Sammy's POV
It's Monday again! Ang bilis ng araw, parang kakatapos lang naming magpresent nung nakaraang linggo eh. Ni hindi ko nga masyadong naramdaman na nakapagbakasyon ako ng dalawang araw tapos ngayon, umpisa na naman ng panibagong linggo.
Last na 'to Sammy! Regionals nalang.
Pangungumbinse ko sa sarili ko habang naglalakad ako papuntang music studio.
Since di naman ako aattend ng klase, mas minabuti kong magsuot ng comfy clothes. Yung makakagalaw ako ng maayos. I just wear leggings and a plain white v-neck shirt na pinartner ko sa white rubber shoes ko. I also just let my hair in a messy bun. Well, hindi talaga sya yung messy. Syempre, nasa school pa rin ako so inayos ko pagkakapusod.
Hindi na ko kumatok nang marating ko ang music studio. Hindi naman kasi nakalock so pumasok na ko.
Pagpasok ko ay naabutan ko pang nagpapiano si Allen. Marunong parin pala sya magpiano.
Mag-isa lang sya. Kanina pa kaya siya dito?
Hindi nya napansin ang paglapit ko. He seems so pre-occupied.
Hindi ko na muna sya kinausap. Minabuti kong maupo muna sa isang tabi at hayaan sya sa ginagawa nya.
"Sam, kanina ka pa?" tanong nya sakin matapos nyang maramdamang hindi na sya nag--iisa. Tapos na din syang magpiano.
"HIndi naman. Medyo kadarating ko lang." sagot ko naman sa kanya tsaka ako lumipat sa tabi nya. "Nagpapiano ka pa rin pala?"
"Ah, oo. Pero hindi na din gaano. Ngayon na nga lang ulit actually. Tinignan ko lang kung alam ko pa. Ikaw, diba ito ang forte mo?" pagbabalik nya ng tanong sakin.
"Ah.. oo naman. Pero, dahil naging busy na din, hindi na din gaano. But I always make sure na makapagpiano pa din atleast once or twice a month." sagot ko tsaka ako sinimulang padaanan ng mga daliri ko ang pyesa nitong piano sa harapan namin.
"Gusto mo magpiano? Here. Ikaw naman. I would love that."
Napansin nya ata yung ginawa ko.
Ilang sandali na tahimik lang ako. Iniisip kung magpapiano ba ko o hindi.
"Sige." pagpayag ko tsaka na nagsimulang mag-isip kung ano ang magandang pyesa.
Hmm.. ah alam ko na.
Nang makapili ay sinimulan ko na ang pagpapiano.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...