Sammy's POV
"Sam, honey.. are you sure you'll be okay here? Pwede ka namang sumama sakin." Muling panggungumbinsi sakin ni Mommy.
"Mom, promise I'll be okay here. Besides, mas gusto kop o ang magpahinga nalang." Sagot k okay Mommy na kasalukuyang pinag-aaralan ang kilos ko.
I heard her sighed after.
"Okay. Fine. Pero kung sakaling magbago ang isip mo, magpahatid ka nalang kay Joel. At pag-aalis ka, ipaalam mo muna samin ha? Mauna na ko." bilin ni Mommy sakin.
"Yes Mommy. Take care mom." Huling sabi ko bago ko sya hinalikan sa pisngi.
Pagkaalis ni Mommy ay muli akong bumalik sa pagkakahiga. Napagdesisyunan ko kasing wag nalang pumasok since wala din naman akong gagawin sa school dahil nga exempted naman ako sa mga exams. Actually, nung Wednesday pa ko nasa bahay lang. Friday na ngayon.
Isa pa, may iniiwasan kasi kong Makita kaya napagpasyahan ko ng hindi nalang ako papasok. Hanggang ngayon kasi hindi parin kami okay ni Justin. Ito na ata yung pinakamatagal naming pagkakaroon ng di pagkakaintindihan eh. Tapos dumagdag pa yung nangyari nung martes. Hindi ko rin alam kung pano ko papakiharapan si Allen.
Hays! Bakit ba kasi sinabi ko yun?
Pero kung titignan naman,hindi naman awkward yung sinabi ko diba? Tinulungan ko lang naman talaga sya. Eh ginagawa nga ni Nikki yun kay Allen, magpinsan yung dalawa nay un ah? So wala namang masama siguro dun sa nasabi ko.
Wala naman diba? Wala!
Hay! Nagooverthink ka na naman Sammy!
Para maiwasan ko ang pag-over analyze ng mga bagay-bagay, minabuti ko ng bumangon. Ginawa kong abala ang sarili ko sa iba't ibang bagay. Nandyan yung nagsurf ako, naggitara, nagpiano, nagbasa.. I even updated my blog.
I spent my whole day in the house. Pagkakain ng tanghalian ay nanuod lang ako ng tv hanggang sa nakatulog ako. Nagising nalang ako ng katukin ako ni ate Mia. May bisita daw ako sa baba.
Sinong bibisita sakin ngayon? Hmm..
Bago bumaba ay nag-ayos muna ko ng sarili. I just comb my hair and let it fall.
Si JJustin ang naabutan kong naghihintay sa sala pagbaba ko.
I cleared my throat for him to notice my presence.
"Janna.." agad syang tumayo at lumapit sakin para halikan ako sa noo.
"Maupo ka.." sabi ko na agad nyang sinunod.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...