Sammy's POV
Three knocks on my door stop us from discussing. we both stop talking to listen to whoever is behind my door.
"Ma'am Samantha, pinapatanong po ng Mommy nyo kung sasabay daw po kayong kumain sa kanila sa baba o padadalhan nalang kayo dito ng pagkain sa taas."
si ate Mia pala. Saglit kaming nagkatinginang dalawa.
"Ikaw? Anong gusto mo? Dito o sa baba? Okay lang kung dito tayo." tanong ko sa kanya.
"Sumabay nalang tayo kila Tita. Nakakahiya naman kung hindi tayo sasabay." sagot nya.
"Okay sige." sabi ko tsaka tumayo para buksan yung pinto. "Ate Mia, pakisabi kila Mommy na sasabay kami sa kanila kumain sa baba. Thank you." sabi ko kay ate Mia.
"Ay sige po." si ate Mia tsaka na din bumaba.
"Tara na." aya ko na sa kanya.
-----
Pagkababa namin ay naabutan pa namin silang nag-uusap tungkol kay ate Sandy.
"Kailan mo balak dalhin ulit dito si Sandy ha Dane?" rinig kong tanong ni Mommy.
"Hindi ko pa po talaga alam pero baka po sa birthday ni Lola. Busy po kasi si Sandy ngayon sa mga exams. Tapos icocompute pa nun yung mga grades nung mga bata." sagot naman ni kuya Dane.
"Hay nako Dane, siguraduhin mo lang na madadala mo dito si Sandy sa birthday ng Lola mo, tiyak na hahanapin yun ni Mama." my Mom warned kuya.
And I can't help but to smile. Nakakatuwa lang na welcome na welcome si ate Sandy sa family namin. Mahal na mahal sya lalo na ni Lola at ni Mom.
"Gagawan ko ng paraan Mom." sagot nalang ni kuya.
"Nandito na pala sila ate Mommy." si Yesha nang mapansin nya kaming palapit.
"Bakit pa kayo bumaba? Pinaakyat ko na nga si Mia sa taas para kako di na kayo maabala pa." bungad samin ni Mom.
"Dito nalang po, nakakahiya na po masyado. Pinayagan nyo na nga po akong matulog dito eh." mahinang tugon naman ni Adri.
Yes, si Adri nga. Napagpasyahan kasi naming dito na sya matulog ngayong linggo para mapractice namin yung presentation na gagawin namin bukas eh.
"Naku, ano ka ba namang bata ka. Okay lang yun. Alam ko namang para sa pag-aaral yang ginagawa nyo. Oh sige maupo na kayo ng makakain na kayo." sabi ni Mommy na sinunod naman naming dalawa.
"Mommy, si Daddy wala pa?" tanong ko habang kumakain.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...