Sammy's POV
Sira--sirang gamit, karton na nagsisilbing higaan, isang maliit na gasera, magulong kabahayan ang bumungad samin ni Allen sa loob.
Alam ko sa mga napapanuod ko, maliit lang talaga ang mga bahay sa squatter areas. Pero hindi ko alam na ganito pala kaliit. Feeling ko talaga hindi ako tatagal dito. Sa sobrang sikip at gulo dito sa loob. Feeling ko masosuffocate ako.
"Pasensya na po kayo. Talaga pong maliit lang 'tong tinutuluyan namin. Madumi din po." nahihiyang sabi ng babaeng nagpapasok samin.
"Hindi okay lang." sabi naman nitong katabi ko na abala rin sa paglilibot ng tingin.
Well, wala naman talaga kaming magagawa eh.
"Upo ho muna kayo." muling sabi nito.
Muli naman kaming nagkatinginan ni Allen. Saan kami uupo? Walang ni isang silya. Isa pa, may bata pang natutulog sa lapag kaya paano kami makakasalampak kung sakali?
"Magsimula na tayo?" tanong ko kay Allen.
Kailangang matapos namin 'to agad.
Nang tumango sya ay agad na kumuha ako ng lapis at papel para sa gagawin naming pagtatanong.
[A/N: Bakit lapis? Kasi ang lapis, kahit mabasa yung papel na pinagsulatan mo hindi mabubura.]
"Ah.. ate.. pwede po ba kayong mainterview? Magtatanong lang kami ng mga basic informationtungkol sa inyo." hinging permiso.
Tumango naman sya.
"Ah.. ate pangalan po." agad na tanong ni Allen.
Actually, usapan na namin 'to. Sya yung magtatanong at ako naman yung tagasulat since mas magaling akong magtranscript kesa sa kanya.
"Ako po si Luisa Tayao. Isay nalang po. 16 years old." sagot naman nito na bahagya pa naming kinagulat.
16? Eh kung pagbabasehan mo yung itsura nya, mukhang may mas edad pa sya samin. No offense meant.
"Ahm.. magulang? Nasaan sila?"
"Wala na po kaming tatay. Sumama na po sa ibang babae. Si nanay naman po, nasa probinsya namamasukan." mahabang tugon nito.
"Mga kapatid?"
"Anim po kaming magkakapatid. Ako po yung panganay."
"Pwede ba naming malaman yung mga pangalan nila at kung ilang taon na sila?"
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...