Sammy's POV
Dala ang mga bulaklak na pinitas ko sa garden ni Lola, tahimik na tinahak ko ang daan papunta sa private room ni Allen. Alas-sing ko nan g hapon. Ngayon lang ulit ako nakabalik dahil nangako ako kay Adri na magrereview kami kanina. Alas-kwatro nan g makaalis ako ng bahay. Nagpaalam na rin ako kila Mommy na sa hospital na magpalipas ng gabi. Ang sabi ko, bukas na ako ng hapon uuwi. Puamayag naman sila sa kondisyong lagi ko silang tatawagan o kaya naman ay itetext kung ano ng ginagawa ko o kung kumusta na si Allen. Nag-aalala din sila sa nangyari. Gusto nga sanang sumama ni Yesha kaya lang ang sabi ng Mommy, bukas nalang daw sila dadalaw.
Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto tsaka ako pumasok. Pagpasok ko ay agad akong nalungkot nang Makita ko si Allen na wala paring malay. Isang buong araw na ang lumipas. Hindi parin sya nagigising. Lalo akong natatakot sa maaaring mangyari.
"Sammy." Kaye acknowledge my presence.
"Sila Ren? Si Nikki?" tanong ko matapos ko silang ngitian lahat.
"Umuwi na muna. Actually, kanina pa kami ditong umaga. Nagpahinga na muna sila."
"Si Nikki naman tinawagan na ata sila tita. Kaya kami muna ditto."
"Pero uuwi din kami maya-maya. Alam mo na, lahat naman tayo may final exams pang haharapin."
Marco, Casey and Tyrone said respectively.
"Kumusta pala yung MRI kanina na ginawa kay Allen? May resulta na ba? Anong sabi ng mga doctor?" tanong kong muli habang inaayos ko ang mga bulaklak na dala ko.
"Okay naman. Maayos naman. Wala naman daw silang nakitang trauma o kung ano man." Medyo nakahinga ako ng maluwag sa narinig kong sinagot sakin ni Kaye.
Mabuti naman.
"Pero alam nyo, ang hindi ko lang magetsiwa, bakit hindi parin nagigising si Allen? Kung talagang clear na at wala ng ibang problema, diba dapat gising na sya?" kunot-noong tanong ni Casey maya-maya.
May punto sya. Dapat ngayon ay gising na nga si Allen kung talagang okay na. Pero bakit hanggang ngayon wala parin syang malay?
"Magigising din yang si Allen. Tatlong araw naman yung binigay ng doctor diba? Gigising din yan bukas. But for now, hayaan na muna natin syang magpahinga." Sagot naman ni Marco.
Well, mas magandang isipin yung sinabi nya. Mas magandang paniwalaan na gigising na sya bukas.
"Sana.." punung-puno ng pag-asang sabi ko tsaka ako naupo sa upuan sa gilid ni Allen.
Nagkwentuhan pa kami ng ilang sandali hanggang sa napagpasyahan na nilang umuwi na. Hihintayin sana nilang dumating muna sila Ren kaya lang alas-sais na. Madilim na din sa labas at baka maipit pa sila sa traffic. Pero sinigurado muna nilang okay lang akong maiwan mag-isa bago sila umalis lahat.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...