Chapter Thirty Three [Part Three]

21 1 0
                                    


Sammy's POV


"Aalis kayo Isay?" tanong ko kay Isay nang mapansin kong binibihisan nito si Jr. Maging si Andeng at Carlo ay malinis ang damit.


"Ay opo ate. Sandali lang naman po kami eh. Dito po kami magtatangahalian at hapunan. Kayo na po muna sanang bahala kay Anna at Waky. Sige po ate, aalis na kami." paalam nito tsaka na hinila palabas sila Carlo.


May itatanong pa sana ko kaya alang ang bilis nilang nakaalis. *Sighed*


"Saan pupunta yung mga yun?" tanong ni Allen habang karga si Waky.


"Ewan. Nagmamadali eh. Walang sinabi. Hindi ko na rin naman natanong." sagot ko tsaka na sinimulang ligpitin yung mga naiwang kalat ng mga bata.


Hay! Mga batang 'yon talaga! Nakakalimang araw na kami ngayon dito. Masasabing kong mas okay na ko kaysa nung mga nakaraang araw. Hindi na rin ako umiiyak sa gabi. Nakakatulog na rin ako kahit papano. Siguro, nasasanay na rin ako.


"Samantha, i-tally na natin yung survey?" maya-maya'y tanong sakin ni Allen na sinang-ayunan ko naman.


At oo, tapos na kami. Last day na namin dito bukas. Nakapagpaalam na kami kay ma'am Charee. Pag-uwi namin, yung presentation, abstract at video nalang yung gagawin namin.


"Dito ka muna Waky ha? May gagawin lang kami." kausap nya kay baby Waky habang inilalapag sa baba tsaka binigyan ng laruan.


"So, bale 150 respondents lang naman yung kinuha natin so madali nalang 'to. Hati tayo." sabi ko tsaka ko binigay sa kanya yung kalahati nung mga papeel na pinasagutan namin nung nakaraang araw sa mga tagarito.


Hindi pa kami nangangalahati sa pagtatally ng lumapit samin si Anna.


"Ate Sam, laro tayo." aya nito sakin.


"Sorry Anna pero hind pwede si ate Sam ngayon eh. Mamaya nalang tayo maglaro okay?" sagot ko naman ng hindi ko manlang inaalis ang tingin ko sa mga papel na nasa harap ko.


"Pero.. saglit lang naman po tayo eh." pamimilit pa nito.


"Hindi talaga pwede eh. Pero promise, after ni ate dito, maglalaro na tayo. Laruin mo muna si baby Waky." muling sagot ko sa kanya na mukhang sinunod nya naman dahil hindi na ko nakarinig ng pangungulit pa muli sa kanya.


"Wala na ba tayong ibang gagawin bukod dito? Tapos ko ng i-tally yung kalahati." tanong ni Allen sakin pagkaraan ng ilang oras.


Hmm..


"Wal--ay! Itatranscribe pa pala yung mga interviews. Ikaw nalang magtapos nitong tina-tally ko. Ako ng bahala sa pagtatranscribe." sabi ko naman tsaka nilipat sa kanya yung mga papel sa harap ko at sinimulan na ang pagtaranscribe.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon