


"No. Wag ka saking magsorry. Kay ate." and right after she said that, narinig na namin ang boses ni Janna.


Mukhang may kasama, nagtatawanan sila eh.


Pareho silang natigilan nang makita nila kaming dalawa ni Yesha na kasalukuyan lang ding nakatingin sa kanilang dalawa.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon