Chapter Fifty Five

12 1 0
                                    


Sammy's POV

"Janna, may quiz pala tayo ngayon kay Miss Macalintal! Hindi ako nakapagreview! Ngayon ko lang nalaman. Ikaw ba?" tense na tanong sakin ni Adri pagkapasok na pagkapasok nya sa room namin. 

"Yeah. Sinabi nya yun last meeting ah?" sagot ko habang patuloy parin sa pagbbrowse ng notes ko.

"Bakit wala akong matandaan? Bakit hindi ko narinig? Janna! Wag ka na magreview lalo akong kinakabahan eh!" tense paring sabi nya tsaka hinatak palayo yung hawak kong notebook. "Nakakainis naman eh! Lagi nalang may quiz. Kakasimula palang ng 2nd sem ang dami na nating naging quiz. Myghaaad!" reklamo nya na ikinailing ko nalang.

And yes, you heard it right. It's second sem already. Last sem nalang, graduation na! Dalawang linggo na rin mula nang magsimula ang klase. So far, okay pa naman. Kaya!

"Janna, kailangan kita. Patabi, tabi tayo sa quiz. Alis nga dyan Adri! Kami ang tabi ni Janna." humahangos namang sabi ni Justin habang naglalakad palapit samin. Syempre, hindi na naman sya nagreview. 

Tatlong araw pala mula nung huli kaming nagkita ni Allen ay tsaka bumalik si Justin. And we continued our relationship  And okay naman kami sa ngayon. Sana magtuluy-tuloy na. Hindi na rin kami nag-aaway. 

"Manahimik ka nga dyan Just! Ako ang nauna." angil naman sa kanya ni Adri. Itong dalawa talaga na 'to kahit kailan eh.

"Nagtatalo pa kayo eh babagsak din naman kayo pareho." Luke commented which both Adri and Justin disagree.

"Alam  mo, 'pag ako pumasa ngayon maghanap ka na ng bago mong girlfriend ah?" agad na sagot sa kanya ni Adri na akmang gagatungan ni Justin nang biglang pumasok si Miss Macalintal.

"Good afternoon class."

"Good afternoon Ms. Macalintal." we greeted in chorus before we seat.

"Get one-fourth sheet of paper, write your name and number it one to twenty." sunud-sunod na sabi nito na ikinaingay ng mga kaklase ko.

"Shet! May quiz nga talaga! Lord, baka naman po." rinig kong bulong ni Adri sabay sign of the cross pa.

"Number one--" hindi na nagawang ituloy pa ni Ms. Macalintal ang pagsasalita nang biglang tumunog ang bell sa college namin na sinundan ng isang anunsyong umani ng sigawan at ng iba't ibang reaksyon mula sa  mga kaklase ko.

"All classes are suspended for today to give way for the program that is about to happen in a few. Students are required to proceed to the University's Activity Center. Thank you."

"Yes! Thank you, Lord!"

"Walang quiz!"

"Ano ba 'yan! Sayang yung nireview ko!"

"Corny naman, magrereview na naman tuloy ako dito for next meeting."

Kanya-kanya nilang sambit. 

"Okay class, let's have your quiz next meeting. For now, kindly proceed to the activity center." Ms. Macalintal said which we immediately followed.

"Alam nyo ba kung anong meron?" tanong ko kila Adri.

"Ay wala akong idea. Siguro may paseminar?" Adri answered.

Nang makarating kami sa activity center ay puno na ito ng mga estudyante. And I am surprised, hindi lang pala kaming taga-CBA ang nandidito. May taga-ibang college din.

"Ang dami nang tao. Halika, dito tayo. Nakita ko si Mika." si Adri tsaka kami hinila papunta sa loob. Good thing may bakante pa sa pwesto nila Mika, by the way Mika is our organization president. "Pres, may alam ko ba bakit tayo pinapunta dito?" agad na usisa ni Adri matapos naming makaupo.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon