Sammy's POV
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Sabay-sabay nila Ren, Casey, Nikki, Adri, Kaye at ng kapatid kong si Yesha habang nakavideo call kami sa iPad ko. Kung ako hanggang ngayon na may ilang linggo na ang nakalipas mula ng maging kami ni Allen, paano pa kaya sila na talaga namang atat na atat magkaroon ako ng boyfriend, tapos si Allen pa?
"OMG! Wait, isa pa! Kyaaaaaaaaaaaaah!" ayaw papigil ni Adri sa kilig.
"Hoy, mapaanak ka dyan buntis!" saway naman sa kanya ni Ren.
"Sorry naman. Eh sa ngayon ko lang nalaman na sila na pala ni Allen. Sabi ko na nga ba huli na ako sa balita." agad na sagot naman ni Adri na ngayon lang nalaman ang tungkol sa aming dalawa ni Allen.
"Iba ka ate! Nasa'yo na ang lahat! Mayaman, maganda, matalino, at higit sa lahat may fafable kang boyfriend!" singit naman ni Yesha na ngayon ay kasalukuya ay nasa kabilang kwarto lang at naghahanda na ng gamit papasok.
"Ano ba kinikilig ako!" natatawang sabi ko na may kasama pang paghampas ng unan sa kama ko.
"Leshe ka bakla! Wyn-wyn ang beauty mo! Ikaw lang talaga ang nag-iisang nagpatibok, nagpapatibok at magpapatibok pa sa puso ni Allen! Ikaw na!" sigaw ni Casey na muli naming ikinatawa.
"Finally, after 11 years! Grabe!"
"Haba ng hair! 'Wag tapakan!"
Nikki and Kaye said respectively.
"So, magpapakasal na kayo n'yan?" maya-maya ay tanong naman ng kapatid ko.
"Kasal? Agad? Eh halos magdadalawang buwan palang sila. May lakad?" sagot naman ni Nikki.
"Pero walang masama kung magpakasal na sila. It's about time." Kaye joined the brewing discussion.
"'Wag nga kayong atat. Jowa lang ang agenda natin para kay Sammy diba? Hayaan na nating sila ang magdecide para sa kasal." sali na rin ni Ren.
"Pero okay din talagang magpakasal na sila. Excited na ko makita ang mga future inaanaks ko 'no! Gora na! Chugug na!" panggagatong naman ni Casey hanggang sa nagsimula na silang magtalo-talo kung dapat na ba kaming magpakasal o hindi pa.
Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang concern sila dun samantalang hindi pa nga namin napag-uusapan 'yun ni Allen.
At dahil hindi ko naman sila maawat ay nanahimik nalang ako.
Nang biglang nagring yung cellphone ko na ikinangiti ko.
Calling ..
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...