Chapter Seventy Two

8 1 0
                                    


Sammy's POV


"I'm sorry, what?!" gulat na tanong ko kay Allen. Baka kasi namali lang ako ng narinig.


Nandito kami ngayon sa condo ko. May pag-uusapan daw kami at hindi ko naman alam na iyon na pala yung sasabihin nya.


"I want you to step out as Ara's maid of honor and at the same time, I want you to let me go. Let go of what we have. Please. I'm begging you." pag-uulit nya. So hindi ako nagkamali ng rinig.


I looked at his eyes. He's pleading. Hindi ko magawang makasagot. Bihira syang magmakaawa pero kapag nagmakaawa na talaga sya at kita mo na yung desperation, ibig sabihin seryoso na sya. Pakiramdam ko biglang kinapos ako ng hininga.


Ayoko. I don't want to let go. Maibibigay ko yung hindi ko na pagmemaid of honor. Pero yung bumitaw? Hindi ko kaya. He's asking me to let go of him but I can't do that. How can I? I love him so much. I love him too much, it hurts. Pero okay lang sakin yon. Ang mahalaga, kami parin diba?


Gustong-gusto ko ng umiyak pero pinili kong huwag na muna. Walang magagawa ang pag-iyak ko.


"W-why? Hindi mo na ako mahal? Pagod ka na? Sumusuko ka na? Ayaw mo na?" sunod-sunod na tanong ko.


Ang sakit, wala akong makita sa mga mata nya kundi awa.


"Sammy, I love you. At sa mga panahon na magkasama tayo, I saw how you love me. No one ever loved me the way you did. Palagi mo akong pinaglalaban. At ang sakit sakin na hindi ko magawa yun for you. I don't want you to suffer. Please choose the other route. Wag mo ng pahirapan yung sarili mo."


Napailing ako.


"Allen, you know that I love you, right? I love you so much. At walang kahit na anong sakit yung makakapagpasuko sakin. Hinding-hindi ako mapapagod. That's how big my love is for you." I said then took a step towards him but he stepped back.


"Sam, please. Just do the right thing. Let go. May mga bagay na mas okay na bitawan kaysa hawakan natin ng mahigpit. Nasasaktan ako kapag nakikita kong nahihirapan at nasasaktan ka. So please stop this madness. Lahat sila, sinasabihan ka ng tanga. Pero hindi ka naman ganun. I want you to prove to them that you're not; that you know what is right and you will do it. Please?" pangungumbinse pa nya.


"Wala akong pakialam sa sinasabi nila. Ang mahalaga naman yung tayo hindi ba? You're mine. Sinabi mo sakin na hindi na tayo magkakahiwalay hindi ba? Gagawin mo ang lahat wag lang taying maghiwalay. You promised that yourself!!" puno ng hinanakit na sabi ko.


"And promises are made to be broken. I'm sorry. Tama na, please. Alam kong pagod ka na. Maawa ka naman sa sarili mo. Hindi lahat ng laban, dapat mong ipaglaban at ipanalo. Hayaan mong ako ang lumaban this time. Piliin mo naman yung sarili mo. Alalahanin at isipin mo naman this time yung sarili mo." he continuously said. Nagpapaalam na sya sakin, nararamdaman ko.


"But Allen..."


"Pasensya na sa lahat ng nagawa at nasabi ko. I guess, I am also a jerk who don't know how to keep his promise? I want you to be happy, Sam. Alagaan mo yung sarili mo. And always choose yourself over anyone and over anything." huling sabi nya tsaka sya tuluyan ng tumalikod at lumabas ng unit ko.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon