Justin's POV
"Wag mo nang isipin yun. Ahm.. siguro nanibago lang si Janna. Magiging okay din kayo ulit." Pag-alo sakin ni Adri habang tinitignan namin ang papalayo ng sasakyan nila Janna.
"Oh ano? Tara? Tuloy ba tayo?" tanong naman maya-maya ni Luke.
"Hindi. Kaya lang naman ako nag-aya kanina para makausap ko si Janna eh. Since di naman sya pumayag, wag na. Magdate nalang kayong dalawa." Sagot ko naman.
"Tignan mo 'to! Tss. Tara na nga Adri, iwan na natin yang panget na yan! Palibhasa kasi basted eh! HAHAHA" pang-aasar sakin ni Luke na di ko nalang ininda.
"Tch. Nang-aasar ka pa eh. Tara na. Just, pag kaylangan mo ng kausap, tawagan mo ko. Wag mong tawagan 'tong mokong na 'to. Walang kwenta 'to kausap eh." Sabi nya na tinanguan ko nalang.
Kagaya kanina, pinanuod ko din muna silang makalayo.
Hays! Ano bang gagawin ko? Iniiwasan ako ni Janna. Hindi ko naman alam kung bakit.
I wanna talk to her to clear things out. Baka kasi mamaya, may nagawa na pala kong mali kahapon eh kaya sya umiyak.
Isa pang nakadagdag sa isipin ko eh nung sumama sya kay Marco. I mean, oo given na kaibigan yun ni Monteclaro pero, diba dapat mas sakin sya nakinig kesa dun?
Pero paano naman nya ko pakikinggan kung mukhang kasalanan ko kung bakit sya umiyak kahapon.
Akala ko pa naman talaga, magugustuhan nya. Akala ko nung tumulo yung luha nya kahapon, sign yun na natutuwa sya. Pero iba yung nakita ko sa mga mata nya kahapon eh. Puno ng sakit.
Paano ko ba sya makakausap? Gusto kong mag-sorry sa kanya pero pano ko gagawin yun kung pati text at tawag ko di nya pinapansin?
Naisipan kong dumaan muna sa isang coffee shop malapit sa bahay namin. Dito na muna siguro ako.
Bumili nalang muna ko ng latte at tsaka ako naupo sa isa sa mga bakanteng upuan.
Kasalukuyan akong nag-iisip ng paraan ng makarinig ako ng pamilyar na boses.
Agad akong lumingon papunta sa may counter. And shoot. Si Irene. Yung isa sa best friend ni Janna. Tulad ko, mag-isa lang din sya.
Hmm.. tama! Baka matulungan nya ko.
I waste no time, I immediately call her the moment she got her order.
"Irene."
Irene's POV
"Irene, san tayo?" napalingon ako ng may biglang magsalita sa likod ko. Kasalukuyan akong abala sa pag-aayos ng gamit ko.
"Anong saan tayo?" kunot-noong tanong ko din sa kanya.
"Eh diba, may tuitor session tayo??" sagot nya naman.
"Wala Joshua. Saturday ngayon. Monday-Friday lang ang usapan natin diba?" sabi ko naman tsaka na isinukbit ang bag ko.
"Eh, saan ka pupunta?" tanong nya ulit.
"Basta. Sige na mauna na ko. See you on Monday!" sabi ko tsaka na umalis. Narinig ko pang tinawag nya ko pero di ko nalang pinansin.
Saan nga ba ko pupunta? Kila Sammy. Tama. Ewan ko, para kasing may hindi magandang nangyari eh. Bigla kasi kong kinabahan kahapon ng maalala ko sya. Kaya para makasigurado,pupuntahan ko na sya.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Ficção AdolescenteThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...