Sammy's POV
We're on our way now to Bulacan. My Mom's hometown. Kung saan sya lumaki. Where we've decided to spend the holidays and the rest of our vacation.
Well, the original plan is we're going to spend it in New York or in Japan or in Italy like what we used to every Christmas but our relatives on my Mom's side requested to have a mini reunion so my Mom and Dad agreed.
Marami pa naman daw time at breaks na pwede kaming mag out of the country. Besides, ang tagal na din ng huli kaming magpunta ng Bulacan. Last year pa ata. Dun kami nagcelebrate nun ng new year.
Actually, wala naman kila Mom and Dad ang talagang taga-Manila o lumaki sa Manila. Dun lang nila napagdesisyunang tumira dahil mas malapit sa company. Para daw hindi na hassle.
My Mom's from Bulacan, like what I've said. While my Dad's from Laguna.
At dahil medyo matagal-tagal pa naman bago kami makarating sa bahay well, ancestral house nila Mommy, ay napagpasyahan kong umidlip muna. Idlip lang. O kaya naman pumikit nalang kung hindi ko talaga magagawang matulog. Just to relax.
Kaya lang, bwisit yung kapatid ko. Alam nyo yung nakaheadset na nga sya, nakafull volume na.. yung maririnig mo yung pinapakinggan nya, tapos sinasabayan pa! Hindi bale sana kung mahina eh.. pero hindi.. sobrang lakas!
"Hoy Ayesha Divina! Baka gusto mong hinaan ang boses mo? Hindi lang ikaw ang sakay ah? Baka nakakalimutan mo!" saway ko na sa kanya.
Pero ang babae, tinignan lang ako tsaka ulit kumanta.. take note, mas malakas pa kesa sa kanina.
"It would be nice to have you in my life
Would there be a chance for you to give it a try
It would be the best day of our lives
Imagine you and me, together eternally"
"Ugh! Yesha!"
"You two! Ano na namang pinagtatalunan nyo? Natutulog ang kuya nyo sa likod! Ano ba kayo?" saway na samin ni Mommy.
"Sorry Mom. Pero kasi si Yesha eh." agad na hingi kong paumanhin.
"Whutt? Ako na naman? Ikaw kaya 'tong nangingialam sa ginagawa ko. Mom, nananahimik ako dito." agad na depensa nya.
"Nananahimik eh ang ingay-inga mo nga! Makikinig lang ng music kailangan sinasabayan pa.. tapos ang lakas pa ng boses." naiinis na sabi ko.
She was about to fire-back again when our Mom spoke again.
"Alam nyo, tumahimik nalang kaong pareho. Sam, wag lahat pinapansin. And Yesha, hinaan mo naman yung boses mo. Your ate's right. Hindi lang ikaw ang tao dito. Isa pa, kapag nagising mo ang kuya mo, lagot ka dun. Isa pa, wag na wag kayong mag-aaway ng ganyan mamaya ah? Please lang! Sa bahay nyo na gawin yan pagtatalo nyo! Mahiya kayo sa mga relatives natin dun. Ang lalaki nyo na!"
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...